CHAPTER 10: Search and Rescue ng mga Beki

205 13 3
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

CHAPTER 10: Search and Rescue ng mga Beki

“Alyssa, anak?”

“Yes po?” Dali-daling bumaba sa living room si Alyssa ng marinig nitong tinatawag siya ng mama niya.

“Nakakapagtaka na nagri-ring ang cellphone mo kanina pa. Walang signal sa buong Ladiland dahil down ang network providers...”

“PO?” Natatarantang wika ni Alyssa. “Kanina pa po ba nagri-ring? Bakit hindi niyo ko tinawag kaagad?!” Dali-daling kinuha ni Alyssa ang cellphone niyang nakalapag sa mesa.

“Eh akala ko kase busy kayo ni Byron sa pag-eensayo sa pakikipaglaban sa kwarto mo.” Turan ng mama ni Alyssa sabay tingin kay Byron na pababa pa lang ng hagdanan. Namula naman ang loko.

“Hello?!”Agad na sinagot ni Alyssa ang cellphone pagkahawak niya dito.

“Hoy Alyssa!” Wika ng nasa other line pero tila choppy ang boses nito. But still, kilalang-kilala niya kung kanino ang boses na iyon.

“Stanley?!” Bulalas nito. “Paano mo ko natawagan? ‘Di ba down ang communication sa buong Bekilandia?”

“Shunga ka syempre hindi legal na paraan ‘to noh!” Mataray na tugon ni Stanley. “Papunta kami diyan, gaga, salubungin mo kami! Wis familiar kami diyan sa Ladiland!”

“Teka, bakit kayo pupunta dito?”

“Nelestrum-Infested na ang buong Confuderation, gaga!”

“WHAT?”

“Oo nga. Kinakabahan nga kami baka ma-wire tap ‘tong conversation natin kaya ie-end na rin ka’gad namin ‘tong tawag! Abangan mo na kami sa bukana ng Ladiland at paki-inform na rin ang mga Ladiland officials na sakop na ng Nelestrums ang Confuderation.”

“Okay, okay, got it. Aabangan namin kayo sa high way mga 1km before mag-Ladiland. Magsasama ako ng military escort don’t worry, just in case kailanganin.”

“Okay. Thanks. Iku-kwento na lang namin ang additional details kapag dumating na kami diyan. Sa ngayon ay hinahanap pa namin sina Andrew. Wala pa silang alam!”

“OMG!”

“Oo, wala sila ni Veron sa headquarters kanina. Ewan ko kung saan  ng lungga nagsuot yung dalawang iyon. Tapos hindi rin namin matawagan ang cellphone ni Andrew! Kakaloka! Pero sana mahanap namin sila as soon as possible!”

“Okay, sige, goodluck. Bilisan niyo pagpunta niyo dito.”

“Sige, bye.”

“Bye.”

Tumingin si Alyssa kay Byron at kahit hindi pa ito nagku-kwento ay na-gets na ni Byron na nasa panganib sina Veron.

“Ma, alis lang po kami. Pakisabi na lang kay Papa. May mission po.” Wika ni Alyssa sa mama niya. Tumango naman ang matandang Beki.

“Mag-iingat kayo ha.”

“Opo, ma. Kaya po namin sarili namin.”

Hinila ni Alyssa si Byron sa kamay at tuluyan ng bumaba. “Halika na. Kailangan nating salubungin sina Andromeda.”

Bekilandia 2: Return Of The BekisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon