Chapter XXII

11.5K 707 23
                                    

Chapter XXII: Second Round

Nang marinig at malaman ni Finn Doria kung sino ang makakalaban nila ni Ashe Vermillion, isang misteryosong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi.

Ito na ang pinakahihintay niyang sandali, magkakaroon na rin siya ng pagkakataon upang makalaban ang dalagang kaniyang kinasusuklaman at kinaayawan.

Hindi na siya makapaghintay na ilampaso ang dalawang miyembro ng Ice Feather Sect at ipinapangako niyang sa oras na magkaharap-harap na sila, ipapahiya niya ng sobra pa sa sobra ang dalagang 'yon sa harap ng maraming tao.

Bawat isang naroroon sa loob ng karwahe ay naramdaman ang malamig na aurang inilalabas ni Finn Doria. Napansin din nila ang misteryosong ngiti ng binata kaya naman nakaramdam sila ng panlalamig ng katawan, maging sina Sect Master Noah at Elder Marcus ay nakaramdam din ng kakaiba sa ngiting ito ng binata.

Naramdaman din ito ni Ashe Vermillion ngunit itinago niya ang kaniyang takot na nararamdaman. Taimtim niyang pinagmasdan si Finn Doria.

Nang mapansin ng binata ang pagbabago sa kaniyang paligid, agad siyang natauhan. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa mga taong nasa loob ng karwahe at bahagyang ngumiti, "Gagawin namin ni Binibining Ashe ang lahat ng aming makakaya upang ipanalo ang laban."

Nang marinig ito ng mga taong naroroon, nakahinga sila nang maluwag. Ipinagdadasal nilang sana ay maipanalo nina Finn Doria at Ashe Vermillion ang labang ito upang mas umangat pa ang kanilang puwesto sa kompetisyong ito.

Gaya ng nakararami, ganito rin ang nararmdaman ni Lore Lilytel. Kahit na gusto niyang makasama si Ashe Vermillion sa pakikipaglaban, wala siyang magagawa dahil ito ang desisyon ni Lord Helbram. Isa pa, tanggap niya na, na masyadong malayo ang agwat ng lakas nilang dalawa ni Finn Doria. At wala na siyang balak makipagpaligsahan sa binatang ito.

Matapos ang pag-aanunsyo ni Sect Master Noah ng magandang balita, naging tahimik na ang grupong Soaring Seven sa buong biyahe hanggang sa makarating sila sa istadyum.

Nang muli nilang makita ang istadyum, namangha sila sa bilis ng pag-aayos nito. Isa pa, mas mukha itong matibay kaysa sa nakaraang istadyum kaya naman sigurado silang matitibay na materyales na ang ginamit sa pagkukumpuni nito.

Nang makaakyat ang grupo ng Cloud Soaring Sect, muli na namang nagkita-kita ang bawat miyembro ng Seven Great Faction. Mayroong nakangiti habang sinasalubong ang tingin ng bawat isa ngunit mayroon din namang nakangiwi.

Sa kabilang banda naman, nakatuon ang buong atensyon ni Finn Doria sa kinaroroonan ng Ice Feather Sect. Nakangiti siya habang nakatitig sa isang magandang dalaga. Misteryoso ang ngiti niya kaya habang sinasalubong ng dalaga ang ngiti ng binata, mapapansin sa kaniyang mga mata ang iba't ibang emosyon.

Galit

Poot

Takot

Pangamba at higit sa lahat,

Galak.

Nagagalak din ang dalagang ito sa magaganap na laban nila dahil nitong nakaraang araw lang ay umangat ang kaniyang antas ng lakas dahil sobrang pagka-ipit sa sitwasyon.

Unti-unti ng lumalakas si Finn Doria at ang kaniyang mahigpit na katunggali na si Ashe Vermillion ay lumalakas na rin kaya naman hindi niya ito matanggap. Mayroon siyang Sky Ice Pathway at nakatakda na siya ay maging isang Sky Rank Adventurer sa hinaharap. Hindi niya matanggap ang kaniyang sitwasyon kaya naman hindi inaasahang tumaas ang kaniyang antas ng lakas sa ka-orasan. Kahit n hindi pa sapat ang lakas na ito para talunin ng dalawa, naniniwala naman siyang sa tulong ni Hyon Pierceval, na kaniyang katuwang, sigurado siyang madali na lamang para sa kanila ang talunin sina Finn Doria at Ashe Vermillion.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon