Chapter LII

9.4K 744 131
                                    

Chapter LII: Despair

Patuloy pa ring naglalakbay ang tatlumpu't isang batang adventurer. Mabilis ang kanilang pagtakbo habang nangunguna at ginagabayan sila ni Prinsesa Diana. Magkakaiba ng nararamdaman ang bawat isa sa kanila habang patuloy na lumalayo sa lugar na kinaroroonan nila kanina.

Sa kabutihang palad, hindi pa sila nakakasagupa ng kahit isang Vicious Beast. Walang lumalabas upang sila ay atakihin kaya naman medyo nakaramdam sila ng tuwa dahil dito. Ilang minuto pang paglalakbay, malapit na nilang marating ang naghahati sa tatlong rehiyon.

Mapapansing ang bawat miyembro ng Soaring Seven ay may malungkot na ekspresyon. Sina Juvia at Lan ay mayroong namumuo ng luha sa kanilang mga mata at para bang isang sandali lang ay iiyak na sila. Habang hindi naman maitago nina Ezekias, Leo at Lore ang kanilang labis na kalungkutan.

Inakala nila na makakalabas silang lahat na myembro ng Soaring Seven sa lugar na ito ngunit ngayon, hindi na sila sigurado kung kompleto o makakalabas pa ba sila rito.

Ikinuyom nila nang mahigpit ang kanilang kamao at gigil na tumiim bagang. Sinisisi nila ang kanilang sarili dahil sa masyado silang mahina. Kung mayroon lang sana silang sapat na lakas, hindi na sana kailangang harapin ni Finn Doria ang dalawang 8th Level Profound Rank para lamang bigyan sila ng pagkakataon na makatakas. Hindi nila matanggap na naging pabigat lamang sila sa binata.

Kung may sapat na lakas lamang sila, hindi na rin sana kailangan pang bumalik ni Ashe Vermillion ng mag-isa para samahan si Finn Doria.

Walang tigil na tumutulong sa kanila si Finn Doria at madalas nitong iligtas ang kanilang buhay. Iniangat din ng binata ang reputasyon ng kanilang Cloud Soaring Sect dahil sa tulong ng binata, sa wakas ay nakamit rin ng Cloud Soaring Sect ang unang pwesto sa naganap na Seven Great Faction Games. Ang binata rin ang rason kung bakit kalahati sa kanila ay maraming kayamanan na nakuha.

Papasok na sana sila sa rehiyon ng kagubatan ngunit bigla na lamang huminto si Prinsesa Diana. Mayroon siyang napansin na pagbabago sa bilang ng kanilang grupo kaya naman agad siyang lumingon at hinarap ang mga batang adventurers.

Dahil sa paghinto ni Prinsesa Diana, lahat sila ay huminto rin at nagtatakang tumingin sa Prinsesa.

"Mayroon bang problema, kapatid?" nagtatakang tanong ni Eight Prince.

Hindi naman ito sinagot ni Prinsesa Diana, sa halip, inilibot niya ang kaniyang paningin sa lahat ng mga batang adventurers. Nabaling ang kaniyang atensyon sa grupo ng Soaring Seven at napakunot ang noo niya nang mapansin na lilima na lamang ang miyembro nito.

Lumapit siya sa mga ito at tinanong si Lore Lilytel, "Asan na si Ashe Vermillion?"

Natigilan naman si Lore Lilytel at napakuyom ang kamao. Bahagya siyang yumuko sa Prinsesa at magalang na tumugon, "Mahal na Prinsesa Diana, kanina pa po bumalik si Ashe Vermillion para samahan si Finn Doria sa lugar na iyon..."

Malungkot ang tono ni Lore Lilytel habang nagbibitaw ng mga salita. Ang kaniyang mukha ay punong-puno ng ekspresyon nang umayos siya ng tayo at hinarap si Prinsesa Diana.

"Bumalik...? Baliw na ba siya?" inis na sabi ni Prinsesa Diana. Tiim bagang siyang tumingin sa lahat ng batang adventurers at muling nagpatuloy, "Pasukin niyo na ang kagubatang 'yan. Susundan ko si Ashe Vermillion at tutulong ako kay Finn Doria. Isa akong Profound Rank kaya naman paanong magpapatalo ako sa isang Scarlet Gold Rank. Isa pa, hindi ko siya maaaring hayaang mamatay."

Aalis na sana siya ngunit isang malumanay na tinig ang nagpahinto sa kaniya, "Kapatid na Prinsesa, hindi mo na kailangang bumalik. Ilang oras na rin ang lumipas kaya naman sigurado akong patay na silang dalawa."

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon