Chapter 21

2K 21 3
                                    

Author's Note: Sorry po kung ngayon lang nakapag-update dito sa story na ito. Mas active po ako dun sa isa. "One Heart" pero maga-update pa din naman po ako dito. Lalo na ngayon SEMBREAK na!! Yey :) Hehe

Pictorial ngayon ni Sarah for a new concert pero wala siya sa mood ngayon dahil cool off nga sila ni Gerald. Dinumog naman ang kanyang pictorial ng mga reporters.

SARAH'S POV

Okay. So cool off kami ngayon ni Gerald. Nabigla nga lang ba ako sa aking desisyon? Tama kaya ako na mag-cool off muna kami? Siguro nga para na rin ma-realize niya na napapagod na ako sa topic ng awayan namin. SELOS. Palagi nalang selos wala na bang ibang dahilan? Sawang-sawa na ako! Hay. Pictorial ko nga pala ngayon para sa new concert ko. Wala ako sa mood. Wala talaga, as in. Ang dami pang reporters. Ano ba yan!! Tatadtarin na naman ako ng tanong ng mga ito.

"Sarah, may mga reporters dito. Gusto ka nilang ma-interview." sabi ni Gidget. "Pagbigyan mo na! Uy!" di kasi umiimik si Sarah.

"Sige na nga Ate. Pero awatin mo na kapag masyado nang madaming tanong ha." sabi ni Sarah at tumayo na siya sa upan at lumapit sa mga reporters. "Hello po!" mejo malungkot niyang bati sa mga reporters.

REPORTER: Sarah, para saan itong pictorial mo? Album ba, concert, new show?

SARAH: Uhm... bagong concert po.

REPORTER: Saan? At ano ang theme?

SARAH: Sa Araneta Coliseum po. Tapos isa siyang dream concert.

REPORTER: Hindi ka ba natatakot na sa Araneta kaagad ang venue ng first major solo concert mo?

SARAH: Natatakot nga po ako eh kasi ayun nga first time ko pero naniniwala naman po ako sa sarili ko at alam ko naman na madaming nagmamahal sa akin at sumusuporta kaya sana mapuno ko ang venue.

REPORTER: So sino sino ang mga guests mo dito? Kasama ba dito si Gerald?

SARAH: Uhm.... secret po. Hindi pa po kasi nafa-finalize ang mga guests ko.

REPORTER: Anyway, mapunta tayo kay Gerald. Since nabanggit narin siya. Kamusta kayo? May bali-balita kasing naghiwalay na daw kayo? How true?

SARAH: Sa ngayon po, hindi ko po muna masasagot ang mga tanong niyo po tungkol kay Gerald at sana po respetuhin niyo po ang desisyon ko po. Masyado pong personal.

REPORTER: So totoo nga na hiwalay kayo? Ganun?

SARAH: Gaya nga po ng sinabi ko, ayoko na pong pag-usapan. Masyado po talagang personal para sa akin. Kailangan po namin ng konting privacy po. Thank you!

"Tama na po! Okay na po. Magme-make up na po si Sarah. Salamat!" pag-awat ni Ate Gidget sa mga reporters sa pagtanong kay Sarah. "Halika na beh."

Grabe naman yung mga tanong ng mga reporters. Sabi na nga ba eh! Pero wala talaga akong magagawa, hindi talaga maiiwasan. Kamusta na kaya si Gerald? Hay... bakit ganun? Hindi ko matanggal sa isip ko si Gerald. Bakit.... 

"Ano ba yun? Bakit ganun ang mga tanong nila. Break na ba kayo ni Ge?" tanong ni Gidget kay Sarah. Hindi naman umimik si Sarah. "Beh hoy! Sa, ano break kayo?"

"Nag-away kami Te Gidge tapos cool off kami ngayon." sabi ni Sarah.

"Cool off? So break na nga kayo!!"

"Ganun ba yun Ate? Cool off break na agad?"

"Ano ka ba beh! Parang ganun na rin yun. On the rocks na kasi ang relasyon niyo. Diba nagka-boyfriend ka na dati? Bakit di mo alam?"

"Eh kasi ate hindi naman kami nag-cool off nun. Ni hinid nga kami major na nag-away nun eh."

"Sayang naman! Sana maayos niyo yan ni Ge. Alam na ba ito ni Nhils?"

"Hindi ko alam kung nasabi na ni Ge."

"Oh sige. Mag-make up ka na dun. Maging okay ka muna for the mean time ha?" sabi ni Gidget at pumunta sa make up room si Sarah. 

GERALD'S POV

Cool off!!! Bullshit. Ang layo layo ko tapos cool off kami. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nababaliw na ako dito. Sana naman matapos na ito para naman makauwi na ako ng Pilipinas. Kailangan ko ng ayusin itong relasyon namin ni Sarah.

"CUT!!!!" sabi ng direktor. "Ge? What's happening? Kanina pa tayo ulit ng ulit ng scene. Nakakahiya naman kay Angel." 

"Sorry. Sorry. I'm just.... uhm.... I just need a break." sabi ni Gerald.

"Okay lang yun direk." sabi ni Angel.

"Okay sige. Mag-break muna tayo." sabi ni direk.

"Ayos ka lang? Mukhang kanina ka pa malungkot ha." sabi ni Angel at naupo sila ni Gerald sa isang tabi.

"Uhm.. wala 'to." sabi ni Gerald.

"Ah okay. So confidential. Love life yan noh?"

"Pano mo nalaman? Ganun na ba talaga ka-obvious?"

"Eh halos lahat naman pag ganyan ang itsura, love life ang problema." sabi ni Angel. "Magtanong ka, baka may maitulong ako."

"Ganito ba kahirap kapag cool off?" tanong ni Gerald.

"Cool off kayo? Ni Sarah?"

"Ha?"

"Nako. Wag mo nang ikaila. Kalat na kalat kaya na kayo na. So kayo pala?" sabi ni Angel tapos hindi nag-react si Gerald. "Wag ka ng mahiya! Ikaw naman! Kaibigan mo naman ako."

"Okay. Cool off kami ni Sarah." sabi ni Gerald.

"Mahirap yan. Kasi kapag cool off kayo, walang kasiguraduhan. Pwedeng maayos pa pero malamang na malamang, hindi na kasi most of my friends, kapag nag-cool off sila, hindi na talaga naayos eh."

"Are you serious?!???" gulat na gulat na sabi ni Gerald. Hindi siya makapaniwala.

"Teka lang! Chill. Sa mga kaibigan ko lang naman yun eh pero depende pa rin naman sa inyo ni Sarah yan. Pero I'm hoping for the best of you both! Sana maayos." tapik ni Angel sa balikat ni Gerald. "Sige, una na ako ha. Kayo mo yan Ge!!"

"Thanks! Thank you." sabi ni Gerald at napaisip siya sa sinabi ni Angel sa kanya.

TAMA!!! Tama!!! Ako ang lalaki kaya dapat ako ang gagawa ng paraan. Ako dapat ang magaayos nito. Mahal na mahal ko si Sarah at ayokong mawala siya sa buhay ko. HIndi pa huli ang lahat. Hindi pa. Kailangan gumawa na talaga ako ng paraan.  

143 BABE An Ashrald Fan Fiction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon