Chapter 24

24K 509 14
                                    

"NGAYON ka na aalis?" gulat na tanong ni Tiya Lucila nang makita siyang pababa sa hagdan bitbit ang maleta niya. "Akala ko ba'y sa makalawa ka pa babalik sa Maynila?"

"Oo nga naman, Ate Ella," segunda naman ni Alma. "Hindi ko pa nga naipakikilala sa iyo si Jorge. Kundangan ba naman kasi ay nataon pa sa pagtungo mo rito ang pag-uwi niya sa Pangasinan upang sunduin ang mga magulang."

Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya. "Tumawag si Brie, kailangan na niya ang script na ginagawa ko."

Sabay pang nagbuntong-hininga ang mag-ina. "Pero tiyakin mong narito ka ilang araw bago ang kasal ko, ha, Ate? Hindi ako papayag na hindi ikaw ang maid of honor ko."

"Pangako. I'll never miss it for the world." Lumakad siya palabas patungo sa nakaparadang kotse niya. Binuksan ang passenger seat at inilagay roon ang maleta.

"Eh, ikaw ba, hija? Hindi ka pa ba nagpaplanong mag-asawa?"

Bago siya makasagot ay naunahan na siya ng pinsan. "Eh, si Nanay naman. Alam n'yo namang nasa rurok ng tagumpay niya si Ate Ella. Paano niyan maiisipang mag-asawa? Ako man itong nasa kalagayan niya ay isasantabi ko na muna ang pag-ibig," may bahagyang pananaghiling sabi ni Alma.

She bit her lip to keep herself from sobbing. She would give up everything for Duke. Humugot siya ng pagkalalim-lalim na hininga upang paluwagin ang dibdib. Some things were never meant to be.

Isinara niya ang pinto ng kotse. "Tutungo ho muna ako sa ilog, Tiya... Alma."

"Hay, 'di ka pa rin nagbabago. Paborito mong puntahan ang ilog bago ka umalis," ani Alma. "Huwag kang magtatagal at baka abutin ka ng dilim sa daan."

Tinalunton niya ang makitid na landas pababa patungo sa ilog. Iniwas niya ang mukha sa matutulis na siit at dawag. She would miss this place. Kung taon ang binilang bago siya bumalik dito ay lalong higit ngayon.

Paanong ang isang lugar na malapit sa puso niya ay nagdudulot ng lahat ng kasiphayuan sa buhay niya? Paanong ang isang tulad niya na simple lang ang mga mithiin sa buhay ay lagi nang mailap ang kaligayahan?

Hinayaan niyang malayang umagos ang luha sa mga pisngi niya. Walang makakakita sa kanya sa gubat. Hello, dear heartache. Same time next year, we will be spending your anniversary.

Life would go on. Pero natitiyak niyang hindi niya magagawang limutin ang pinakamapait na kabiguang ito sa buhay niya sa susunod na mga buwang darating.

Ilang minuto pa'y bumungad na sa kanya ang ilog. Subalit dahil sa nakalipas na pag-ulan ay umaapaw ang tubig niyon. Ang dating mga batuhan ay hindi na niya matanaw. Katunayan ay basa ang mga damong inaapakan niya, nangangahulugang kahit sa taas na iyon ay inabot ng tubig.

Ipinasya niyang maupo sa damuhan. Nagsisikip ang dibdib na tinanaw ang ilog. Her fingertips wiped the tears from her cheeks. Nag-flash sa isip ang batang nahulog sa kabilang pampang at tuloy-tuloy sa mababaw na tubig.

A poignant smile touched her lips. Kung ngayon mahuhulog ang batang iyon ay malamang na malulunod. Dahil sa pag-ulan ay malamang na lampas tatlong tao ang tubig ngayon.

Pero ang batang iyon ay hindi na bata ngayon. Katunayan ay baka tapos na ang kasal nito at ni Crissa. This time, she brushed her tears off angrily.

She came here to heal a broken heart. Only to come home with her heart shredded to pieces. Hindi niya alam kung kaya pa niyang pagtagni-tagniin ang mga piraso ng puso niyang nasaktan.

Almost A Fairy Tale  by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon