==========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
==========================================================
CHAPTER 7: Unexpected Bekilandia Visitors!
“Shet na malagket!” Bulong ni Stanley.
“Bakit baby?”
“Si Camilla at Deek yung kausap ni Taragis!”
“What?!”
Tumayo si Dan at itinaas na niya muli ang boxers at isinara ang pants ni Stanley.
“Sorry baby kung bitin ka,”
“Okay lang yan, pwede namang mamaya. We’ll find some ways. Mang-stalk muna tayo dito kay Taragis!”
XXX
Dahan-dahang lumapit si Stan at Dan sa pinto sa loob ng storage room. Naglakad sila ng maingat at tinry na wag lumikha ng kahit anong ingay.
“Aray! Shet ano yun?!” Iritadong wika ni Stanley pero mahina lang.
“Nakabunggo ka ng metal na..ano ‘to babe?” Kinapa ni Dan ang bagay na nabunggo ni Stan.
“Wala, trashcan lang yan babe.” Ani Stanley.
“Lolz. Kulay neon pink!” Pagkaaliw ni Dan sa trashcan.
Itinapat nilang dalawa ang kanilang mga tenga sa pintuan at nakinig sa usapan between Taragis at mga Nelestrum.
“Wala pa rin bang nagdududa hanggang ngayon na hindi ka isang Beki?” Ani Deek.
“Akala ng lahat ay isa akong Beki. Akala nila ako talaga si Taragis. Hindi nila alam, wala ng buhay ang tunay na Taragis.”
“WHAT?!” Gulat na wika ni Stanley as if naman kilala niya personally si Taragis.
“Ibig sabihin nagdi-disguise lang kung sino man yung kilala nating Taragis?” Ani Dan.
“Korek. At hindi pala siya Beki!”
“Kailangan malaman ito ni Andrew asap!”
“Yup!”
“May narinig ka bang ingay?” Wika ni Deek.
“Oo nga eh, parang may narinig akong nag-uusap sa kabilang room,” Sabat ni Camilla.
“Oh no The Camilla bitch!” Hindi napigilan ni Stanley na hindi mainis ngunit hinila naman ka’gad ito ni Dan. “Halika na babe! Mapanganib dito!”
“May kumakaluskos talaga eh!” Wika uli ni Camilla.
“Baka naman guni-guni lang natin yun,” ani Deek. “Anyways, ano ng nangyari dito sa planetang ito? Kakarating lang namin ni Camilla dito. Hindi namin nahuli ang mga Beki at Ancient Beki sa earth...pero nagpunta pa rin sila dito as part of our grand plan!”
“Exactly.” Masayang wika ng nilalang na hindi pala si Taragis.
“Sino kaya yun? Naku-curious talaga ako!” Pasaway si Stanley. Hindi nito pinansin ang panghihila ni Dan at nag-e-eavesdrop pa rin ito sa pintuan.
BINABASA MO ANG
Bekilandia 2: Return Of The Bekis
Science FictionWelcome sa Bekilandia! Kung nung Book 1, naging aware kayo na may planet ang mga Beki, ngayong Book 2, uh...hindi ko alam kung saan kayo magiging aware! So basahin niyo na lang! Haha! Basahin ang Bekilandia 1 para maka-relate. Promise di mo ito maii...