CHAPTER 11: Escape

330 17 10
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

CHAPTER 11: Escape

“Stanley, anong nangyayari?” Nalilitong tanong ni Andrew kay Stan as they fled for their lives.

“Mamaya na girl, warla-warla pa ang peg natin ngayon. Umeskapo chuva muna tayo!” Sigaw ni Stanley dito.

“Ano?” Nalilitong tanong ni Andrew dito dahil sa totoo lang, wala siyang naintindihan sa sinabi ng Paminta.

Ilag dito, ilag doon. Hindi lang sina Taragis at Camilla ang humahabol sa dalawang Beki kung hindi maging ang mga bala ng baril ng mga ito at laser. Luckily ay hindi ganoon kagaling umasinta ang mga ito while on a chase kaya naman kahit daplis ay walang tinamasa ang mga tumatakas na Beki.

Nagkaroon ng malaking commotion sa hall ng Beki Police Headquarters. Lahat ay nagtataka kung bakit kumakaripas ng takbo si Andrew at Stan.

“Hulihin niyo sila! Wag niyo silang hayaang makalabas ng lugar na ‘to!” Utos ni Taragis sa lahat ng pulis na nasa lugar ngunit imbis na tumalima ka’gad ay tila naguguluhang tumingin ang mga ito sa kaniya. Like, what the fudge? Nasiraan ba ito ng bait bigla?

“HOY! Kumilos kayong lahat! Sundin niyo ang pinag-uutos ko!” Patuloy na sigaw ni Taragis at tila natauhan naman ang mga Beking pulis na inuutusan pala sila kaya naman duon pa lang sila nagsikilos. Too bad dahil malayo na ang natakbo ni Andrew at Stan at nahirapan na silang abutan ang mga ito.

Sa labas ng Beki Police Headquarters ay naka-park ang kotse na ginamit ni Stanley papunta rito. Nakasakay na si Veron sa loob at tila nakahinga ng maluwag si Andrew upon realizing that. Kanina pa kase siya nag-aalala kung saan na kayang lupalop nagpunta si Veron. Naisip niya ka’gad ang kaligtasan nito nung time na na-sense ni Andrew na something’s not right kina Taragis.

Dali-daling binuksan ni Veron ang mga pinto ng kotse at agad nagsisakay si Andrew at Stanley.

“Nakita ako ni Stanley kanina sa may labas at inutusan akong sumakay ka’gad ng kotse. Sabi niya, emergency daw. Sorry if hindi kita inantay makalabas.” Worried na pag-e-explain ni Veron kay Andrew pero nginitian lamang siya nito.

“Okay lang, Veron. Emergency talaga. Kalaban si Taragis!” Pag-e-explain ni Andrew kay Veron at nanlaki naman ang mga mata nito. “WHAT?!” Bulalas nito as Stanley started to drive the hover car furiously.

Mabilis na minaneho ito ni Stan na tila nasa Fast and Furious lang ang peg. Andami nilang nilagpasang ibang sasakyan at andami nilang traffic light na sinuway. Akala nila ay hindi na sila masusundan nila Taragis pero nagkamali sila! Nakita ni Andrew sa side mirror na may mga Beki Police car na sumusunod sa kanila. Worst ay may isang tangke na sumusunod din sa kanila—si Taragis. Nakalabas ang katawan nito sa may itaas ng tangke at may hawak itong parang isang malaking missile launcher. Mas lalong kinabahan ang mga Beki at si Veron ng ma-realize nilang handang-handa si Taragis na pasabugin ang mga bungo nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bekilandia 2: Return Of The BekisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon