Chapter XX: Request
Nang makabalik na ang grupo ng Cloud Soaring Sect sa kanilang Faction House, agad-agad na nagtungo ang bawat miyembro sa kani-kanilang silid.
Nang makapasok si Finn Doria sa kaniyang silid, agad niyang ikinandado ang pintuan at itinuon ang kaniyang atensyon sa pagbukas ng Myriad World Mirror. Matapos ang ilang sandali, muling lumutang ang salamin mula sa kaniyang katawan at bumukas ang lagusan papunta sa mundo sa loob nito.
Pumasok si Finn Doria sa loob ng Myriad World Mirror at hinayaan niya lang na bukas ito upang malaman kung mayroong nangyayari sa kaniyang paligid. Matapos niyang makapasok sa loob ng Myriad World Mirror, agad siyang naghanap ng bakanteng pwesto at tahimik na nagmuni-muni.
Ipinikit niya ang kaniyang mata at pinakiramdaman niya ang mayaman at makapal na soulforce sa paligid. Ngumiti na at nagsimula ng mag-ensayo, hinayaan niyang dumaloy ang mga nahihigop niyang soulforce sa kaniyang katawan. At habang patuloy na dumadaloy ang soulforce sa kaniyang soulforce pathway patungo sa kaniyang soulforce coil, nakaramdam siya ng sobrang gaan sa pakiramdam.
Naramdaman niya rin ang unti-unting pagkapal at pagdami ng soulforce sa kaniyang soulforce coil. Kahit na malabong tumaas ang antas ng lakas niya sa kakaunting panahon, hindi pa rin siya nagsasayang ng kahit kakarampot na oras.
Muling lumitaw ang maliit na nilalang nang maramdaman niya ang presensya ni Finn Doria. Dumapo ang maliit na nilalang na ito sa isang malaking bato at tahimik itong nagmasid at pinagmasdan ang nagmumuni-muning binatilyo.
Hindi naman pinansin ni Finn Doria at nagpatuloy na lang siya sa paghigop ng soulforce sa kaniyang paligid ng halos kalahating araw. Hindi naman ganoon kalaki ang pagbabago sa kaniya pero sapat na ito kay Finn Doria.
Matapos ang ilang sandali, huminto lamang siya nang maramdaman niyang mayroon palang binatilyo ang naghihintay sa tapat ng kaniyang silid. Tumayo si Finn Doria at nagtatakang naglakad palabas ng Myriad World Mirror. Muli niyang ibinalik sa kaniyang katawan ang Myriad World of Mirror at naglakad patungo sa harap ng pinto.
Tinanggal niya ang kandadong nakalagay sa pinto at hindi niya inaasahan ang adventurer na kaniyang naabutan sa tapat ng kaniyang pinto. Ito ay walang iba kung hindi si Lore Lilytel. Mapapansing, nagulat din ito sa biglang pagbukas ni Finn Doria sa pinto kaya naman mababakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat.
Ngunit agad rin siyang nakabawi at naiilang na ngumiti sa binatilyo. Mahigit isang oras na siyang nakatayo sa harap ng silid ni Finn Doria ngunit wala naman siyang hakbang na ginagawa na para bang nagdadalawang-isip pa siya sa kaniyang pakay.
Nagtatakang tumingin si Finn Doria sa binatilyo at marahang nagwika, "Ginoong Lore Lilytel, mayroon ba akong maipaglilingkod sa'yo?"
Mapait na ngumiti si Lore, "Hindi mo na kailangan pang maging magalang sa harap ko. Tawagin mo na lang ako sa aking pangalan. Siguro nga mas maimpluwensiya ang aking angkan kaysa sa iyong Azure Wood Family, ngunit kung lakas nating dalawa ang ipagkukumpara, sigurado akong mas malakas ka sa akin."
Hindi naman nagsalita si Finn Doria. Ngumiti lang siya sa binatilyo at hinayaan itong magpatuloy sa pagsasalita.
"Finn Doria, maaari ba kitang makausap saglit?" naiilang na tanong ni Lore Lilytel.
Hindi siya sanay na nakikiusap sa ibang adventurers lalong lalo na sa ka-edad niya kaya naman mapapansing hindi siya komportable sa kaniyang ginagawa.
Lalo namang nagtaka si Finn Doria sa pakiusap ni Lore Lilytel. Hindi sila magkaibigan na dalawa at estranghero pa rin ang turingan nilang dalawa nitong mga nakaraang linggo kaya naman anong gustong sabihin ni Lore Lilytel sa kaniya?
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
FantasíaSynopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hustisyang pinagkait sa kanila. Sa pamamagitan ng Seven Great Faction Games, ipapasaksi niya sa lahat ng taong tumapak sa kanya at sa kanyang...