==========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
==========================================================
CHAPTER 3: Keep your eyes on the road!
Mag-gagabi na ay nasa paglalakbay pa rin si Alyssa at Byron. Kahit isa pang kaskasera itong si Alyssa, malaki pa rin ang distance to cover from Confuderation to Ladiland.
Minsan lang kase umuuwi ng Ladiland itong si Alyssa. Since ang base ng Beki Police Force ay nasa Confuderation at dito rin siya palaging naka-station, siguro once to twice a month lang siya bumibisita sa mga magulang niya sa bansang ito.
Tahimik naman ang buong biyahe. Nag-ingay lang konti si Byron nung dumaan sila sa isang transparent na bridge at ang ilalim nuon ay pink na dagat. Feeling ni Byron eh dagat iyon, kase may mga waves siyang nakita, pero hindi siya masyadong sure. Itatanong na lang daw niya kay Alyssa mamaya.
Lumubog na ang Istarirayboomboomboom at nabalutan na ng kadiliman ang buong paligid...ngunit kahit madilim, hindi pa rin matatago ng Bekilandia ang angkin nitong kagandahan.
Nalaman ni Byron na may bioluminescence characteristic ang karamihan ng mga halaman sa planetang ito. Ibig sabihin, may kakayahan ang mga ito na mag-produce ng sarili nilang liwanag o ilaw.
Parang Christmas lights ang mga halaman na nadadaanan nila. Ang ilan sa mga ilaw na nakita ni Byron ay red, yellow, orange and green. The plants and trees seem to twinkle and wink.
“A-alyssa...ang ganda pa rin sa planeta niyo kahit sa gabi.” Wika ni Byron na nababalutan ng pagkamangha. Isang tipid na ngiti lamang ang iginawad ni Alyssa dito.
Maya-maya pa ay kumulo ng malakas ang tiyan ni Byron. Gutom na ang loko. Maghapon ba naman silang nasa biyahe. Hindi naman nakatakas sa pandinig ni Alyssa ang pagpo-protesta ng sikmura nito.
“Hindi mo sinabing gutom ka na!?” Wika ni Alyssa.
“Eh natatakot ako sa’yo. Busy ka sa pagda-drive!”
“Nakakatakot ba ako?!”
“Medyo?” Kabadong reply ni Byron.
At biglang hinalikan ni Alyssa si Byron sa mga labi. Madiin, marahas.
Parang aatakihin naman sa puso si Byron sa ginawang iyon ni Alyssa. Masyado pa rin itong impulsive. Kahit nag-change planet na sila, palaban pa rin ito at feeling niya, dito na siya sa Bekilandia babawian ng buhay dahil sa mga mapangahas na moves ni Alyssa.
They started making out—aggressively and passionately.
“A-Alyssa...k-keep your eyes on the r-road...” Byron managed to speak these words in between their heated kisses.
“Wag ka mag-alala. I know this road like the back of my hand,” Reply naman ni Alyssa while she’s still tasting the mouth of the person on her car’s passenger’s seat.
Mas lalo pang binilisan ni Alyssa ang pagpapatakbo ng kotse. Galit na galit ang makina. At kasabay nito ay ang galit na galit na ano din ni Byron.
Hahawakan na sana ni Byron si Alyssa sa kung saan man ngunit bigla itong nag-preno at nangudngod si Byron sa hinaharap ni Alyssa.

BINABASA MO ANG
Bekilandia 2: Return Of The Bekis
Science FictionWelcome sa Bekilandia! Kung nung Book 1, naging aware kayo na may planet ang mga Beki, ngayong Book 2, uh...hindi ko alam kung saan kayo magiging aware! So basahin niyo na lang! Haha! Basahin ang Bekilandia 1 para maka-relate. Promise di mo ito maii...