Beb's Pov
"Ate magkano 'to."
Costumer!
"Dos isang piraso," sagot ko sa lalaking nanghahalungkat ng mga paninda ko.
Nasa tapat ako ng paaralan ngayon nakapwesto at katulad ng kahapon na tomorrow ay nagsilabasan na ang mga estudyante sa gate, nakakaloka nga at daig pa ang nagka zombie apologize dahil sa mga mukha nila noong bumukas ang gate. Taen* talaga at naalala ko ang mga araw ng kadugyutan naming noon sa high school. Tulad nila ay ramdam na ramdam ko kung gaano nila gustong saksakin ang guard dahil sa pagiging-Feeling Principal nito.
High School life, napagandang alalaala nga naman.
Sinuklian ko na 'yong lalaking kanina pa nakatingin sa akin bago inabot ang gulaman nito. Medyo gwapo siya ha, feeling ko may lahing harina, napaka puti e.
"Kai! Tara na." Rinig kong sabi nong kasama niya na nasa kotse.
Hindi ko na lang pinansin at mas importante sa akin ngayon ang pangungustomer. MONEY!
"Eh 'yan?" Turo ng amoy letche na binata sa tempurang kahahaon ko lang sa kumukulong mantika. Hindi pa pala siya tapos.
High school din naman kami noon, pero hindi kami ganito ka bantot. Napabuga ako.
"Lima, dalawa piraso," tugon ko sa kaniya.
"Itong gulaman?" tanong pa ng kasama niya na amoy putok din. Jusmeo!
"Limang peso," walang gana kong sagot dito.
Plano ba nilang makipag Qand A lang?
Tch! Mga batang 'to.
"Number niyo po?" Sabay dukot nila sa selpon nila.
"0935149****" automatiko kong tugon sa kanila.
Luh 'nyeta! Tiningnan ko ng masama ang estudaynte na mukha ipis. Ipis na amoy letch* pa.
Kalma beb, costumer ang mga dep*nggol na 'yan. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
"Tol na save mo?" tanong niya sa kasama niya.
"Oo tol. Hehehe." Nagsihagikhikan pa ang mga gonggong.
Puny*ta number pala yun ng kaibigan kong bakla. Pang ilang bese ko na bang binenta number ng kaibigan ko? Hayaan ko na nga lang ng magka lovelife naman 'yon. Mahirap na baka manlimos na naman sa akin ng lalake.
"Kapag ako sinagot nito who you kayo sa akin."
At nagsimula na nga sila ng paramihan na maipupotak.
Ang sakit nila sa mata. Mga letch* asa kayong papatulan ko kayong mga amoy putok kayo.
"Hoy mga putangin*! Ano? Tutunganga lang ba kayo? Hindi kayo bibili!?"
Gulat na inilipat nila ang tingin nila sa akin. Oo nandito pa ko mga Buang!
Nakakaimbyerna naman kasi. Kanina pa silang tatlo dito at nakikipag Q and A sa akin. Daig pa si Boy Abunda kung makipag hot seat.
Literal na hot dahil mainit ang panahon tapos dumagdag pa 'tong mga surot na ito sa paningin ko. Nakakawalang ganang magpaganda!
"Magkano 'tong kwek-kwek 'te?" nakangising tanong nong lalakeng may itsura. Mga bano!
"Twelve." Nakapameywang kong tugon dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/176654816-288-k279802.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire ka lang, Dyosa ako! (COMPLETED)
VampirosBampira daw s'ya, JUSKO! PAKE KO? Bampira lang s'ya DYOSA AKO! Anong laban n'ya kung ako aarangkada?