Beb's Pov
Walang kapaguran ang mga luha kong ito. Halos nanlalabo na rin ang paningin ko kakaiyak. Putok na putok na rin yung mata ko sa overtime na iyakan.
Nilaklak ko na lahat ng juice pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nalalasing. Sino ba naman kase ang may sabi na nakakalasing ang Juice?
Iyak. Tulog. Kain. Higa. Iyak ulit. Iyan ang naging routine ko sa loob ng dalawag linggo. Wala rin akong sinagot na tawag ni Baks o kahit sino man. Pinapalayas at pinapalapa ko rin sila Mark at Juko sa hybrid kong crocodile sa tuwing dinadalaw nila ako.
Ang tigas naman talaga ng mukha nila. Matapos ang lahat? Matapos nila akong ginawang katawa-tawa sa harap ng pamilya ni Kaizer?
Para ano? Para ipamukha nila sa akin na wasak na wasak ang puso ko?
Hindi ba sila nakakaramdam na gusto ko muna mapag-isa?
"Bweset! Kailan ba kayo mauubos!?" Baling ko sa mga luha ko.
Napatingin ako sa kalendaryo ko. Tapos na ang eclipse at dalawang linggo na rin ako nagmumukmok sa kwarto na ito.
Wala na talagang pag-asa.
Napasambunot ako sa buhok ko. "Fuck! Stop it Gen!" Naiiyak kong bulong sa sarili ko.
"P'wede ba? Huwag mo na siyang isipin. Mag move on ka na." Itinuyo ko ang luha ko.
Napabangon ako bigla sa higaan ko at nagtatakbo pababa ng maramdaman ko ang biglang paghalungkat sa tiyan ko.
Dumiretso ako sa lababo ko at dumuwal.
Nasapo ko ang ulo ko ng biglang umikot ang paningin ko. Dalawang linggo na akong ganito. Shit! Kung bakit kase iniyakan ko yung hindi pa patay?
Napahinto ako ng makarinig ako ng katok.
Inayos ko ang buhok ko at inabot ang mahabang pamalo.
Agad kong binuksan ang pinto pero walang akong nadatnan. Walang tao. Bweset at mukhang napagdiskitahan pa ng mga prankster ang bahay ko.
Isisirado ko na sana ang pinto ng makita ko ang isang kahon. Napatingin ako sa paligid pero wala akong ibang nakita.
Tinitigan ko na muna ang box bago ipinasok sa loob. Sinarado ko ng maigi ang gate at ang pinto ko.
Aakyat na sana ako sa taas ng biglang gumalaw ang box. Napakunot noo ako at nilapitan ito.
Napakamot ako at walang ganang binuksan ito. Halos lumuwa ang mata ko ng makita ang maliit na aso. Kulay itim na askal ito. Shit! Shit! Shit! Ang cute.
Napatingin ako sa nakatambak na box sa gilid. Sa loob ng dalawang linggo ay oras oras akong nakakatanggap ng box. Hindi ko naman ito binubuksan dahil wala akong gana. Nay idea na ako kung saan ito galing. Kung hindi galing kay vaks ay kay Jovi.
Nawala na ko ng gana sa lahat.
Binuhat ko ang aso at tiningnan ang nakakabit sa leeg nito.
"So your name is Kai." Marahan ako natawa pero agad ding nawala ang tawa na yun at napalitan ng lungkot ng maalala muli siya.
Kai? Kaizer?
Mabilis kong tinanggal ang collar nito at hinagis sa kung saan. Naging bodiga naman 'tong bahay ko sulitin ko na.
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog. Ibinaba ko na muna ang aso at sinagot ang tawag. Tinuo ko na muna ang luha ko.
"Hey...Kumusta ka na? "
![](https://img.wattpad.com/cover/176654816-288-k279802.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire ka lang, Dyosa ako! (COMPLETED)
VampirBampira daw s'ya, JUSKO! PAKE KO? Bampira lang s'ya DYOSA AKO! Anong laban n'ya kung ako aarangkada?