Chapter L

10.2K 752 97
                                    

Chapter L: Leave!!!

Nagkatinginan ang limang miyembro ng Soaring Seven. Nagtataka sila sa kung ano ang pinagsasabi ni Ashe Vermillion. Magluto...? Bakit pinagluluto ni Ashe Vermillion si Finn Doria sa delikadong lugar na 'to?

Hindi sila andito upang kumain at isa pa, hindi pa tapos ang pagsubok upang sila ay magkasiyahan. Kailangan pang magpahinga ng bawat isa sa kanila dahil sa sobrang pagod.

Pinanliitan ng tingin ni Finn Doria si Ashe Vermillion at nagwika, "Binibining Ashe, hindi mo ako tagapagluto."

"Alam ko pero kasi... kailangan din nila ang iyong nilutong pagkain upang mas mapabilis ang panunumbalik ng kanilang lakas. Bukod pa roon, hindi ko maikakailang masarap kang magluto kaya naman gusto ko ulit itong matikman..." determinadong tugon ni Ashe.

Matapos niyang matikman ang nilutong pagkain ni Finn Doria, hindi niya makalimutan ang kasarapan nito. Lagi niya itong iniisip at hindi niya inaakalang napamahal na pala agad siya sa luto ni Finn Doria.

"Kaya mong magluto ng Elixir Cuisine? Huwag mong sabihing isa ka ring Soul Chef?!" bigla namang singit ni Lore Lilytel.

Hindi makapaniwala si Lore sa kaniyang narinig mula kay Ashe Vermillion na ang luto ni Finn Doria ay may kakayahang magpagaling gaya ng mga pills na gawa ng Alchemist. Ibig sabihin ay isa rin siyang Soul Chef?!

Gaano ba karami ang propesyon ni Finn Doria?!

"Mn." Tumango lang si Finn Doria kay Lore Lilytel at hindi na muling nagsalita pa.

Kahit na hindi maikukumpara ang Soul Chef sa mga Alchemists at Blacksmiths, mayroon pa rin silang magandang reputasyon sa buong Sacred Dragon Kingdom. Karamihan sa mga Soul Chef ay nasa palasyo bilang personal na tagapagluto ng Hari, ng mga Ministro at mga opisyal.

Gaya ng mga pills, ang mga niluluto rin ng mga Soul Chefs ay mayroong pambihirang epekto sa kakain nito. Mayroong maikukumpara sa Tier 5 Pill at ang lasa naman ng mga niluluto ng mga Soul Chefs ay hindi rin maaaring maliitin.

Sinimangutan ni Finn Doria si Ashe Vermillion at hinawakan niya ang kaniyang Interspatial Ring. Agad na lumitaw sa kaniyang harapan ang ilang kagamitan niya sa pagluluto at ang natirang bahagi ng Supreme Mantis Shrimp.

Dahil sa laki at dami nang inilabas ni Finn Doria na kagamitan, mabilis itong nakita ng ibang batang adventurers. Sumulyap sila at nagtaka sa kilos na ito ng binata. Itinuon din nila ang kanilang atensyon sa panonood sa bawat galakilos at galaw ng binata.

"Naglabas si Finn Doria ng mga kagamitan sa pagluluto..? Binabalak niya bang magluto sa lugar na 'to?" naguguluhang tanong ng ibang batang adventurers sa kanilang kasama.

"Magluluto? Masyadong delikado sa lugar na ito at baka mas maka-akit pa siya ng mga Vicious Beast.." komento naman ng isa pa.

"Hmph. Sa oras na mangyari 'yon dapat ay kumilos siya upang mapanatili ang kaligtasan nating lahat. Siya ang gumagawa ng mga bagay na ikapapahamak natin." Inis na wika naman ng isa mula sa Royal Clan.

"Bakit ganyan ka? Iniligtas niya tayo at si Prinsesa Diana mula sa mga kasumpa-sumapang nilalang na 'yon ngunit sa halip na magpasalamat ka, iniisip mo pang mas magaling at mas matalino ka kaysa kay Finn Doria. Hmph. Hindi ka nga maikumpara sa kalingkingan ni Finn Doria. Kung may kakayahan ka, bakit hindi mo kayang gawin ang tungkulin mo bilang maharlika." Wika ng isa mula sa Burning Heaven Sect.

Hindi naman nakikinig si Prinsesa Diana sa pagtatalo-talo ng mga batang adventurers. Ang kaniyang mga mata ay nakapako sa binata habang elegante nitong hinihiwa ang malaking hipon gamit ang kaniyang High-tier Excellent Armament. Isa itong kaaya-ayang tanawin para sa kaniya at para sa kaniyang mga mata, ang buong paligid ni Finn Doria ang nagniningning na para bang mga bituin.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon