Chapter XLIX

10.1K 722 61
                                    

Chapter XLIX: Terrifying Existence

"Finn Doria!"

Napasigaw si Prinsesa Diana dahil sa sobrang gulat. Ang kaniyang mga mata ay nakatuon lang sa binata habang ang kanyang bibig ay nakaawang dahil sa sobrang pagkabigla. Nakatingala siya habang pinagmamasdan ang kaaya-ayang pigura ng binata at malinaw na makikita sa kaniyang mga mata na punong-puno ito ng paghanga sa binata.

Ilang sandali pa, namula ang kaniyang buong mukha. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na humanga siya sa kagaya niyang batang adventurer. Bumilis din ang tibok ng kaniyang puso na para bang gusto na nitong kumawala sa kaniyang dibdib.

Malinaw niyang nasaksihan kung paano tapusin ng binata ang kakaibang nilalang na matagal niya nang kinakalaban. Tinapos ito ni Finn Doria gamit lamang ang isang wasiwas ng kaniyang espada.

Matapos maglaho at maging abo ng nilalang, sumugod naman si Finn Doria kasama ang ilang pigura patungo sa iba pang mga kakaibang nilalang.

Nakapako lang ang tingin ni Prinsesa Diana kay Finn Doria habang pinapatay nito ang mga kakaibang nilalang gamit ang kaniyang armas. Isa itong pambihirang pangyayari para sa Prinsesa, pinagmamasdan niya kung paano makipaglaban ang binata at ang kaniyang mga mata ay nagniningning ng sobra.

Sa mundong ito, karamihan sa mga babae ay madaling humanga at mahulog sa lalaking matatapang at malalakas, at ito ang nararamdaman ngayon ng Prinsesa kay Finn Doria.

Nasa panganib ang buhay ni Prinsesa Diana ngunit dahil sa tulong ni Finn Doria, nagawa niyang makaligtas.

Ilang pagsabog pa ang narinig bago tuluyang tumahimik at maging payapa ang buong paligid. Minuto pa lang ang lumilipas mula nang dumating ang grupo nina Finn Doria ngunit matagumpay na nilang napatay ang lahat ng kakaibang nilalang at ang lahat ng ito ay dahil sa lakas na taglay ni Finn Doria. Ang binata ang halos umubos sa mga kakaibang nilalang ng wala man lang kahirap-hirap. Ginamit niya lang ang pambihira niyang espada at ang kaniyang pisikal na lakas.

Nang matagumpay nilang naubos ang mga kakaibang nilalang, karamihan sa mga batang adventurers na nakikipaglaban kanina pa ay bumagsak ang katawan sa lupa dahil sa sobrang pagod at pamamanhid ng katawan. Nawalan ang iba ng malay ngunit mababakas sa kanilang mukha ang labis na kasiyahan. Nakaligtas sila mula sa kamatayan kaya naman sinong hindi matutuwa sa pangyayaring ito?

Kanina lang ay nawawalan na sila ng pag-asa dahil sa mas matataas ang antas ng lakas ng mga nilalang na ito kaysa sa kanila. Pero dahil sa pagdating ng grupo nina Finn Doria, matagumpay silang nakaligtas sa kamatayan.

Nakahinga na nang maluwag ang lahat. Sa wakas ay makakapagpahinga na rin sila

Agad na itinago nina Finn at ng iba ang kani-kanilang armas sa loob ng kanilang interspatial ring. Agad na pinakain ng Recovery Pill ng ibang batang adventurers ang mga nawalan ng malay.

Nagtipon-tipon ang bawat magkakasama sa faction habang ang mga miyembro naman ng Soaring Seven ay nagtipon-tipon sa tabi ni Finn Doria. Nagsimula silang mag-usap at magdiskusyon sa isa't isa.

Sa hindi kalayuan, titig na titig pa rin si Prinsesa Diana kay Finn Doria. Kahit na lumapit na sa kaniya ang dalawang Prinsipe ay hindi pa rin siya matinag sa kaniyang pagtitig. Ang kaniyang tingin ay nakapako lang kay Finn Doria at walang sinuman ang nakikita niya bukod sa binata.

Madilim ang ekspresyon ni Prinsipe Theo habang nakikita ang astang ito ng Prinsesa. Ikinuyom niya ang kaniyang kamao at tiim bagang na tiningnan si Finn Doria ng nakamamatay na tingin

--

"Finn Doria, Salamat sa tulong mo." Nahihiyang giit ni Ezekias.

Tumango si Finn at nginitian ang binata, "Mn. Masaya akong malaman na buhay at nasa maayos na kalagayan ang lahat ng miyembro ng Soaring Seven."

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon