Chapter IV: Assembly of Talents
Naglalakihang mga pangil, dambuhalang pangangatawan at sobrang pulang mga mata. Ito ang tinatawag ni Sect Master Noah na 'Munting Red'?
Ang likod pa lang nito ay maikukumpara na sa lawak ng entablado sa Assembly Hall kaya naman paanong naging munti ang halimaw na ito?
Bukod kay Finn Doria, Ashe Vermillion at mga Elders, lahat sila ay takot na nakatitig sa dambuhalang pulang tigre.
Mayroong kaalaman si Finn Doria tungkol sa Six-Winged Enormous Blood Tiger. Isa itong Vicious Beast at ang ganitong lahi ay talaga namang katakot-takot. Noong siya ay bata pa, nabasa niya na ang tungkol sa halimaw na ito at sa katunayan nga niyan, may kuwento tungkol sa Six-Winged Enormous Blood Tiger.
Noon daw ay mayroong isang malaking syudad ang inatake ng isang Sky Rank Blood Tiger at sa loob lang ng isang araw, nawasak at naubos ang mamamayan ng syudad na 'yon ng dahil sa halimaw. Ayon sa naalala niya, winasak ng Blood Tiger ang nasabing syudad ng dahil sa sobrang galit sa mga Adventurers dahil sa pagsira ng kaniyang tahanan.
At ngayong aktwal at personal niya nang nakikita at napagmamasdan ang vicious beast na ito, wala siyang masabi. Humahanga siya kay Sect Master Noah dahil nagawa niyang paamuhin ang ganitong klaseng katakot-takot na vicious beast. Dahil mataas na ang antas ng lakas ng halimaw na ito, mayroon na rin itong kaalaman at nakakaintindi na rin ito ng gustong sabihin ng isang adventurer.
Lumapit si Sect Master Noah sa kaniyang katambal na vicious beast at hinimas-himas ang mabalahibong binti nito. Matapos ang ilang sandali, hinawakan ni Sect Master Noah ang kaniyang interspatial ring at isang mahabang hagdanan ang lumitaw sa kaniyang harapan.
"Upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa inyo, napag-usapan ng pamunuan ng Cloud Soaring Sect na ako at si Elder Marcus ang magiging kasama ninyo sa Floating Island upang mabantayan ang bawat kilos niyo. Ang ibang Elders naman ay maiiwan dito upang bantayan at pangalagaan ang buong Cloud Soaring Sect." seryosong wika ni Sect Master Noah.
Hindi na ito ikinagulat ng grupong Soaring Seven dahil karaniwan na naman ang ganitong bagay. Maaaring ang ibang grupo ng Faction ay kasa-kasama rin nila ang kanilang Faction Master at isang Elder.
"Dahil naipaliwanag ko na ang lahat ng dapat ipaliwanag, maaari na kayong umakyat at sumakay kay Munting Red. Habang naglalakbay tayo patungo sa Floating Island, ipapaliwanag sa inyo ni Elder Marcus kung sino-sino ang mga lalahok sa bawat Faction." wika ni Sect Master Noah.
Matapos noon, marahang umangat ang kaniyang buong katawan.
Ang pambihirang kakayahan ng bawat Sky Rank Adventurer, ang kakayahang lumipad!
Dahan-dahan siyang umangat at lumipad patungo sa ulo ng kaniyang 'Munting Red'. Sumunod rin si Elder Marcus sa kaniya ngunit ang pinagkaiba nga lang, tinalon niya ito.
Madali lang para sa kaniya ang talunin ang taas na sampung talampakan, isa pa rin siyang 8th Level Profound Rank.
Naglakad naman si Ashe Vermillion patungo sa hagdan, sinundan siya ni Lore Lilytel hanggang sa sumunod na lahat ng miyembro ng grupong Soaring Seven. Bago pa man umakyat sina Leo Reeve at Finn Doria patungo sa likod ni Munting Red, ibinaling nila ang kanilang atensyon sa apat na Core Elders ng Cloud Soaring Sect at bahagyang yumuko sa direksyon ng mga ito.
Ngumiti naman ang apat na Core Elders at tumango sa dalawa.
"Buti pa ang dalawang binatilyong 'yon, may paggalang sa mas nakakataas sa kanila." wika ni Punishment Hall Hall Master.
"Mn. Bawat isa sa kanila ay mataas ang tingin sa kanilang sarili at hindi naman natin sila masisisi dahil mayroon naman silang karapatan. Lahat sila ay may talentado at karamihan sa kanila ay may malalaking angkan na sumusuporta sa kanila." saad naman ng isang lalaking Elder.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
FantasySynopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hustisyang pinagkait sa kanila. Sa pamamagitan ng Seven Great Faction Games, ipapasaksi niya sa lahat ng taong tumapak sa kanya at sa kanyang...