CHAPTER 6: Kung Saan Na Lang Maabutan

290 11 30
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

CHAPTER 6: Kung Saan Na Lang Maabutan

 

 

 

 

Samantala, bisitahin naman natin si Stanley at Dan sa Beki Hospital na kasalukuyang nilagyan ng temporary Chem Lab.

“Dito po muna ang bago ninyong laboratory pansamantala.” Sabi ng isang Beking lab assistant.

“Thank you ha. Kahit maliit, halos kumpleto naman sa gamit.” Wika ni Stanley.

“Naku sorry po kung naliliitan kayo.”

“Naku okay lang, walang problema.” Nagulat si Stanley ng bigla siyang niyakap ni Dan sa likuran. “Baby ano ba!? Professional dapat tayo dito!” Saway ni Stan kay Dan.

“Sorry babe. Na-mi-miss na kase kita. “ Hindi naman inalis ni Dan ang pagkakayakap nito kay Stanley.

Nahiya naman ang Beking lab assistance sa PDA na ginagawa ng dalawa at hindi napigilang mamula. Nagpaalam na kaagad ito at sinabing tawagin na lamang siya kung may iba pang kailangan. Nasa kabilang room lang din ang mga chemist survivors ng bansang Pamin Republic if may dagdag pang katanungan si Stanley. Nagpasalamat naman ito dito. Pagkalabas na pagkalabas ni lab assistant ay agad sinara ni Stan ang pinto ng temporary lab.

Agad pinuntahan ni Stan ang mga control buttons ng lab at may kinlick siyang several buttons.

“Anong ginagawa mo baby?”

“Wala, tinitignan ko lang if monitored itong room, unfortunately, monitored!” Dismayadong wika ni Stan.

Hinawakan ni Dan ang buhok ni Stan. Tumutubo na uli ang buhok nito. Makikita na uli ang yellow nitong kulay. Kase ‘di ba kung maaalala niyo, nagpa-semi kal ang Beking ito nung nasa earth pa.

“Bakit mo tinitignan if monitored?” Curious na wika ni Dan.

Tanging kindat lamang ang isinukli dito ni Stanley at na-gets na ka’gad ni Dan ang pilyo nitong balak. Dahil napag-alaman ni Stanley na monitored ang kwarto, no choice kung hindi humanap ng ibang lugar.

“Hindi mo na ba kaya babe?” Tanong ni Dan dito habang naglalakad sila ni Stan sa hallway ng laboratory.

“Bakit ikaw? Kaya mo pa ba?”

 Inakbayan ni Dan si Stan. “Kagabi pa ako hindi makatiis. Kaso nahihiya ako sa Dad ni Andrew. Baka marinig tayo. Maingay ka pa naman!” Biro nito.

“Look who’s talking?! Ako pa talaga ang maingay—“ Biglang natigilan sa pagsasalita si Stanley dahil nakakita siya ng isang storage room. Agad niyang hinila si Dan duon papasok.

Binuksan ni Stan ang ilaw ng mini storage room. Kung anu-anong hi-tech na panglinis at mop ang naruon. Chineck din ni Stan kung may mga monitor ba sa loob ng storage room na ‘to, luckily wala. Mukhang hindi naman kailangan i-monitor kung meron bang nagnanakaw ng mga panglinis ng laboratory at ospital.

Bago isara ni Stanley ang pinto ay tumingin muna siya sa parehas na direksyon ng hall. Nang makasiguradong walang nakakita sa kanila ni Dan na pumasok sila sa storage room ay agad niyang sinara ang pinto. Ni-lock niya pa ito just to make sure.

Bekilandia 2: Return Of The BekisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon