Chapter XXXV

11.9K 741 69
                                    

Chapter XXXV: Mystic Treasure Realm

Nang marinig ito ni Prinsesa Diana, ngumuso siya at inis na bumalik sa tabi ng dalawang prinsipe. Masama niyang tiningnan si Lord Helbram at pumadyak sa lupa.

Napailing na lang si Lord Helbram ng makita ang astang ito ni Prinsesa Diana. Kahit na labing siyam na taong gulang na ang prinsesang ito, mayroon pa rin itong pagkaisip bata kaya naman hindi mapigilan ng ilan na palihim na matawa.

Inaakala nilang mapagmataas at mapanghamak ang prinsesa dahil sa kaniyang lakas at posisyon sa kaharian ngunit natawa sila ng malamang nagkamali pala sila ng inaakala.

Mapaglaro at maingay ang prinsesa na madalas pag-uugali ng mga batang babae na sabik matapos makita ang kaniyang bagong kalaro. Dahil dito, mas lalo pang humanga ang karamihan sa kaniya. Ngunit...

"Hmph. Bakit kayo tumitingin ng ganyan? Gusto niyo bang dukutin ko 'yang mga mata niyo?" malamig na tanong ni Prinsesa Diana sa mga lalaking nakatingin sa kaniya.

Ah... May dalawang personalidad ba ang Prinsesang ito...?

Itinigil nila ang kanilang pag-iisip ng kung ano-ano ng bigla na lamag nilang mapansin ang malamig na tingin ni Lord Helbram. Napaatras sila at napasipol dahil sa takot.

Napatawa naman nang mahina si Finn Doria nang masaksihan niya ang lahat ng ito. Isa itong magandang tanawin para sa kaniya at noong malaman niya ang mapaglarong pag-uugali ni Prinsesa Diana, bigla na lamang may imahe ng batang babae ang lumabas sa kaniyang isipan.

'Meiyin...'

Bigla niya na lamang naalala ang kaniyang nakababatang kapatid na si Meiyin. Nakaramdam si Finn Doria ng lungkot at pagkaulila sa kaniyang pamilya dahil apat na buwan na rin mula ng huli silang magkita. Gusto niya ng muling makita ang kaniyang ama at matikman ang luto ng kaniyang ina. Nais niyang makita muli ang ngiti ng kaniyang kapatid.

Habang iniisip ang mga ito, hindi mapigilan ni Finn Doria ang mapabuntong hininga. Agad na bumalik ang malumanay niyang ekspresyon at hindi nagpahalata sa mga nakapaligid sa kaniya. Ang dahilan ng kaniyang paglalakbay ay upang lumakas siya at malibot ang iba't ibang lugar. Nais niyang maging malakas dahil gusto niyang maprotektahan ang kaniyang buong angkan mula sa mga taong mananakit sa kanila.

At ngayong handa na siyang ipakita sa buong kaharian ang kaniyang kakayahan, ibig sabihin lang nito ay nalalapit na rin ang kaniyang paghihiganti. Inihahanda niya na rin ang Azure Wood Family sa magaganapnna digmaan sa pagitan ng tatlong angkan at siguradong hindi niya hahayaan na madamay ang kaniyang ina at nakababatang kapatid dahil sa madugong digmaan na magaganap sa hinaharap.

Habang patuloy na nag-iisip ang bawat isa sa kanila, bigla na lang napunta ang atensyon nila kay Lord Helbram ng bigla itong magsalita.

"Tapos na ang Seven Great Faction Games at naririto na rin ang mga batang miyembro ng Sacred Dragon Family. Kumpleto na ang animnapung batang adventurer na papasok sa Mystic Treasure Realm kaya naman oras na upang ipaalam sa inyo kung anong klaseng lugar ang inyong papasukan." Malumanay na paliwanag ni Lord Helbram habang inililibot niya ang kaniyang paningin. Huminto siya sa pigura ni Finn Doria at marahang nagpatuloy sa pagsasalita, "Ang Mystic Treasure Realm ay isang lugar kung saan maraming panganib na nakapaloob dito. Masusubok din ang inyong kakayahan sa pakikipaglaban dahil maraming mga nilalang ang inyong makakasalamuha sa lugar na ito. Mayroong iba't ibang uri at grade ng Vicious Beast ang inyong makakalaban kaya naman kailangan niyong mag-ingat sa loob dahil lubhang mapanganib ang lugar na ito."

Bawat isa ay tahimik na nakikinig at seryosong iniintindi ang mga sinasabi ni Lord Helbram. Mayroong ilang mga katanungan sa kanilang isipan ang nais nilang itanong ngunit wala silang lakas ng loob na itanong ito.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon