Beb's Pov
Agad kaming nakarating sa room na sinabi ng nurse kanina sa station. Kamuntik ko pa nga hilahin ang monay si Troy dahil sa panglalandi niya sa mga gwapong nurse.
Bumungad agad sa amin ang mga taong nag-iiyakan nang makapasok kami sa sinabing room, mga sipon na naglalaglagan at mga bunganga na akala mo'y ang lilinis ng mga ngipin. May mga baon pa talagang kare-kare ang mga 'to.
Agad na tinabig ni Troy ang mga dugyuting nilalang sa aming harapan. Muntik pa akong matawa sa mukha ni Troy noong mga umiyak na akala mo na untog si junjun sa kanto ng mesa at gano'n na lamang kung masira ang sira niyang mukha.
Ang gaga kong kaibigan ang bilis umiyak. May pa tulo pa ng sipon ang walanghiya habang nakabaling ang tingin sa akin. Ayaw pa magpatalo doon sa katabi niya na overacting.
"Vaks! Patay na siya." Humagulhol pa lalo siya ng iyak.
"WALAAANG HIMALAAAA!" biglang sabi ni Troy na para bang sinaniban ni Velma Santos at may paturo pa siya sa kisame.
Mas lalong lumakas ang hagulhol ng kapamilya, kapuso at kapatid ni Jovi. Ewan ko lang ha at bigla atang tumaba ang mga kaanak ng lokong Javier. Medyo matagal na rin kasi noong huling magkita-kita kami. Hindi ko na rin memorize 'yong mukha nila.
Sarap nilang ipasali sa Biggest loser Asia ng sagano'n ay magka space naman kami rito sa maliit na kwartong 'to. Promise!
Napatingin ako sa bangkay na tinabunan ng puting tela. Hindi ko alam at parang nanlulumo ako sa nakikita ko ngayon.
Sayang naman talaga at namatay ang isang 'to ng wala sa oras. Kung bakit kase nagwalwal ng hindi kaya?
Iyan kasi ang chinika ni Vaks kanina habang papunta kami rito. Nagwalwal nang husto si Javier kaya ayan, dedoks ang p*tangena.
Oh well, kung oras mo na talaga wala na tayong magagawa.
"Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" Biglang sulpot ni doktora.
Napatingin ako sa gawi niya. Takte! Kamag anak niya pa ata ang isang 'to. Lakas maka extra large.
"SIYA PO ANG EX!" sigaw ni Troy habang nakaturo pa sa akin. Pinanliitan ko siya ng mata.
Puny*ta talaga. Sige lakasan mo pa pot*ngena mo.
Ngumisi lamang siya at ang gaga parang tuko kung makakapit sa gwapong lalake na kamag ata ni Javier. Actually hawig niya si Aldrin Richard ang that's my bae ng eat Bulaga.
Ang lalim ng dimples.
"Naku, dok huwag niyo na pong pansinin 'yan, " sabi ko. Tiningnan lang ako ni doktora from head to toe, mukhang nandidiri pa.
"Hindi ka naman adik siguro 'no?" sabi ni doktora bago nilampasan ako at pinuntahan ang ginang na nakatalikod.
Wala naman sigurong masama sa suot ko? Naka pantulog pa kase ako with sabog hair. 'Nyeta kaseng bakla yan, bigla bigla na lang nanghahatak. Dimunyu!
Matapos sabihin ni doktora ang mga bagay bagay na kahit isa ay wala akong maintindihan at kahit kailan ma'y hindi ko iintindihin ay lumayas na ito. Tiningnan pa ako ni doktora Taba bago sinirado ang pinto.
Edi ikaw na naglalakad na baboy!
Nakabusangot na nilapitan ko si Troy na kasalukuyan kumakapit tuko sa bago niyang baby boy. Feel na feel niya pa habang nagpapalambing sa lalaki niya."Vaks." Kalabit ko rito.
"Vaks." Kalabit ko ulit dito. Hindi pa rin siya tumingin sa akin at super kapit pa lalo sa lalakeng pangiti-ngiti lang.
BINABASA MO ANG
Vampire ka lang, Dyosa ako! (COMPLETED)
VampireBampira daw s'ya, JUSKO! PAKE KO? Bampira lang s'ya DYOSA AKO! Anong laban n'ya kung ako aarangkada?