Chapter 4

25K 521 17
                                    


BINITIWAN ni Ella ang binatilyo nang ang tubig ay hanggang sa kalahati na ng binti niya dahil nahirapan na siyang hilahin ito patungo sa batuhan.

"Nasa mababaw na tayo..." humihingal niyang sabi at pagkatapos ay humakbang patungo sa malaking bato at pabagsak na umupo.

Naghahabol ng hiningang nilingon niya ito nang pagapang nitong tinungo ang tuyong bahagi ng mga batuhan at saka inilatag ang sarili isang hakbang mula sa paanan niya.

Tumaas-bumaba ang dibdib nito sa paghahabol ng hininga. His eyes were tightly closed. May ilang sandaling nanatili ito sa ganoong ayos bago itinaas nito ang kanang kamay at inihilamos sa mukha upang hawiin ang tubig doon. Nang mahimasmasan ay bumangon ito at inayos ang sarili sa paupong posisyon sa mga batuhan. Itinukod ang mga braso sa mga tuhod. Tila ito sisiw na naulanan.

"Hindi ka ba tagarito at hindi mo alam na mababaw lang ang ilog sa bahaging iyon?" Naiirita niyang tanong, nabasa siya nang wala sa oras.

"Na... nabigla kasi ako..." sagot nito at nilingon ang ilog. She saw him shiver as if in horror. Pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa kanya. "Thank you."

"Anong 'thank you'!" singhal niya. "Alam mo bang dahil tatanga-tanga ka'y nakatakas ang palaka ko?"

Napakunot-noo ito sa tono niya. "Well, I'm soo—rry, pero hindi ko naman ginustong madulas at magmuntik-muntikanang malunod," sarkastikong tugon nito.

"Hindi ka malulunod dahil mas mataas ka pa kaysa sa lalim ng tubig!" Padabog siyang tumayo. "Diyan ka na nga!" Pairap at naaasar na tinalikuran niya ito. Susubukan na lamang niyang hanapin ang palaka. Baka sakaling makita pa niya iyon.

"Hey, sandali!"

Lumingon siya. Tumayo ito at humakbang palapit. "Thanks uli," anito kasabay ng pagsuklay ng kamay nito sa basang buhok patalikod. "Na... nakakahiya mang aminin ay talagang natakot ako at hindi ko na naisip na mababaw lang ang bahaging ito ng ilog." Sandali nitong nilingon ang kinabagsakan at muling ibinalik ang mga mata sa kanya.

Natigilan si Ella nang matitigan ito nang husto sa unang pagkakataon. She wasn't even a teen yet and honestly not interested in boys. Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi siya marunong kumilatis ng magandang lalaki kapag nakakakita siya ng isa.

And here was one good-looking boy. Matangos ang ilong, may makakapal na kilay, at may kaitiman. No... no. Hindi maitim kundi kayumangging kaligatan, ayon sa teacher niya na siyang kulay ng mga Pilipino. At partial siya sa mga dark-skinned boys. Iyon naman talaga ang kulay dapat ng lalaki—kayumanggi.

Tagasaan ba ito? Bakit sa nakalipas na halos dalawang buwang pagbabakasyon niya'y hindi niya ito nakatagpo? Taga-Rosario ba?

"Hindi ba't nagpasalamat ka na?" Bumaba ang tinig niya.

At ang isang bagay na napansin niyang maganda sa mukha nito ay ang mga mata nito, na hindi niya namamalayang kanina pa niya tinititigan nang matagal. She had never seen such gorgeous, dark brown eyes. Come to think of it, this boy had dark brown eyes. Kakulay ng tsokolateng inihahain sa kanya ng lola niya kapag hindi pa nalalagyan ng gatas ng kalabaw.

"Eh, mukhang hindi mo gustong tanggapin ang pasasalamat ko," he said with a shrug. Sandaling tila pinag-aralan nito ng tingin ang buong anyo niya.

"Dayo ka lang sa San Fabian, 'no?" Isinatinig nito ang ganoon ding hinala niya rito. Kung sa kabilang ibayo ito nanggaling ay malamang na taga-Rosario nga ito.

Almost A Fairy Tale  by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon