Bebe's Pov
Nakatanaw lang ako sa lalakeng walang damit at hinahalo yung sahog ng pinakbet.
Taenang mata 'to hindi man lang mag focus sa mukha at bumababa talaga sa bumabakat. AT KUNG BAKIT KASE MANIPIS ANG TILA NG JOGGING PANTS NIYA? Pony*ta! Kay aga-aga nagkakasala ang mga mata ko.
Lumapit sa akin si Mark, yung lalakeng may kulay brown ang mata.
Ngumiti ito sa akin ng pagkalapad. Malapad pa sa noo ni ate Rebecca. Speaking of, kamusta na kaya yung lugawan niya? Makadalaw nga bukas at baka may pa promo na si mamang. September na huy! At alam ko 99.9% na magpapa-promo siya tulad ng ginawa niya noong nakaraang taon.Nagpa-special lugaw lang naman siya with buy one take me glutathione soap. Oh di ba? Sa mga nagsasabing hindi essential ang lugaw, punta kayo sa kanto Paasa at imumudmod ko kayo sa kaldero.
"Kailangan mo?" Mataray kong tanong dito habang nakasaksak ang kutsara sa bibig ko.
"Mukhang sarap na sarap ka sa kinakain mo ah," aniya habang nakangiti.
Masarap talaga pero mas masarap yung bakat ni Kaizer. Raawr!
"Distance Mark kung ayaw mong sipain kita. " Pareho kaming napatingin kay Kaizer. Masama ang tingin niya kay Mark habang may hawak na buhay na manok.
Kawawang manok.
"Tsk, possessive." Biglang sabat ni Juro na nagkakape sa gilid.
"Fuck up dude. May kasalanan pa kayo sa akin," sabi ni Kaizer habang binabalatan niya 'yong manok matapos niyang gilitan.
Napatingin ako sa paligid ng marinig ang boses ni Kaizer. Tiningnan ko yung bibig niya. Pero nakatikom pa rin ito. Potangena ito na naman ulit tayo.
"Sino na naman ba nagpakidnap sa kaniya at kayo pa talaga inutusan?" Boses iyon ni Kaizer. Hindi pa rin nakatingin si Kaizer sa amin at lalong binilisan ang pagkatay ng manok.
Taenang kamay 'yan. Ang bilis.
Napatingin ako kay Juro ng marinig ang boses niya sa utak ko. Jusko! Nabubuang na ba ako?
By the way, matalik na magkaibigan pala sila Juro, Kaizer at Mark. Hindi ko nga rin alam kung bakit nila ako kinidnap pero ang mahalaga ngayon alam kong ligtas na ako.
"Sino pa nga ba? Edi yung potangenang Halley," tugon niya bago sumimsim ng kape.
"Kape ba yan?" Singit ko habang nakaturo sa cup ni Juro.
"What do you think?"
Suplado, daks ka lang naman.
Napasimangot ako bago hiniwa ang malaking letchon palaka na naka-peace sign pa sa harapan ko. Grabe napaka talented talaga ni Kaizer!
Hindi ko ba nasabi na ang sarap niyang magluto? Mas masarap pa kay sa sa akin.
"Kumakape pala ang mga bampira?" tanong ko rito.
"Oo, naman. Just like you, we are human too— Dead human to be specific," he said.
Napatango na lang ako at lumamon. Malay ko bang modernong bampira sila? At ano namang pakialam ko? As long nandito si Kaizer alam kong safe na safe ako.
Wala ulit umimik sa amin. Hanggang narinig ko na naman ulit ang boses nila.
"Yung babaeng yun talaga, kailan ba siya titigil?" Dinig kong tanong ni Kaizer.
"Titigil lang naman yun kapag pinakasalan mo," sagot ni Juro.
Napahawak ako sa leeg ko ng malunok ko ang maliit na paa ng letchong palaka. Pahamak kang palaka ka!
BINABASA MO ANG
Vampire ka lang, Dyosa ako! (COMPLETED)
VampireBampira daw s'ya, JUSKO! PAKE KO? Bampira lang s'ya DYOSA AKO! Anong laban n'ya kung ako aarangkada?