CHAPTER 4: Zero Gravity

345 14 14
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

CHAPTER 4: Zero Gravity

Pagkapasok na pagkapasok sa kwarto ay agad isinandal ni Byron si Alyssa sa wall. Hinalikan ni Byron ang mga labi ni Alyssa. Kapwa sila humihingal ng matapos.

Pero joke lang daw na tapos na. Ang mga labi ni Byron ay sunod na dumako sa tenga ni Alyssa at bumaba sa kurba ng leeg nito.

“Ano ba? Bakit ang agresibo mo?” Wika ni Alyssa habang nakapikit. Ninanamnam ang mga halik ng kasama sa kanyang leeg. Mahigpit nitong hawak ang ulo ni Byron.

“Eh bakit ang agresibo mo rin? Kanina mo pa ko binibitin eh!” Wika naman ni Byron sa pagitan ng paghalik niya sa leeg ni Alyssa.

Bumaba pa ng kaunti ang halik nito at napadpad na si Byron sa dibdib ni Alyssa. Napasinghap naman si Alyssa ng malakas.

“T-teka lang naman! Isara muna natin yung pinto! Bakit ka ba nagmamadali? May lakad ka ba?” Pinalo ng mahina ni Alyssa ang ulo ni Byron.

“Eh bakit kase ang ingay mo? Takpan mo ng kamay mo ang bibig mo.” Wika ni Byron ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa ginagawa nito.

“Nasa kabilang kwarto lang yung parents ko! Baka umakyat na sila?!” Bakas sa boses ni Alyssa ang pag-aalala ngunit hindi naman nito pinapatigil si Byron.

“Ahh.. Alyssa..kanina pa ko nanggigigil sa’yo!” Parang hindi naman narinig ni Byron ang pinu-problema ng kasama.

“Teka lang shet ka ang ingay mo rin eh! Isara mo na yung pinto!”

Wala ng choice si Byron kung hindi sundin ang iniuutos ni Alyssa. Kinapa nito ang nakaawang na pinto ng hindi inihihinto ang ginagawang paghalik sa katawan ni Alyssa. Nang mahawakan na ni Byron ang pinto ay ipininid niya kaagad ito.

Pero may nasaging switch ang kamay ni Byron upon doing that. Isang mahinang clicking sound ang narinig ng dalawa at tila may umugong na makina.

“Shet ano yun? Sorry!” Wika ni Byron. Pansamantala niyang iniwan ang dibdib ni Alyssa at tumingin ito sa mga mata nito.

Mula sa pagkakasandal sa pader ay bigla silang lumutang na dalawa. Naunang umangat si Byron ngunit hinila ito ni Alyssa. Bago pa man tuluyang umangat din si Alyssa ay pinindot ulit nito ang switch na aksidenteng napindot ni Byron.

“Napindot mo yung zero gravity switch!” May annoyance sa boses ni Alyssa.

“Zero gravity what?! Bakit may ganun sa kwarto mo?”

“Pang-practice para just in case na mapasubo ako sa labanan sa mga lugar na walang gravity! As a Beki police, dapat palaging handa!”

“Eh bakit yung mga gamit mo hindi lumulutang?”

“Naka-screw yung iba sa sahig. Yung iba naka-program for anti-zero gravity.”

“Nakaka-nosebleed naman itong kwarto mo.”

“Shunga-shunga ka kase! Hindi ka nag-iingat kung anu-anong pinipindot mo!”

“Sorry na! Dapat nag-iingat ako at nililimitahan ko ang mga bagay na pinipindot. Dapat yung katawan mo lang!”

Bekilandia 2: Return Of The BekisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon