DYOSA

3.6K 135 15
                                    

Define DYOSA!

Karamihan sa iba ang definition nila sa Dyosa ay hinahalintulad nila kay Anne Curtis. Namumulaklak sa kagandahan na kahit pawis na pawis na ang kili-kili ay namumutawi pa rin ang ganda ng Pilipina. P'wes ibahin niyo ang bida natin. Hindi lamang kagandahan ang kaya niyang irampa pati na rin ang angkin niyang kakayahan sa paglaban araw-araw, anti-chismusa. Kilala mo na ba itong tinutukoy ko? P'wes kung hindi pa edi wow.



"PESSBOL! PESSBOL KAYO DIYAN!" Sigaw ng isang babae, habang tulak-tulak ang maliit na kariton na pamana pa ng kaniya namaya niyang ama.



Who is she? She's Genevieve Dyosaña. Beb for short. Ang hayop sa kasipagan pagdating sa mga sideline, hindi lang don pang sport pa. Kaya niyang mag ronda araw at gabi, magbalat ng buko gamit ang kanang kamay, umakyat nang puno ng niyog, at pati ata construction ay napatos na niya. Walang inuurongan, walang inaatrasan serbisyong totoo lamang dahil hindi na tutulog ang balita nakatutok kami 24 oras. TSE!



Pero kahit na gano'n, wala pa rin makakapantay sa ka akit-akit, napakalagkit at natatago niyang kagandahan. Siya lang naman ang nag-iisang dyosa na naglalako ng paninda tuwing sabado sa plaza at nagroronda naman ng balot sa gabi.



Ang dyosa na hindi alam ang salitang MAG-AYOS O kahit magsuklay man lang ay allery siya rito.



Ang dyosa na 70 percent sa balat ay mantika! P'wede ka na ngang magprito ng galunggong, crispy pata, itlog, at mag-letchon sa noo niya kung gugustuhin mo.



Ang dyosa—ok basta siya yung babaeng nakikita niyo tuwing hapon na nagpapaypay sa isawan ni Joseline. Yeah, siya yun! kung hindi kayo pinanganak ng nanay niyo na bulag! Makikita niyo ang nag-iisang dyosa sa kanto Paasa.



Ang nag-iisang dyosa na kinagigiliwan ni Bedok at mga tambay sa lugawan ni Rebecca.



Ang dyosang dugyot sa umpisa pero titigan mo lang kapag nakaligo na, mapapasabi ka talaga na "Ohlala, Grabe siya" 

✏ 😍 ✏

Waaaaaaaazzzap? Yeah, a new story to unfold, again!

Hahaha basta easily lang tayo ok? Mairaraus din natin to!















Paalala ni Ateng Patatas: Siguraduhing naka panghilamos at tapos niyo ng hugasan ang mga pinggan ng sa ganoon ay hindi si WATTPAD ang masisi. 😉

Ciao!

Vampire ka lang, Dyosa ako! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon