Chapter 28

1.8K 20 3
                                    

Nagkakagulo na talaga ang lahat sa mga nangyayari. Nakatawag na ng pansin ito sa mga tao at lalong-lalo na sa mga reporters. Naisipan na ni Divine na tumawag ng mga pulis para kung sakali mang may mangyari. 

GERALD'S POV

I really don't know kung dapat pa bang pansinin itong taong ito eh. I don't know kung nababaliw na siya or hindi. In the first place, kung mahal niya talaga si Sarah dapat noon pa lang hindi na siya na-tempt kay Cristine!

"Sarah, no! Hindi ka lalabas!!! Delikado!!!" sabi ni Gerald.

"Pero Gerald ayoko naman na ako ang dahilan kung bakit siya magpapakamatay diba?!?" sabi ni Sarah.

"Anak!!! Ano ka ba??!? Baliw ka ba ha?!? Itataya mo ang buhay mo dahil lang sa lalaking yan?!?" sabi ni Delfin.

"Ano ba kayong dalawa!!! Kailangan ko siyang iligtas!!!!"

"Sarah may mga paparating na na mga pulis kaya hayaan mo nang sila na ang gumawa ng aksyon and not you!! HIndi ka superhero okay?" sabi ni Gerald.

"Tama si Gerald!!" gatong ni Delfin.

"Pero ako ang kailangan niya kaya ako ang lalabas. Hindi siya titigil kung hindi ako lalabas!! Kaya para matapos na, lalabas na ako at haharapin ko na siya!!!" sabi ni Sarah.

Ano bang nangyayari kay Sarah? She'll gonna risk her life para lang kay Ray?!? Ayoko!!! Pero ang kulit ni Sarah hindi ko na alam kung papayag ba ako o hindi eh.

"Sarah, pwede ba? Maawa ka naman sa sarili mo!! Muntikan ka na ngang nakawan ng halik niyang lalaking yan tapos ililigtas mo pa siya!" sabi ni Delfin.

"Tsaka may hawak siyang deadly weapon!! I won't risk you! Tumawag na si Tita na mga pulis kaya mag-intay nalang tayo!" sabi ni Gerald.

"Ang kulit niyo naman eh!!! Hindi niyo kasi ako naiintindihan!!!" sabi ni Sarah. "Tabi!" binuksan ni Sarah ang gate at tuluyang lumabas.

"Sarah!!! Bumalik ka dito!!!" papalabas si Gerald ng bahay.

"Gerald! Bumalik ka dun! Okay?"

"No!!!"

"Sarah!! Ano ba!!!!" sigaw ni Delfin.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Divine.

"Ayun! Si Sarah lumabas!"

"Ano?!???"

"Eh hindi na mapigilan eh!!!"

"Nako! Hindi pwede! Delikado!!" aktong lalabas na si Divine pero pinigilan siya ni Delfin.

"Wag na. Dito nalang tayo."

What the heck is happening!! Lumabas siya para kay Ray na may hawak na deadly weapon?!? I just pray na wala siyang gagawin na masama kay Sarah please! Ang daming reporters na nandito! I'm sure headline na ito bukas at papagalitan kami ni Mr. M!!! Oh God!

SARAH'S POV

"Gerald! Bumalik ka dun! Okay?" sabi ni Sarah.

Hay! Ikaw na po bahala Lord! Kakausapin ko si Ray for the last time at sana magkalinawan na ang lahat. Sana ito na rin ang huling pagkakataon dahil ayoko nang balikan pa ang nakaraan dahil yun ay nakaraan na na dapat hindi na binabalikan dahil naniniwala akong past is past. Nakalimutan ko na siya at lahat nang nangyari samin dati at masaya na ako sa piling ni Gerald ngayon.

"Ray, please itigil mo na yan. BItawan mo yan." sabi ni Sarah at umupo sa tabi ni Ray.

"Sarah, gusto ko lang naman na mag-sorry sayo sa nangyari kanina. Hindi ko alam yun." sabi ni Ray.

"Diba anong sabi ko kanina? Okay na diba? Kaya wag mo nang isipin yun! Nangyari na yun at part na yun ng past na dapat kinakalimutan na. Tulad natin. Tapos na tayo Ray."

"Pero Sarah, ngayon ko lang na-realize na mahal na mahal kita. Ikaw pa din yung mahal ko. Di ka ba naniniwala?"

"Hindi naman sa hindi naniniwala pero sana nung una pa lang, kung mahal mo talaga ako dapat hindi mo ko iniwan diba? Dapat hindi ka na-tempt kay Cristine noon."

"Sorry. Sorry Sarah."

"Gaya nga ng sinabi ko tapos na yun okay? Tapos na. Kaya halika dito." hinug niya si Ray. "Hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sayo."

"Hindi!!!!!!!" sabay palag ni Ray at nasugatan naman si Sarah. Nagulat siya at di niya ito sinasadya.

"Ouch!" sabi ni Sarah at dumudugo ang kanyang braso.

"SARAH!!!!!!!!!!!!!" sabi ni Gerald nang makitang duguan si Ray. "Anong ginawa mo Ray!!!!!!!!" binugbog si Ray at itinabi si Sarah. Lumapit na din sina Divine at Defin.

"Sorry Gerald! Sorry!!!! Di ko sinasadya!!!!" sabi ni Ray at patuloy pa din ang kanilang bugbugan.

"Walang hiya ka!!!!!"

"Diba sinabi ko naman sayo na wag ka nang lumabas!!! Tignan mo nangyari!!!" sabi ni Delfin.

"Kailangan na nating ipagamot agad ito!!! Halika na dadalhin ka namin sa ospital!!" sabi ni Divine.

"Hindi na Mi! Konti lang ito." sabi ni Sarah.

"Sarah naman! Pwede? Wag nang matigas ang ulo!!! Tsaka anong konti? Ang laki niyan ha! Baka matetano ka pa dyan!" sabi ni Delfin. 

"Tama ang Daddy mo!" sabi ni Divine.

"Ge! Ray! Tama na yan!!!!" sabi ni Sarah.

"Wag ka nang makigulo pa dyan Sarah!!! Hindi ka pa ba nadadala sa mga nangyayari sayo???" sabi ni Delfin.

Dumating ang mga pulis at hinuli si Ray. Dinala naman sa ospital si Sarah kasama sina Divine, Delfin at Gerald. Nagkakagulo ang mga reporters sa pagkuha ng scoop at interview kina Sarah at Gerald pero sadyang mailap sila. 

Wala akong idea na mangyayari sakin yun. Siguro sapat na na nangyari ito para matauhan na rin ako na tama na. Siguro sagad sagad na ang malasakit ko para kay Ray. Hindi na siguro tama na ako pa ang magpapakababa sa kanya gayong siya naman ang may kasalanan kaya kami nagkasira noon. Simula ngayon, wala na talaga. Kung ayaw niyang maging magkaibigan kami, eh di wag. Bahala siya!

143 BABE An Ashrald Fan Fiction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon