Chapter XLIII: Don't go back on your word
Malinaw na makikita ang repleksyon ng malaking bilog na buwan sa tubig ng lawa. Ang kaninang tahimik na lawa ay bigla na lang naging magulo at umingay dahil sa biglaang paglitaw ng Supreme Mantis Shrimp.
Taimtim na pinagmamasdan nina Finn at Ashe ang halimaw habang patuloy itong nagwawala at naglalabas nang nakakabinging ungol.
Ang Supreme Mantis Shrimp ay hindi gaya ng karamihan sa Vicious Beast. Ang mga uri nila ay kilalang mahilig matulog nang mahimbing sa kailaliman ng ilog o lawa. Hindi nila gusto ang naaabala o naiistorbo sa pagtulog. Gumigising lang sila sa oras na makaramdam sila nang matinding gutom at hindi gaya ng ibang Vicious Beast, ang halimaw na ito ay maingat at hindi basta-basta umaatake na lang.
Habang nakatingin sa malaking hipon, napagtanto ni Finn Doria kung bakit walang Vicious Beast ang nangangahas na lumapit sa lawang ito. Alam ng ibang mga halimaw na teritoryo ito ng Supreme Mantis Shrimp kaya naman hindi sila nangangahas na lumapit dito sa takot na magising nila ang halimaw na ito.
Nasiguro rin ni Finn na galing ito sa mahimbing na pagkakatulog. Maaaring nagising ito ng dahil sa gulo at ingay na ginagawa ni Ashe at ng binata. Siguro ay naramdaman din nito ang 5th Level Scarlet Gold Rank na aura at presensya ni Ashe kaya naman naglakas loob itong lumabas at magpakita sa mga nanggugulo sa kaniyang teritoryo.
Galit at nagwawala ito dahil sa mayroong nangahas na umistorbo sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog.
Habang nakatuon ang atensyon ni Finn sa malaking hipon na patuloy pa ring malakas na umuungol, binigyan siya ng masamang tingin ni Ashe bago tuluyang mabilis na sumugod sa halimaw.
Naramdaman ni Finn ang pagkilos na ginawa ni Ashe kaya naman nabaling ang atensyon niya sa dalaga. Gusto niyang masaksihan kung paano lumaban si Ashe Vermillion. Ngumiti siya at taimtim na pinagmasdan ang magandang pigura ng dalaga.
Sa naganap na Seven Great Faction Games, hindi niya nasaksihan kung paano lumaban ang isang Ashe Vermillion. Pero ngayong nakahanap na ito ng makakalaban, gusto niyang tahimik na umupo muna at manood sa mga mangyayari.
Madali lang kay Finn Doria na takutin o patayin ang Supreme Mantis Shrimp. Pwede niyang ilabas ang kaniyang 5th Level Profound Rank aura upang takutin ito. Pero dahil gustong labanan ni Ashe ang halimaw, hindi na siya makikialam. Isa rin itong magandang paraan upang magsanay ang dalaga sa isang mahigpit na laban.
Habang mabilis na sumusugod sa Supreme Mantis Shrimp, ang buong katawan ni Ashe ay agad ring nabalutan ng nag-aapoy na enerhiya. Marahas ito at mapapansing dumagdag din ang bilis ng pagkilos ng dalaga.
ROAR!!
Nagwawala pa rin ang Supreme Mantis Shrimp at nang makita nito ang pasugod na si Ashe Vermillion, huminto ito at umungol nang malakas. Itinaas nito ang kaniyang matalas na karit at agad na inihampas sa direksyon ng dalaga.
Kahit na malaki ang Supreme Mantis Shrimp, ang bilis nito ay sumasabay lang kay Ashe. Normal lang naman ito dahil hindi hamak na mas malakas ang halimaw sa dalaga kung antas ng lakas ang pagbabatayan.
Nang makita ang bilis ng Supreme Mantis Shrimp, napasimangot na lang si Ashe Vermillion. Naging alerto siya at agad niyang iniwasan ang atake ng halimaw. Pasugod na tumalon ng mataas ang dalaga at pumantay na siya sa ulo ng hipon. Itinaas ni Ashe ang kaniyang pulang espada at inihampas ito sa hipon.
Gamit naman ang isa pang matalas na karit ng hipon, umatake rin ang halimaw kaya naman nagkrus ang espada at malaking karit. Nagkaroon ng malakas na puwersa sa paligid at ang ihip ng hanging ay lumakas rin.
Ang dalawang atake ay punong-puno ng pwersa at enerhiya. Kaya naman nagkaroon nang malakas na pagsabog.
BANG!!
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
FantasySynopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hustisyang pinagkait sa kanila. Sa pamamagitan ng Seven Great Faction Games, ipapasaksi niya sa lahat ng taong tumapak sa kanya at sa kanyang...