Chapter 8

19.9K 415 1
                                    

"DUKE!" manghang bulalas ni Manang Salud nang sa pagbukas nito sa pinto ng cottage ay mabungaran siyang may pangkong babae. "Ano ang nangyari at sino ang babaeng iyan?"

"Aksidente, Manang Salud..." aniya, tuloy-tuloy sa loob ng bahay. "Mabuti na lang at narito kayo. Pakihanda ninyo ang isang silid."

Mabilis na sumunod si Manang Salud at halos takbuhin ang patungo sa silid at binuksan ang pinto niyon para sa kanya. Maingat itong inilapag ni Duke sa kama. Again, she moaned.

"Punasan ninyo siya, Manang, at pakipalitan na rin ng damit. Kumuha kayo ng T-shirt ko sa kabilang silid. Tatawagan ko si Jerry."

Bumalik siya sa sala at tinungo ang kinalalagyan ng telepono. He dialed Jerry's number. Ang kababata at kaibigan niya na isa nang doktor ngayon. Wala na itong clinic sa ganitong oras at umaasa siyang nasa bahay na ito.

Ilang sandali pa'y dumating si Jerry at iginiya niya ito sa kinalalagyan ng pasyente.

"Ano ang lagay niya?" tanong kaagad ni Duke nang lumabas sa guest room ang kaibigan.

"She has a slight concussion, Duke. But don't worry, I believe she is going to be fine. Kung ang pagbabasehan ay ang hindi tuluyang pagkawala ng consciousness niya." Tinapik siya nito sa balikat. "Obserbahan na lang natin siya sa susunod na dalawang araw."

Nakahinga siya nang maluwag. "Nag-aalala akong baka mali ako ng sapantaha at dapat ay sa ospital ko dinala kaysa rito."

"Lahat ng symptoms ay nagpapakitang wala siyang tinamong pinsala. Actually ay nagkamalay na siyang tuluyan kanina nang pasukin ko. I assured her she'll be fine. Ipa-warm compress mo na lang kay Manang Salud ang bukol niya sa noo."

"Maaari ko ba siyang makausap?"

"Let her rest. Binigyan ko siya ng sedative. Bukas na siya magigising."

"Thanks, pare."

Sadyang tumikhim ito. At isang makahulugang ngiti ang agad niyang nakitang gumuhit sa mga labi ng kaibigan. "Natitiyak mo bang hindi mo kilala ang pasyente?"

He frowned. "What made you ask that?"

Nagkibit ito ng mga balikat. "Pakiramdam ko ba'y matagal mo nang kilala ang pasyente. Ngayon lang kita nakitang nag-alala nang ganyan. The last time I saw you got so worried was two years ago when your grandmother had a heart attack."

"Hindi ko alam kung ano ang gusto mong sabihin," he said. "Pero kung nakita mo ang likuran ng Ford ko ay masasagot iyang tanong mo kung bakit nag-aalala ako nang husto."

"Yes, nakita ko na kaninang dumating ako. Pero ikaw mismo ay nag-isip na hindi naman ganoon kalubha ang pinsala ng babae. Kaya walang basehan ang labis mong pag-aalala."

"I am responsible for her, for Pete's sake! Kausap ko si Crissa sa mobile ko nang bungguin niya ako. And besides..." He shrugged, "nakatagpo ko na siya bago nangyari ang aksidente."

"I thought so. Pare, alalahanin mong ilang araw na lang ay—"

"Hindi sa paraang gusto mong isipin." Inunahan na agad niya ito ng paliwanag. "Kaninang palabas na siya sa McDonald's sa bayan ay nabangga niya ako at natapunan niya ako ng soft drinks na bitbit niya palabas."

"Oh." Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Jerry. "Hindi na ba talaga nagbago ng paraan ang mga babae? Minsan, gusto kitang kainggitan, pare."

He grinned. "Believe me, iyan din mismo ang naisip kong motibo niya kanina. I thought it was a ploy. Tulad ng ginagawa ng ibang babae kapag gusto nila akong makilala..."

"And you were wrong?"

He chuckled. "Yeah. And I acted like a jerk. You should have seen the look on her face. Para siyang tigre. Kaya nga nag-iisip ako kung paano ko siya pakikiharapan bukas. Natitiyak kong makikilala niya ako."

"Well, you saved her life."

Nagkibit siya ng mga balikat. Nasa balkon na sila at bagaman umuulan pa rin ay hindi na gaanong malakas.

"Kumusta nga pala si Crissa?" pag-iiba nito ng usapan.

"Hindi pa kami gaanong nagkakausap mula nang sunduin ko sila ng mama niya noong makalawa sa airport. Pero ikaw ang agad niyang kinumusta. Nagtatampong hindi ka man lang daw tumawag sa dalawang buwang nasa America siya."

Ngumiti lamang ito. Ngiting hindi naman umabot sa mga mata. At kung wariin ay biglang may gumuhit na lungkot sa mga mata nito. At hindi iyon nakalagpas sa paningin ni Duke.

"What?" tanong niya rito.

"What what?"

"Oh, come on. May problema ka ba?"

"No, wala. It's just that I don't know if I'd be happy or sad. Or I'd be corny." He gave a little chuckle. "Parang kahapon lang magkakalaro lamang tayong tatlo nina Crissa. At ngayon..." He sighed, "in less than two weeks ay ikakasal na kayo. I always knew she was the right one for you, pare. I'm proud and I'd be the happiest best man on this planet on your wedding day. If only..." His voice trailed off.

Duke's smile didn't reach his eyes. "I know, pare. If only Crissa's in the pink of health. Pero wala tayong magagawa, mula pagkabata'y taglay na niya ang sakit niya sa puso. Pero tiniyak naman ng mga doktor, kabilang ka na roon, na kung naalagaan ni Crissa ang sakit niya ay wala namang panganib."

Tumango ito. "Paano? Kailangan ko nang umalis. Baka magkaiyakan pa tayo," natatawang wika nito.

"Thanks again."

"Ipatawag mo na lang ako ano mang oras kapag kailangan," ani Jerry bago mabilis na tinakbo ang sasakyan para hindi gaanong mabasa.

Almost A Fairy Tale  by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon