CHAPTER 2: Andromeda Polaris Blue's Residence

446 16 48
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

CHAPTER 2: Andromeda Polaris Blue’s Residence

 

 

 

 

Kasalukuyan pa ring nasa biyahe sina Andrew. Habang nasa biyahe, ibang ingay ni Dan at Stanley. Si Veron naman ay parang nasa trance dahil sa pagkaaliw sa mga nadadaanan nila.

“Baby, ano yun?” Tanong ni Dan kay Stanley ng may nadaanan silang isang spot kung saan bumubuga ang lupa ng kulay pink na usok.

“Ah wala baby, natural occurrences lang yan dito sa planetang ito.” Wika ni Stanley kay Dan.

Madami pa silang nadaanan na lugar at mga tanawin. Parang earth lang din ang Bekilandia. May mga nadaanan silang school, ospital, mall at mga villages...pero all those are more hi-tech compared dito sa atin. Even the most hi-tech looking building that can be found on earth is not comparable sa mga building na matatagpuan sa planetang ito. This race is indeed more advanced kesa sa mga tao when it comes to technology.

Wala ng gulong ang mga sasakyan dito. Lahat ay nagha-hover sa lupa. May speed limit at may certain na taas lamang ang pwedeng liparin ang mga sasakyan, depende kung saan ka pupuntang lugar. Walang binubugang usok ang mga sasakyan. Kahit na sabihin pa na ginigera ang planetang ito ng mga Nelestrum nowadays, hindi iyon mahahalata dahil sobrang linis pa rin ng paligid.

Napadaan sina Andrew sa metropolis ng bansang Confuderation. Napanganga si Veron at Dan sa kanilang nasaksihan. Akala nila sa Sci-Fi movies lang nila makikita ang mga nakikita nila ngayon, ngunit right in front of their very eyes, nakikita nila ang kagandahan ng Confuderation metropolis.

Ang daming state of the art na skyscraper ang makikita sa paligid. The buildings present ay very modern looking. Iba-iba ang kulay ng mga iyon, it ranges from plain metallic to neon green. Hindi na ata humihinga si Veron dahil sa awe. Matagal na niyang pangarap makakita ng ganito.

Walang traffic. Walang polusyon. Lahat organized.

Ang daming nilang nakitang neon billboard of different Beki products habang nakasakay pa rin sa hover car ni Andrew. Ang daming speeding hovering cars sa paligid at lahat ito ay may mga specific lane na sinusunod. Buong siyudad ay napapalibutan ng CCTV. Ang mga traffic enforcer ay nakasakay sa hi-tech na hovering patrol car. Amazing talaga.

After 10 minutes ay nakalabas na sila sa metropolis. Mabilis lang ang biyahe given na hindi naman uso ang traffic dito at mabilis talaga ang hover car na pinapatakbo ni Andrew. Ngayon lang nalaman ni Veron na kaskasero itong si Andrew.

After makalabas sa metropolis ay bumungad na uli sa kanila ang mga magandang mga landscape ng Bekilandia. Tulala lang si Veron the whole time dahil sa sobrang ka-surreal-an ng paligid na nasasaksihan niya ngayon...Alternating green and pink na grasslands ang nadadaanan nila. Ang kalangitan ay naglalaro sa mapusyaw na purple at yellow with pink clouds. Parang everything that Veron is seeing is contained in a dream.

But it is not a dream; she knows this...This Bekilandia planet is nothing but REAL.

Hindi napansin ng mga nakasakay na biglang nag-slow down ang hover car dahil busy sila sa pagsa-sightseeing. Hindi nila napansin na pumasok na pala sila sa isang village.

Bekilandia 2: Return Of The BekisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon