VKLDA: CHAPTER 16

1.2K 37 0
                                    

Beb's Pov

Napakapit ako sa kaniya ng bigla kaming mag-teleport.

Jusko yung lamang loob ko naiwan ata.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay agad bumungad sa akin ang mga snow na nagbabagsakan. 

Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang super lamig na paligid habang nakatingala sa kalangitan.

"Here, isuot mo."

Tiningnan ko siya, may bitbit na itong makapal na jacket, na hindi ko alam kung saan galing. Tinulongan niya akong isuot iyon, pero punyeta ang lamig pa rin talaga.

Inalis niya ang damit niya dahilan para manubig ang bibig ko.

Jusko nakikita ko na naman ang pandesal.

"Hoy! Guenagawa mo? Bakit wala kang damit? Alam mo bang pwede kang lamigin. Kaloka to! Saan mo ba ako dinala?" Pangaral ko rito

Tumawa lang siya ng super lakas.

"Nakalimutan mo atang bampira ako at hindi kami nagkakasakit. And FYI we're in Seoul, South Korea." Ginulo niya ang buhok ko.

Naibilog ko ang mata ko. "Seoul?"

"Dito ka lang ha." Aniya bago kumaripas ng takbo sa malawak na snow.  Hindi man lang ako hinintay na makapag protesta at iniwan na lamang akong nanlalamig.

Naidilat ko ng super duper walastik ang mga mata ko ng may ma-realize ako.

Wtf? Baka iniwan niya na ako?
Peste! Wala pa naman akong dalang passports o kung ano mang patunay na nagsasabing legal ang pagpunta namin dito. Ni pera nga wala ako non.

Paano na ako makakauwi?

Magiging palaboy-laboy na ko sa Korea?

Mamatay dahil hindi marunong mag-hangul?

Paano kung hanapin ako ng mga taga kanto Paasa? Tapos makitata nila ako sa tv nanlimus.

Tiningnan ko si Kaizer na ngayon ay hindi ko na mahagilap. Tanging mga napakagandang mga building lang ang nakikita ko, mga mukha ng mga koreana at koreano na dumadaan.

YAMETE! YAMETE! YAMETE! YAMETE!

Mali, Japanese pala 'yon.

Sarangheyo putangenaniyo! PutangenasiKaizer-imneda!

Humanda ka talaga sa akin Kaizer at aabot talaga tayo kay Tulfo pagdating natin sa pinas.

Grabe namang surprise nakakangatog ng pempem.

Nagsimula na akong maglakad. Halos ma iyak ako sa inis at lamig. Bweset na Kaizer yun. Pagkatapos ng lahat iiwan niya lang ako. Okay lang sana kung sa Pinas lang, pero bakit naman dito sa makapal na nyebe pa?  Ano ako? Pusa na basta basta niya na lang ililigaw.

Pinahiran ko ang mga luha ko nang may marinig ako na sigaw.

Hinanap ko kung saan nanggaling ang familyar na boses na 'yon. Hanggang napahinto ako sa kalsada na akala mo'y may concert. Ang sakit ng ilaw. Punyeta balak ba nilang bulagin ang mga mga tao rito?

"GENEVIEVE DYOSAÑA!"

Napatigil ako nang makita siyang nakatayo sa isang stage na may mahabang tela at nakasulat doon ang pangalan ko.  Sa gilid niya ay ang mga tao na may bitbit pang camera at kinukunan kami ng Video.

May bitbit pa siyang banda. He started strumming guitar.

"You're not alone

Together we stand

Vampire ka lang, Dyosa ako! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon