Chapter 22

19.2K 419 3
                                    

"SEND in the next patient, Maris," ani Jerry sa intercom nang makalabas ang pasyente. Hindi pa halos lumalapat ang pinto ng silid ay muli iyong bumukas.

"Good morning, Jerry."

He frowned. Then he tensed. "What are you doing here, Crissy?"

A soft smile curved her lips. Umupo ito sa harap ng mesa niya. "You are the only one who calls me 'Crissy.' Kahit noong maliliit pa tayo."

"If this is a social visit, please..." Sumeryoso ang tinig niya, "wala akong panahon, Crissa. Maraming pasyente sa labas."

"Nagpalista at pumila ako, Jerry."

"I can't indulge any of your whims and caprices now, Crissa. May mga taong may sakit na kanina pa nasa labas." Muli niyang pinindot ang intercom. "Maris, nasaan ang kasunod na pasyente?"

"Si ma'am Crissa po ang kasunod, Doctor. Isang oras na po siya rito sa labas."

He looked at her. She wasn't smiling. But her eyes sparkled in triumph.

"Kasama mo ba si Duke?" tanong niya sa pormal na tinig.

Umiling ito. "Sa palagay mo ba ay pipila si Duke kung kasama ko siya?"

Defeated, he looked at her. "Ang mommy mo?" Umiling ito. He almost groaned. "So. What is it, Crissa?"

"I hate it when you used that tone to me, Jerry." She sighed, then, "I am having this terrible pain in my heart—"

Napatayong bigla si Jerry. "Bakit hindi mo agad sinabi?" Mabilis siyang umikot sa kinauupuan nito. "And why the hell Duke wasn't with you?" Hinawakan niya ito sa braso at inalalayan patungo sa examination bed. "Mahiga ka at titingnan kita."

Subalit hindi tumitinag sa tabi ng gurney si Crissa. Her sad eyes were on him. Hinawi nito ang stethoscope na akma niyang ilalagay sa dibdib nito.

"W-what's wrong? Akala ko ba'y—"

"I am not ill. Physically, at least. At alam na nating lahat ang tungkol sa rheumatic heart ko."

"Crissa... ano ba ang—"

"It's three days to my wedding, Jerry..."

Natilihan siya. Then his shoulders sagged. "We all know that. And you are not suppose to be driving by yourself. Sabi ng mga matatanda ay lapitin sa aksidente ang mga ikakasal."

"You don't believe that, do you?" She smiled drily. Pagkatapos ay muli itong nagbuntong-hininga. "Iyong... iyong sinabi ko sa iyo noong gabing ihatid mo ako sa bahay, natatandaan mo ba iyon?"

Muli ay natigilan siya. Paano niyang malilimutan iyon? Ilang araw at gabing iyon na lang ang laman ng isip niya. Naggalawan ang mga bagang niya at mataman itong tinitigan.

"Go home, Crissa. Ipahinga mo ang katawan at isip mo."

"Nakataya sa sinasabi ko sa iyo ang kaligayahan nating lahat, Jerry."

Naningkit ang mga mata niya. Mahigpit niya itong hinawakan sa mga balikat. "No, Crissa. Kaligayahan mo lang ang iniintindi mo. Ginagamit mo ang karamdaman mo para manipulahin ang lahat sa paligid mo!"

"S-sinasaktan mo ako, Jerry," padaing nitong sabi, tears pooled in her eyes.

Agad niya itong binitiwan. He muttered an oath. Tumingala sa kisame at hinagod ang batok at humakbang palayo rito.

"Go home, Crissa."

"You are a coward, Jerry. You always were. Dahil lang higit na nakaaangat sa kabuhayan si Duke ay pinanatili mo nang inferior ang sarili mo!"

Hindi makapaniwalang nilingon niya ito, part of it hit home. "Duke and I were more than friends!"

Sadness crossed her eyes that almost broke his heart. "Tulad din namin ni Duke," she whispered painfully. Pagkatapos humugot ng malalim na hininga ay tinungo ang pinto.

Nasa pinto na ito nang lingunin siya. "There will never be another chance, Jerry. It is now or never."

Ilang sandali na itong nakalabas ay nakatitig pa rin siya sa pinto. Nang tumunog ang intercom ay nanlulumong inilugmok niya ang sarili sa swivel chair.

"Papasukin mo na ang kasunod na pasyente, Maris."

Almost A Fairy Tale  by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon