Chapter 13

20.4K 432 5
                                    

NANG makalabas siya ay hinanap niya si Duke at nakita niya itong nakatayo sa balkonaheng kawayan. Nasa pasimano ang umuusok na mug ng kape, na marahil ay pangatlong mug na nito. Nakatingin ito sa mga African lovebirds na nasa malaking hawla katabi ng mga hanging plants.

Nilapitan niya ito. Lumingon si Duke at sandaling humagod ang tingin sa kabuuan niya. "Bihis ka na pala."

She took a deep breath. There was something about those dark-brown eyes that lingered on her explicitly. "I'm... sorry."

He shrugged. Sumandal sa poste ng balkon. Inabot ang mug ng kape at humigop, pagkatapos ay, "Kahit naman sino ay mag-iisip ng tulad ng iniisip mo."

"Pero sadya mong hinayaang mag-isip ako ng ganoon. Ikinatutuwa mong nag-isip ako ng mali!"

Umangat ang mga kilay nito. "Picking a fight again?"

Umiwas ng tingin. Ano ba ang nangyayari sa kanya at tila yata umiiksi ang fuse niya?

"Salamat sa lahat ng ginawa mo. Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong ito para magpaalam sa iyo. Masyado na akong nakakaabala. Magkano nga pala ang babayaran ko sa doktor at sa kotse mo?" Binuksan niya ang bag niya upang dukutin ang wallet niya subalit inawat siya ni Duke.

"Forget it," he snapped. "Hindi pinababayaran ang tulong. At isa pa'y hindi ka nakakaabala. Ikinatutuwa ni Manang Salud na may dumarating na tao dito sa cottage."

She sighed. Muling isinara ang bag at tumingin dito. The man was really attractive. Tall, big body with massive chest. Sinewy arms, na nalalatagan ng mga balahibo hanggang sa bukana ng mga kamay. Iniisip niya kung ano ang pakiramdam kung makukulong siya sa mga bisig nito. Then there was the way he twitched his lips which was kinda sexy.

She took a breath. Kung magtatagal pa siya roon ay baka tuluyan na siyang maakit dito. At hindi kasama sa agenda niya iyon. Hindi pa nga siya nakaka-recover sa paghihiwalay nila ni Aldrin ay heto at natuon naman sa ibang lalaki ang pansin niya.

"Saan nga pala ang tungo mo?"

"San Fabian."

"Then you can't go."

She frowned. "Says who?"

"Ako mismo ang nagsasabi sa iyo. You can't leave yet, Miss Brillantes. Ang—"

"Watch me." She gave him a fake smile. Inayos ang shoulder bag sa balikat at binilisan ang mga hakbang patungo sa tatlong baitang na hagdang sementado. Nasa bungad na siya at nararamdaman niya ang anggi ng ulan sa balat niya na sinabayan ng malamig na hangin. Pinigil niya ang mangikig.

Her eyes surveyed the surrounding. She noticed the Ford Expedition. Pero wala ang Toyota Echo niya. Tila militar na nag-about-face siya.

"Where's my car?"

"Iyan ang gusto kong sabihin sa iyo. Ayaw mong makinig. And it's giving my ego a dent the way you always assume the worst in me," wika nito sa tonong nasasaktan na kasinghuwad ng mga mamahaling plastic flowers sa crystal vase na nasa ibabaw ng wicker table sa balkon.

She walked toward him. "Nasaan ang kotse ko?"

"Yuping-yupi ang harapan ng kotse mo. At dahil ako nama'y mapagsamantalang tao, ipinadala ko sa talyer para maayos."

Almost A Fairy Tale  by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon