Beb's Pov
Nagsukatan muna kami ng tingin ni-ano nga ba pangalan nito? Basta yung manyakis na nagsamantala sa kahinaan ko, ang dahilan kung bakit hindi na pantay ang hinaharap ko.
"HOY! Babae! Ang lakas ng loob mong suntukin ang baby Kaizer ko! Malandi!"
Someone shouted from the crowd.
Look who's talking!
Ibinaling ko ang tingin ko sa babaeng mukhang sosyal.
My mind automatically says, "oh" to the daughter of dean.
Well, mga anak ng haciendero at haciendera mostly ang nag-aaral dito sa La Monte College. which is mga kinulang naman sa aruga dahil mga pa pampam at mga desperada, like this impakta.
"Baby mo? Baby ka ba? Assuming mo 'te." Tinaas ko to the power of 10th floor ang kilay ko. Laban!
"Get away ka nga r'yan! Ang pangit pangit mo na nga nagmamantika ka pa! You ruin the view!" Hirit no'ng nasa kanan niya.
As far as I know si Bubble iyon, ang dati kong kaklase sa elementary. Nakabingwit lang ng Matandang lalake Madaling Mamatay lumaki na ng ulo. Akala mo talaga hindi nakatae sa short niya noon.
"Ganda ka? Sabagay maganda ka lang dahil d'yan sa 70 pesos mong foundation!" bulong ko.
Nagsimula nang magbulong-bulongan ang ibang students. Mukhang narinig pa ni gaga ang binulong ko kaya umuusok na sa galit ang puny*ta. Napahiya naman siya at may pa pitik pitik pa sa buhok sabay irap ang gaga. Sarap lang talaga kalbuhin.
Napaikot mata ako. Aalis na sana ako para makaiwas sa mga utak dilis kong mga co-blockmates, pero hindi ata sila papaawat at may humatak sa collar ko dahilan para malukot iyon.
"Gusto mo bang masaktan?" Pagbabanta ni Buttercup.
I know them. Sino ba ang hindi makakakilala sa tatlong ito? Hindi lamang tirador ng matandang lalaking madaling mamatay, kundi mga tirador din ng pishbol na hindi man lang marunong magbayad. Pweh!
"Kung ayaw mong masaktan, get lost here you rat. Sino ka ba sa akala mo? bida? You're nothing but an oily ugly monster, you don't belong here anyway!" Dagdag niya pa habang pinagdiinan ang bawat letra sa pagmumukha ko.
Nagsimula nang- umunit ang ulo ko sa pang-iinsulto nya.
Sino ako? Monster? Ha! Kung 'di lang dahil sa guhit nitong kilay at sinampal na foundation, I'm sure hindi siya tao.
May humalatak pa sa collar ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ang ugly mo nga." Mas lalong tumaas ang kilay ko sa nagsabi non. Wow naman galing talaga kay babalo 'yon?
I tsked. Nasa amin tuloy ang lahat ng atensyon nila, pati ang mga 4th year na nasa harap ng building ay naki-usyoso na rin. Kung pinadaan sana nila ako kanina, edi nasa hindi sila maboyboysit sa pagmumukha ko. Ako nga kahit na boysit na boysit na ako sa baho nila may reklamo ba silang naririnig sa akin? Wala.
Akmang sasampalin na ako ni Buttercup nang mapigilan ko ang kamay niya. Bored na tiningnan ko siya sa mukha niya.
"You don't know me, don't you? Well, let me introduce myself to you Miss makapal ang foundation. I'm Genevieve Dyosaña from Kanto Paasa. And yes, you're right I don't belong in this array of desperate. So if you excuse me I have class to attend to," I manage to calm.
Pero bigla atang tumaas ang altapresyon ng isang ito at bigla nalang akong tinulak. May iba na umawat na sa amin pero pursegudo talaga itong si ate sa english-an!
BINABASA MO ANG
Vampire ka lang, Dyosa ako! (COMPLETED)
VampireBampira daw s'ya, JUSKO! PAKE KO? Bampira lang s'ya DYOSA AKO! Anong laban n'ya kung ako aarangkada?