==========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
==========================================================
CHAPTER 5: Tour sa Headquarters
“Kamusta na kaya sina Alyssa at Byron? Sana ligtas silang nakabalik sa Ladiland.” Pag-aalala ni Andrew sa mga kaibigan. Kasalukuyang nakasakay ngayon sa hover car ang dalawang Beki (Andrew and Stanley) at dalawang human (na medyo malandi – Veron and Dan—joke lang daw yung malandi. Inaaway kase nila ako. K.)
Papunta sila ngayon sa metropolis ng Confuderation o yung pinaka-city ng bansang ito. Sa city naka-locate ang Beki Police Force Headquarters at kailangan ng mag-report on duty ni Andrew. Ever since pagbalik nila sa Bekilandia ay back to work na ulit ang peg ni Andrew.
Pero okay lang naman dahil kailangan niya lang mag-time in sa Headquarters at after nun ay pwede na siya lumaboy sa buong metropolis. Duon kase ang area niya. Si Alyssa naman, naka-duty na rin dapat kaso humingi ng leave dahil yun nga, gusto munang bumisita sa Ladiland.
Dahil sa kawalan ng communication between the three countries, wala pa rin silang balita sa mga kaibigan. Maging si Veron ay lubos ng nag-aalala kay Byron. Iniisip nitong baka kung ano ng ginawa ni Alyssa dito. Chos.
Bago dumiretso sa BPF Headquarters ay ibinaba muna ni Andrew si Stanley at Dan sa isang Beki Hospital. Ginawan kase si Stanley dun ng temporary laboratory kung saan, with the help of George -- one of the legendary Ancient Beki ay bubuo muli sila ng Bekirilllium purifier to continue the production ng Beki babies.
Inaccessible kase for now yung original lab ni Stanley sa bansang Pamin Republic. At ayun nga, bali-balita na under attack ito ng mga Nelestrum ngayon.
“See yah later guys!” Maarteng paalam ni Stanley kay Veron at Andrew bago bumaba ng hover car. Dumating na kase sila sa Beki hospital. Bumaba din si Dan. Sasamahan daw nito si Stanley.
Muling pinaandar ni Andrew ang kotse ng ubod ng bilis at napakapit naman si Veron sa matipunong braso ni Andrew dahil sa takot.
“Sorry if hindi ka sanay sa bilis ng pagmamaneho ko.” Worried na wika ni Andrew.
“No, it’s okay. Masasanay din ako...and besides, I trust you.” Napangiti naman si Andrew sa winika na yun ni Veron. Kinilig ang mokong.
“Anyways Andrew, pwede ba talaga ako sa headquarters niyo? Hindi ba ako nuissance?” Pag-aalala ni Veron.
“Nope. Akong bahala sa’yo.” Sure na reply ni Andrew.
Nang makarating na sila sa headquarters ay nag-park si Andrew sa may bukana lang ng parking lot dahil aalis din ka’gad sila ni Veron pagka-report niya on duty. Balak niyang ipasyal si Veron sa metropolis ng Confuderation.
Being the ultimate gentle Beki ay pinag buksan at inalalayan ni Andrew si Veron pababa ng hover car. Magka-holding hands silang nagtungo sa headquarters.
Sobrang hi-tech looking ng headquarters na ‘to ng mga Beki. Nagpapalitang stainless silver at dark purple ang kulay ng mga building. Mukhang metal ang lahat. Pati ang sahig ay gawa sa metal.
Maraming monitor sa paligid at mga censor device. Lahat ng sliding glass door or sliding metal door ay may detector. May body scanner sa bawat sulok at paligid. Nanaitiling mahigpit na nakakapit si Veron kay Andrew dahil sa kaba.
BINABASA MO ANG
Bekilandia 2: Return Of The Bekis
Sci-fiWelcome sa Bekilandia! Kung nung Book 1, naging aware kayo na may planet ang mga Beki, ngayong Book 2, uh...hindi ko alam kung saan kayo magiging aware! So basahin niyo na lang! Haha! Basahin ang Bekilandia 1 para maka-relate. Promise di mo ito maii...