Chapter XIII: Yves Lilytel vs. Hitch Dreo
Matapos ianunsiyo ni Lord Helbram kung sino ang dalawang magkatunggali, agad na nagkaroon ng diskusyon ang bawat isa.
Pamilyar na pamilyar ang ilan kay Yves Lilytel at Hitch Dreo, iyon ay dahil sa antas ng lakas nilang dalawa. Pareho silang nasa 6th Level Scarlet Gold Rank.
Malinaw naman na nagmula si Yves Lilytel sa Wind Lightning Family at siya rin ang kinikilalang pangalawa sa pinakamalakas na miyembro ng Sword Seven. Mahigit dalawampung taong gulang na siya at mas matanda siya ng hindi hamak kay Azur Lilytel at Lore Lilytel kaya naman wala siyang karapatang makipagkompetensya sa dalawang ito para manahin ang puwesto ng Family Head. Isa pa, ibinibigay niya ang kaniyang buong suporta kay Azur Lilytel at inaasahan niya na lang na sa hinaharap ay magiging isa siyang malakas na kanang kamay nito.
Dahil sa suporta ni Yves kay Azur, mas lalong lumiit ang tsansa ni Lore na mamana sa hinaharap ang puwesto ng Family Head. Sa totoo lang, hindi naman dapat ganito kalaki ang agwat nina Lore at Azur dahil bata pa lang sila ay magkapantay na sila ng talento. Pero dahil mas pinili ni Lore na sundan si Ashe Vermillion, hindi na siya nahasa kung saan siya mahusay. Karamihan sa miyembro ng Wind Lightning Family ay magaling humawak ng espada kaya naman madalas nilang pinipili ang Immortal Sword Pavilion.
Pero dahil nga sa pagtingin ni Lore Lilytel kay Ashe Vermillion, isinantabi niya ang kaniyang kahusayan sa paghawak ng espada kaya naman ngayon ay halos nawawalan na siya ng tsansa na mamana ang puwesto ng Family Head.
Si Hitch Dreo naman ay kapareho lang din ni Yves Lilytel. Isa rin siyang 6th Level Scarlet Gold Rank. Noon, siya ang itinuturing na pinakamalakas na batang miyembro ng Alchemist Association pero simula ng lumitaw si Brien Latter, isinantabi na siya at naniniwala ang karamihan na mas malakas sa kaniya si Brien Latter. Mapagmataas si Hitch Dreo dahil simula bata pa lang siya ay nasa pangangalaga na siya ng Alchemist Association. Mayroon lang siyang Red Alchemy Flame kaya naman hindi siya nabibigyan ng masyadong importansya sa larangan ng Alchemy pero kung aktwal na labanan ang pag-uusapan, hinding-hindi siya magpapahuli. Hindi rin siya naniniwalang mas malakas sa kaniya si Brien na isa ring 6th Level Scarlet Gold Rank pero dahil nga sa personal na esyudyante ito ni Association Master Morris, wala siyang magawa kung hindi manahimik at hayaan ang iba na maliitin siya.
--
Sa lugar na kinaroroonan ng Alchemist Association, kaharap ni Elder Alicia si Hitch Dreo at masinsinang kinakausap ito.
"Hitch, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya sa labang ito. Ipakita mo sa kanilang hindi lang sa larangan ng Alchemy tayo magaling, mayroon din tayong ibubuga sa pakikipaglaban. Naniniwala pa rin akong ikaw ang pinakamalakas na miyembro ng Alchemist Seven kaya naman ibigay mo ang lahat ng iyong makakaya." Nakangiting wika ni Elder Alicia.
Narinig ito ng bawat miyembro ng Alchemist Seven ngunit tanging si Brien Latter lang ang nagkaroon ng komento rito.
"Hmph. Paniwalaan niyo ang gusto niyong paniwalaan." Nakangising wika ni Brien Latter.
Napangiwi si Elder Alicia nang marinig niya mga sinabi ni Brien Latter at nakadagdag pa sa inis niya ang ngisi ng binatilyong ito. Gayunpaman, hindi na siya pumatol kay Brien Latter dahil alam niya namang wala rin itong patutunguhan.
"Maraming salamat Elder Alicia. Gagawin ko po ang aking makakaya sa labang ito at sisiguraduhin ko pong makakamit ng Alchemist Association ang unang panalo." Masayang tugon naman ni Hitch Dreo. Tumingin siya kay Association Master Morris at nang mapansing wala itong balak na gabayan siya, napabuntong hininga na lang siya at bahagyang yumuko sa kinaroroonan nito, "Association Master Morris, bababa na po ako upang sumabak sa pakikilaglaban."
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
FantasySynopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hustisyang pinagkait sa kanila. Sa pamamagitan ng Seven Great Faction Games, ipapasaksi niya sa lahat ng taong tumapak sa kanya at sa kanyang...