Beb's Pov
Tulad nga ng sinabi ni jowa ko ay sabay kaming pumunta sa skwelahan. Nakakaputangena lang dahil hindi niya na ako nilulubayan at dikit pa rin nang dikit sa akin. Kulang na lang ay magpalit kami ng mukha.
"Kiki," bigla niyang tawag.
"Ano!"
"Kapag ba binuntis kita, magagalit ka?" Out of the blue niyang tanong. Napatingin ako sa kaniya at pinakita ang kamao ko. Bigla niya naman akong pinaulanan ng halik ito.
"Tangena ano na naman yang nasa utak mo, ha?" Pinitik ko ang noo niya.
"Ikaw lang naman nasa utak ko." Biglang banat niya habang nakangiti.
"Pero nakahubad nga lang." Mahinang natawa si Kaizer. Hindi ko alam pero parang babaliktad ang puso ko. Pinanliitan ko siya ng mata at pinagsusuntok ito.
"Pakyu!" Asik ko.
"Later kiki, later," sabi niya habang kumikindat pa.
Lumabas na ako ng kotse niya. Ganito pala ang feeling kapag nakasakay sa Lamborghini 'no? Tangena dapat ko na talagang pag-igihan ang pag-iipon.
Tulad ng inaasahan ko ay lahat sila nakatingin sa akin ng maisara ko na yung pinto. Iba iba ang naging expression nila. Yung iba para bang nandidiri na natatae na parang sinaniban ng killer bride. Ewan mukha pa rin silang mga tubol sa paningin ko.
"Ki," biglang tawag sa akin ni Kaizer.
Tangena talagang tawagan iyan. Saang lupalop niya ba nahanap ang tawagan na iyan? Wala na ba talagang ikaka-sweet diyan? Kiki? Tangena, pempem din iyon di ba?
"Kita tayo later," aniya bago nag flying kiss. Isinabit ko na muna ang buhok ko't pabebeng sinalo ito.
Kese nemen e, seyeng den.
"Layas ka na nga," kinikilig kong pagtataboy dito.
Tumawa naman siya kaya tumalikod na ako't nagsimulang maglakad.
"I love you kiki ko! " sigaw niya pa na naghakot ng maraming audience.
"Love you too" I mouthed. Bago tumalikod ulit.
Ang hindot!
Napatingin ako sa paligid ko ng magsimula na silang magbulongan. I flipped my hair at gandang-gandang naglakad sa hallway. Sige lang mamatay kayo sa mainggit.
"Kalerke! Sila na ba?"
Narinig niyo naman di ba? May tawagan na nga may pa I love you pa. Tseh! Palibhasa mga slow.
"Hindi ko sila bet!"
Pakihanap nga ng pake ko.
"Ang pangit niya tapos si fafa Kaizer? Ewww hindi ko maisip!"
Gaga wala kang isip!
Napahinto ako sa paglalakad ng humarang ang power puff girls. Kasama ang babaeng may matulis na baba. Yes, po! Buhay pa ang mga bruhilda't naka crossed arms pa sa harapan ko. Mga kontrabida!
"Well... well... well.. nagkita na naman tayo," sabi ni buttercup.
Hayok talaga ng name nila.I flipped my hair again. Duh! Naka conditioner na 'to ' no. Alagang Vitress Hair Polish na ito ngayon oy, with vita-strength formula. Help prevent split ends and breakage for strong and shiny hair. What are you waiting for dito na kayo. Hindi Vitwo, kundi VITRESS.
Ehem splash corporation baka naman gusto niyo ng magandang model. Available na available ako.
"Alangan may mata ka at isa pa wala akong pakialam kung ano na mang masamang hangin ang nagtulak sa inyo sa dadanan ko. Paki tabi nga at dadaan ang dyosa!" Lalagpasan ko na sana sila ng may humamblot ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
Vampire ka lang, Dyosa ako! (COMPLETED)
VampireBampira daw s'ya, JUSKO! PAKE KO? Bampira lang s'ya DYOSA AKO! Anong laban n'ya kung ako aarangkada?