Beb's pov
Napatirik mata ako ng marinig ang nakakabulabog na katok galing sa labas. I throw a look sa alarm clock kong naghihingahos na dahil sa kalumaan.
Tinabunan ko ng unan ang ulo ko. Peste yawa!
Isang linggo na akong penepeste ni Kaizer. Isang linggo niya na rin akong binubulabog at kinukulit na manligaw KUNO NIYA. Hindi lang yun, pati si Jovi isang linggo na ring nangungulit na mag kambak kami. Nyeta edi ako na maganda! Pweh!
Kung meroon mang malala sa kanilang dalawa si Kaizer na ata ang pinakamalakas ang amats sa utak pagdating sa panliligaw KUNO.
Sabog ata talaga ang manyakis na Kaizer na 'to. Porbida! Siya na lang ata ang nanliligaw na sinusubukan ang pasensya ko tuwing 12:12 AM. Walang paltos 'yan ha.
Ito namang puso kong ayaw huminto sa pagkabog na para bang ang saya saya kapag nandiyan ang surot na iyon. Pota ang lande!
Nagsimula ito noong gabing iniligtas niya ako sa mga kamay ng mga depunggal at mga pangit na rape-napper daw. Ewan ko ba sa kanila mga pauso sila mga mukha namang paa. Nakapagtataka nga at hindi ko na sila nakita noong nagising ako. Ang sabi ni Kaizer tumakbo raw at nagtago sa palda ng nanay nila. Wengya! Ang hangin din ng potangena.
Isang malakas na katok pa ang nagpabangon sa akin. Baliw na talaga ang taong ito.
"ANO BA KITANG NATUTULOG NA YUNG TAO OH! PAGPAHINGAHIN MO MUNA AKO!" sigaw ko sa gwapo niyang pagmumukha.
Oo, tangena ang gwapo na naman ng ugok. Naka-sando ito habang litaw na litaw ang kulay harina niyang balat sa kilikili. As usual naka shade na naman ang loko na akala mo talaga tirik na tirik ang araw e, mas madilim pa ata sa tuhod ni Troy sa paligid.
"Hindi ba sabi mo, maaga ka dahil magluluto ka pa? So I'm here to help you," kalmado niyang sabi na para ba sanay na ito sa pagtalsik ng laway ko.
Ano bang maaga sa kanila? Jusko!
Itinabig niya ako't feel na feel na pumasok sa papunta sa mahiwagang kusina ko.
Nyeta!
Padabog kong sinirado ang pinto at agad na sinundan siya sa kusina. Wala rin akong magagawa sa taong ito dahil 'sing tigas ng bato ang utak nito at kahit anong pilit kong ipagtabuyan siya nangungulit at nagungulit pa rin na mag stay. Sana all.
Pagkadating ko don ay nilalabas niya na ang mga patatas sa plastic.
"Mawalang gana na ano?lumayas ka -" Nakapuwesto pa ang mga kamay ko sa ere at handa na ang mahaba kong SONA nang putulin niya ito.
"Nasaan ang maliit na planggana?"
"Nasa kaliwa," diretso kong sagot dito.
Ngumiti naman siya at agad na kinuha ang maliit na planggana, kumindat pa siya bago linisin ang mga patatas. Napaiwas ako ng dinadaga na naman ang puso ko.
Nyeta kang puso ka! Huminahon ka diyan kung ayaw mong budburan kita ng asin. Ang aga aga nagpapalande ka!
Napatingin ulit ako sa kaniya. Honestly, nakaka turn on itong ginagawa niya. Mas masarap sa mata tingnan ang mga lalakeng nakasuot ng pink na apron habang nagbabalat ng patatas. Napapaisip tuloy ako. Ano bang nakita niya at nanliligaw ito sa isang tulad kong hindi naman nag-aayos, dugyot at gusgusing babae?
Kung tutuosin ang daming nagkakandarapa sa kaniya sa school, mga sexy, mga magaganda at higit sa lahat mayaman. Hindi kaya pinaglalaruan lang ako ng gunggong na ito?
Pinihit niya ang ulo niya at tiningnan ako habang naka-pout.
"Titingnan mo na lang ba ako?" Pagpapaawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/176654816-288-k279802.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire ka lang, Dyosa ako! (COMPLETED)
VampireBampira daw s'ya, JUSKO! PAKE KO? Bampira lang s'ya DYOSA AKO! Anong laban n'ya kung ako aarangkada?