Beb's Pov
Halos i-umpog ko na ang ulo ko sa matigas ko na higaan dahil sa puny*tang music ng kapit-bahay naming.
Kay aga-aga umay agad.
Now playing Birthday s*x ni ewan di ko kilala ang kumanta. Basta
Birthday birthday s*x ganurn! Search mo nalang.Susubukan ko pa sanang ipikit ang mata ko, nang sa ganoon ay makaidlip man lang ako kahit sandali lang. Pero puny*ta! Mas nilakasan pa nila ang volume ng speaker nila na akala mo'y kanilang-kanila ang buong kanto Paasa. But Wait there's more! Dinig na dinig ko rin ang talak ng mga chimosa sa labas at mga baklang nagrarambulan.
Nagpapadyak ako sa inis at padabog na bumangon. Nagtungo agad ako sa bintana at kinuha ang arinola sabay buhos doon sa mga baklang nagkakamatayan.
"PUNY*TA KAYYOOO! MAGPATULOG NAMAN KAYONG MGA KAMPON NI RENEJAY!" Nagsitakbuhan naman ang mga chismosa at mga bakla sa kanilang bahay at nilock ang pinto.
Tila hindi pa ata tapos ang mundo sa akin at agad luminya ang kilay ko nang makita si Bedok na nasa harapan ng bahay at may bitbit na sariling karaoke habang pinapatugtog ang kanta ni Moira Dela Torre na Tagpuan. Tinuro-turo niya pa ako at may pa finger heart pa si amoy lupa. Pwe!
"SIYA ANG PANALANGIN KO," sintunado niyang dugtong sa kanta.
Finger heart pala ha!
Itinayo ko ang gitnang daliri ko sabay sigaw.
Akala ko tapos na siya pero ang ulopong gusto pa atang matamaan ng arenola at nag bitbit pa ng tropa with banners na may nakasulat na 'awabyou bebehqhue #51'
Napatampal nalang ako sa noo ko. Kailan ba 'ko makakatulog ng maayos? Hindi ba nila alam na kaming mga Dyosa ay kailangan ng 7-8 hours na tulog para magmukhang fresh?
Nanawagan po ako sa kung sino po yung may kakilala na Serial killer ipagbigay alam nyo po sa akin ng maitumba ko nang maaga itong amoy lupa na to.
Bago pa ko maubusan ng happy hormones sa katawan ay siniraduhan ko nalang sila ng bintana.
Jusko nakaka stress magkaroon ng mga kapit-bahay na mga maluwag ang turnilyo! Hindi kumpleto rekados ang tulog mo! Ewan ko nalang!
Napatingin ako sa relo ko at halos mahimasmasan ako ng makitang alas tres pa lang ng madaling-araw.
Mga gi-atay! May saltik talaga 'tong mga tao sa lugar na ito! Swear!
Napatampal nalang ako sa noo ko't pumasok sa banyo!
Mga punyetang kapit-bahay to!"Vaksssss!"
"WOI VAKS! VAKS NAMAN EH! WAIT LANG!"
"Hoiiiii! Dyosaña!"
"Ay taray maldita talaga!"
Huwag niyo na lang pansinin ang tumatawag sa akin dahil may sama pa ako ng loob sa kaniya. Paanong hindi? Umalis ba naman ng Pinas ng hindi man lang ako sinabihan edi sana nakapagpadala ako ng snow galling sa Japan.
Nakatawid na ko ng kalsada at panay parin ang tawag nitong letcheng baklang to sa'kin. Kay ganda naman talaga ng bungad nang umaga ko.
Bunganga ng mga lentek na mga kabit-bahay ang almusal. At punyetang Troy naman ang himagas. Perfect!
"Vakkkks naman eh!"
Balakajan! Manigas kang bakla ka!
Nasa sakayan na ko ng jeep at swerte dahil nandoon pa si Manong Pedong.
"Genevieve Dyosaña na anak ni Isyot at Elay Dyosaña! 19 years old! PHILIPPINES!" sigaw niya dahilan para pangtinginan kaming dalawa ng mga tao.
Puny*ta! Nangdamay pa talaga sa kahihiyan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/176654816-288-k279802.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire ka lang, Dyosa ako! (COMPLETED)
VampireBampira daw s'ya, JUSKO! PAKE KO? Bampira lang s'ya DYOSA AKO! Anong laban n'ya kung ako aarangkada?