Chapter LVI

10.8K 781 202
                                    

Chapter LVI: Mysterious person

Natigilan at naging blangko ang ekspresyon ni Ashe Vermillion nang marinig niya ang huling sinabi ni Sierra. Matapos ang ilang sandali, mayroong namuong luha sia kaniyang mata ngunit hindi pa rin nagbabago ang kaniyanv ekspresyon.

Si Finn Doria ay patay na...?

Imposible!

"Nagbibiro ka lang, 'di ba? Buhay pa siya at kasama siya nina Lore Lilytel na nakalabas sa mundong ito! Buhay pa siya at alam kong tama ako..." naluluhang wika ni Ashe Vermillion.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at mayroong mga patak ng luha ang tumulo mula rito. Ikinuyom niya ng kaniyang dalawang kamao at kinagat ang ibaba ng kaniyang labi. Malinaw na makikita sa kaniyang reaksyon ang labis na kalungkutan.

Hindi niya gustong paniwalaan ang mga huling sinasabi ni Sierra. Ayaw niyang maniwala dahil hindi niya matanggap. Para sa kaniya, si Finn Doria ang mayroong pinakamisteryosong pagkatao. Alam niyang hindi ganoon kadaling mamamatay ang binata. Madalas niyang sinosorpresa ang mga adventurers kaya naman siguradong isa lang itong malaking kalokohan.

Para kay Ashe Vermillion, si Finn Doria ang pinakamalakas na batang adventurer na nakilala ng dalaga sa buong buhay niya.

"Walang dahilan upang magsinungaling ako sa'yo. Ibinuwis niya ang kaniyang buhay para lamang mapanatiling buo ang katawan mo. Kumain siya ng Forbidden Pill at nang tumalab na ang masamang epekto nito, agad na bumigay ang kaniyang katawan. Masyado niyang inabuso ang paggamit ng soulforce kaya naman sa huli, buhay niya ang naging kabayaran. Nakita ko kung gaano siya kasaya noong nailigtas ka niya. Nakangiti siyang namatay kaya naman humanga ako sa kaniyang determinasyon at pagsasakripisyo. Dahil dito, napagdesisyunan kong dalhin dito ang katawan mo upang hindi masayang ang lahat ng paghihirap at pagsisikap niya. Pinapahalagahan ka niya ng higit pa sa kaniyang buhay kaya naman dapat mo itong ipagpasalamat." Malumanay na mahabang paliwanag ni Sierra.

Napahinto si Ashe Vermillion sa pag-iyak ngunit ilang sandali pa, muli siyang umiyak dahil sa narinig niyang mga salita mula kay Sierra. Walang humpay siyang humikbi at nagpupunas ng luha. Sa huli, isa pa rin siyang dalaga na nakararamdam ng matinding kalungkutan. Hindi siya bato at mayroon siyang pakiramdam.

Simula noong iligtas siya ni Finn Doria mula sa Supreme Mantis Shrimp, alam niyang iyon na rin ang simula nang matinding paghanga niya sa binata. Mabibilang lang sa kaniyang sampung daliri ang mga taong totoong nag-aalala sa kaniya, at nararamdaman niyang isa roon si Finn Doria. Unti-unti siyang humahanga sa ganitong ugali ng binata kaya naman kahit hindi niya alam kung mayroon bang nararamdaman para sa kaniya si Finn Doria, nanatili pa rin siyang humahanga nang palihim.

Si Ashe Vermillion ay mapagmataas at mapagmalaki. Hinding-hindi niya aaminin ang bagay na ito kahit anong mangyari. Gayunpaman, hindi naman ibig sabihin noon ay maiilihim niya ito lalo na't narinig niya ang sinabi ni Sierra.

"Kailangan mong kumalma, aking tagapagmana. Kakatanggap mo lang ng [Heart of the Fire Phoenix] at hindi pa ito lubusang sumasanib sa iyong kabuuan. Kailangan mong manatili rito ng isang linggo upang lubusan mo ng makontrol ang iyong bagong kapangyarihan. Kung talagang gusto mong bumawi sa binatang iyon, mabuhay ka at tuparin mo ang iyong mga pangarap." Seryosong tinig ni Sierra.

Sa likod ng seryosong tinig ni Sierra ay mayroong nakatagong lihim na kasiyahan. Ito ang inaasahan niyang reaksyon ni Ashe Vermillion. Gusto niyang palabasin ang totoong nararamdan ng dalaga para kay Finn Doria at ngayong nasaksihan niya na ang reaksyon ng ni Ashe Vermillion, hindi niya mapigilang matuwa at maging masaya.

Unti-unti namang tumigil sa paghikbi ang dalaga. Nakayuko pa rin siya at nakakuyom ang kamao. Para sa kaniya, hindi madaling tanggapin ang pagkamatay ng lalaking walang tigil na nagtatanggol sa kaniya. Totoong kinaiinisan niya ang binata at madalas na inaasar ngunit paraan niya lang ito upang itago ang too niyang nararamdaman.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon