Chapter 10

19.3K 427 3
                                    

DUKE watched her eat with fascination. Sa lahat ng mga naging bisita niyang babae sa cottage na hinainan ng tapa at daing na pusit, ang babaeng ito lang ang nagkamay. At hindi ito nagkukunwang mahinang kumain. Gayunma'y pino ang paraan nito ng pagkain.

Napansin marahil nito ang pagmamasid niya, nahinto sa ere ang pinirasong kamatis. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito. Pagkuwa'y niyuko nito ang pinggan at nilaro ng kamay ang daing na pusit.

"I-I'm sorry, nakalimutan kong may kasalo ako. Masarap ang almusal."

"Compliments of Manang Salud. At huwag kang mahiya. Dinadayo ng mga kaibigan ko ang tapang baka at daing na pusit niya."

Hindi ito kumibo at ipinagpatuloy ang pagkain. Nakadalawang subo na ito nang tumingin sa kanya. "What are you smiling at?" she asked, annoyed.

"Naaaliw akong pagmasdan ka sa pagkain mo ng kamatis. Ayoko rin ng hinihiwang kamatis. Mas gusto kong ako ang nagdudurog ng kamatis sa kamay ko. Mas masarap."

Sa pagkakataong iyon ay ngumiti ito, totoong ngiti. Suddenly, Duke realized, she was beautiful. Lalo na nang lumitaw ang biloy nito sa magkabilang pisngi.

Then she wrinkled her nose prettily. "Yeah. I hate it when they slice tomatoes. I enjoy watching the seeds squirt in my fingers."

He laughed. Nag-echo iyon sa buong komedor. "Pareho tayo." Dinampot niya ang mug ng kape at tahimik na humigop habang pasulyap-sulyap dito.

"Siyanga pala," binasag niya ang namagitang katahimikan. Tapos na sila parehong kumain at inuubos na lang ang kape. "Ako nga pala si Duke... Duke Natividad. Nandito tayo sa cottage ng grandparents ko."

"My name's—"

"Estrella Brillantes," he said, cutting her off. "Television scriptwriter."

Biglang nagdikit ang mga kilay nito. Ibinaba nito ang tasa sa platito. "How—?"

"Nakita ko ang station ID mo mula sa bag mo," he explained with a shrug. "Ipagpaumanhin mo. Naaksidente ka at kung nagkataong malubha ang naging pinsala mo ay dapat na alam ko kung sino ang maaari kong tawagan."

She relaxed a little. "So what happpened?"

"What do you mean? You had an accident. Binangga mo ang likuran ng sasakyan ko. Marahil ay naumpog ang ulo mo sa manibela."

She sighed impatiently. "I was referring to last night. Natatandaan kong may doktor na tumingin sa akin. I don't know what time in the night. Pero hindi naman talaga malinaw sa akin ang lahat. He might have given me something that made me feel so—"

"Binigyan ka ng sedative," dugtong ni Duke. "Para ka makapagpahinga sa buong magdamag."

Bahagya itong tumango, tumayo at lumakad patungo sa lababo at naghugas ng kamay, pagkatapos ay humarap sa kanya. "T-thank you," she murmured. "May... malaki bang pinsala ang sasakyan mo?"

Hindi agad siya nakasagot. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napuna niyang suot nito ang lumang abuhing UCLA shirt niya. He had never seen a woman that looked so sexy in an oversized shirt. Higit sa lahat ay T-shirt niya mismo.

She had no bra. At naaaninag ang dibdib nito sa manipis na kamiseta na natitiyak niyang hindi ito aware. He would have wanted to linger on her breasts but that would be too obvious so his eyes moved down.

Ang laylayan ng kamiseta niya ay bahagya nang tinakpan ang dapat takpan at nahantad sa kanya ang mga binti nito. She had a nice pair of legs that stretched forever. And she was barefoot. Her hair, a tangled mass of curls. No makeup. Tila yaong kababangon lang mula sa higaan matapos ang isang magdamag na pakikipagtalik.

His imaginations ran wild. What would it feel if those legs were wrapped around his... He reined his scandalous thoughts. Then he swallowed as he felt a stirring between his legs. Which was ridiculous and almost shocked him. Para bang ngayon lang siya nakakita ng magagandang binti.

Andto his consternation, sinundan ni Ella ang hinayon ng mga mata niya at niyukoang sarili.     

Almost A Fairy Tale  by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon