==========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
==========================================================
CHAPTER 9: Torture Chamber
Samantala lingid sa kaalaman ng lahat, sa isang tagong kwarto sa Beki Police Headquarters ay naruruon ang mga Ancient Beki.
Dati ay isa lamang itong ordinaryong kwarto ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay ginawa itong torture chamber ni fake Taragis. Gawa sa special na materyales ang loob ng kwarto kaya naman walang kahit anong powers o special ability ang gumagana dito.
Kung nahulaan niyo na ginawa ang kwarto na ito para sa mga Ancient Beki, well, tumpak kayo!
Ang kwartong ito ay napapalibutan ng madaming monitor at mga control panel. Sa gitna ay merong limang malalaking cylinder tubes na gawa sa salamin. Sa loob ng tig-iisang cylinder ay nakakulong ang mga Ancient Beki. Lahat ay nakagapos ng mahigpit using a special rope para sure na walang kawala. Ang ibang Ancient Beki ay walang malay. Ang iba ay nakatingin ng masama sa isang nilalang na nakaupo sa isang upuang mukhang trono sa gitna ng kwarto.
Si Deek.
“Musta naman ang mga Ancient Beki?” Masaya nitong wika habang tinititigan ang lima na walang kalaban-laban. Kakahatid lang sa kanya ni fake Taragis dito sa secret room na ‘to. Samantalang ang fake Taragis ay unti-unti ng pinamumunuan ang pag-infiltrate ng mga Nelestrum sa buong Confuderation. Nag-set up sila ng isang portal kung saan man dito sa Bekilandia na nagdudugtong sa Nelestrum. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam na merong ganitong nangyayari, pwera na lamang kina Stanley, Dan at daddy ni Andrew.
Tumayo mula sa trono niya si Deek at marahang naglakad-lakad sa buong kwarto. Isa-isang nilapitan ang mga cylinder kung saan nakatali ang mga Ancient Beki. Nginingitian nito isa-isa ang mga iyon na parang baliw.
“Ang babait naman ng mga Ancient Beki, behave na behave!” Masaya nitong bulalas.
Si George na isa sa mga Ancient Beki ay may ulirat pa rin. Bagama’t nanghihina dahil sa pangtu-torture na ginagawa sa kanila, nakuha pa rin nitong titigan ng masama si Deek. Natigilan naman si Deek. Alam naman nitong hindi nakakagamit ng powers ang mga Ancient Beki sa kwarto na ito pero natakot pa rin ito kahit papaano. Pinanlakihan nito ng mga mata si George. Nginitian naman ito ni George ng pang-asar.
“Kahit anong gawin mong paninindak, wala ka paring laban! Leche!” Mataray na wika ni Deek sabay pukpok nito sa cylinder na kinalalagyan ni George. Ang pagpukpok na iyon ni Deek sa cylinder ay nagbunga ng pagdaloy ng electric currents sa loob ng cylinder resulting sa mild electrocution ng nasa loob ng cylinder.
“Ha!” Maangas na ismid ni Deek dito.
“Alam niyo mga Ancient Beki, mas mapapadali sana ang mga buhay niyo at hindi na kayo mahihirapan ng ganyan kung sinasabi niyo na sa akin ngayon pa lang kung paano i-harness ang Bekirillium sa planetang ito...”
Tinitigan uli ni Deek si George na dahil sa pagkakakuryente ay nawalan ng malay.
“Eh gusto niyo pinapahirapan pa kayo eh!” Galit na galit na wika ni Deek.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto. Si Camilla.
“Sir Deek.” Wika ni Camilla paglapit nito sa boss niya sabay yukod.
“Ano? Umpisahan na ba natin?” Nakangiting wika ni Deek dito.
“Opo, sir.” Listong wika ni Camilla.
Nagtungo si Camilla sa isang control panel. May pinindot siyang series of buttons at biglang may tumunog na makina. Umilaw ang limang cylinder na kinalalagyan ng mga Ancient Beki.
Ang limang cylinder ay merong nakakabit na limang tubo at nagsimulang umilaw ang limang tubo na iyon.
“Well, dahil sa hindi namin kayo mapakinabangan regarding sa information ng Bekirillium, gagamitin na lang namin kayo sa ibang bagay...” Malumanay na wika ni Deek. Ngumiti naman si Camilla.
“Ie-extract na lang namin ang mga powers niyo. Aba, sayang din yan ha. Medyo malakas din naman kayo. Medyo lang. Syempre mas malakas pa rin ako sa inyo!” Wika ni Deek habang pumapalakpak pa. Nakipalakpak din si Camilla. Parang mga tanga lang eh.
Bigla uling bumukas ang pintuan at this time, pumasok na ang fake na Taragis.
“Morlorn.” Wika ni Deek. At ayan, alam na natin ang real name ng fake na Taragis.
Ngumiti ito at isang nakakakilabot na pangyayari ang naganap. Nawasak ang mukha nitong kamukha ng kay Taragis. Revealing underneath ang isang kutis na ka-match ng kay Deek. Parang grayish na kala mo hindi nasinagan ng araw. Unti-unti ring lumabas ang tunay nitong mga ngipin—maliliit at matutulis.
Nang tuluyan ng nawala ang any resemblance nito kay Taragis, makikitang isa itong full blown Nelestrum.
Isa pala ito sa mga matataas na heneral ng planet Nelem—si General Morlorn.
“Halos lahat ng institusyon dito sa Confuderation ay na-infiltrate na ng mga Nelestrum.” Masaya nitong pagbabalita. “Hindi nila alam na unti-unti na nating nahihigop ang life force ng planeta na ‘to.
“Isang part na lang ng Confuderation ang hindi pa natin nai-infiltrate at iyon ang mga villages dito.”
“Well, pwedeng last na iyong mga yun. Mga walang kwentang mamamayan lang naman ng bansang ito ang mga nandun. Mga walang laban. Mga walang sinabi!” Pagmamalaki ni Deek.
“Sa bagay boss, may point ka. Pero once na na-take over na natin ang buong bansa na ‘to, ang next nating pupuntiryahin ay ang Ladiland.”
Ngumiti si Deek. Like na like niya ang idea na napapasa-kanila na ng unti-unti ang buong Bekilandia. “Wokay. Alam mo, ang galing natin.” Mas lalong lumaki ang pagkakangiti nito. “Ang galing-galing ng plano natin.” Kuminang ang mga mata ni Deek na purong itim.
“Paano ang mga Beki na galing sa earth?” Sabat ni Camilla.
“Ah sila pa pala. Yung mga pakialamerong mga Beki na yun,” Naiiritang wika ni Deek.”Mapapatumba rin natin ang mga shet na yun!”
“Basta gusto ko po sa akin si Stanley ha,” Wika ni Camilla.
“Bet mo talaga yung Stanley na yun eh noh?”
“Aba boss, oo naman.” Nilabas ni Camilla ang dila at dinilaan nito ang ibabang labi niya. “Masarap yun eh. Hihi.” Puno ng malisya na wika nito.
“Bahala ka na kung anong gusto mong gawin sa isang iyon. Wala akong pake.” Wika ni Deek habang winawasiwas ang isang kamay. “Basta ang pinaka-concern natin ay dapat mapasa-atin ang life force ng planetang ito—ang Bekirillium! Intiendes?”
“Si Senyor!” Wika ni Camilla at sabay-sabay na nagtawanan ang tatlong Nelestrum sa kwarto na iyon na siyang ginagawa ng any villain sa any fiction story. Gosh.
==========================================================
Nagustuhan mo ba? Please vote and comment if you do! Importante sa manunulat ang feedback ng kaniyang mga mambabasa. Salamat in advance! <3
==========================================================
BINABASA MO ANG
Bekilandia 2: Return Of The Bekis
Science FictionWelcome sa Bekilandia! Kung nung Book 1, naging aware kayo na may planet ang mga Beki, ngayong Book 2, uh...hindi ko alam kung saan kayo magiging aware! So basahin niyo na lang! Haha! Basahin ang Bekilandia 1 para maka-relate. Promise di mo ito maii...