Chapter 21

18.9K 443 14
                                    

PAGKATAPOS kumain ay inayos na ni Ella ang mga gamit at pagkatapos ay bumaba at tinungo na ang nakaparadang sasakyan. Inihatid siya sa labas ng dalawang babae.

"Kayo na po ang bahalang magsabi kay Don Alfonso," bilin niya at pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan palabas sa garahe.

Mula sa sideview mirror ay natanaw niyang malungkot na kumaway si Crissa. Hindi niya iyon naiintindihan. It wasn't as if they were really that close.

She sighed. Sinikap alisin sa isip ang mga Natividad. Ilang sandali pa'y nasa daan na siya palabas ng Rosario. Makalipas ang kalahating oras ay tinatawid na niya ang tulay na ang tubig ay hanggang sakong na lang. May mangilan-ngilang sasakyan siyang nakakasabay.

Nasa kabila na siya ng tulay nang makarinig ng sunod-sunod na busina. Bahagya na niyang tiningala ang rearview mirror at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Nagulat pa siya nang makita ang pagtapat ng sasakyan ni Duke sa kanang bahagi niya at sinesenyasan siyang itabi niya sa daan ang sasakyan niya.

Hindi niya gustong huminto. Pahihirapan lang niya ang sarili pero natitiyak niyang susundan siya ni Duke kahit hanggang sa bahay ng lola niya sa San Fabian. Minabuti niyang ihinto sa tabi ang sasakyan niya at pagkatapos ay bumaba. Isinandal niya ang sarili sa pinto ng Toyota Echo habang hinihintay ang pagparada nito sa likuran ng sasakyan niya at ang pagbaba.

Humakbang ito palapit sa kanya subalit mabilis niyang inawat. "Don't, Duke, please. Hanggang diyan ka na lang."

Itinulos ito sa pagkakatayo sa tabi ng malaking four-wheel drive. "You didn't even say good-bye," akusa nito.

She looked at his tormented face. "Leave me in peace, Duke. Nakikiusap ako sa iyo."

"I love you, Ella, as I have never loved a woman before."

She sucked in painful breath. Kailan pa naging masakit pakinggan ang paghahayag ng pag-ibig ng isang iniibig?

"That's sad," wika niya sa bale-walang tinig, sinisikap itaas ang mukha rito. "Because I don't feel the way you do. Kaya hayaan mo na akong umalis, Duke. Maraming panahon na ang nawala sa akin. Ayokong mademanda dahil hindi ako tumupad sa kontrata."

"Nagsisinungaling ka, Ella! Hindi iyan ang nararamdaman ko mula sa iyo at lalong hindi iyan ang nakikita ko sa mukha mo. Naghihirap ka ring tulad ko."

"How arrogant!" She faked a sneer. "Go home, Duke. Nagsasayang lang tayo ng panahon. Inaabala mo rin lang ako." Pagkasabi niyon ay muli niyang binuksan ang pinto ng kotse niya.

"Gusto kong ipaglaban ang damdamin ko sa iyo, Ella, habang hindi pa huli ang lahat. Pero hindi ko magagawa iyon nang nag-iisa. Kung hindi mo aaminin sa akin ang damdamin mo!"

Nilingon niya ito. She smiled at him, a kind of smile that broke his heart. "Good-bye, Duke." Pumapasok siya sa kotse nang marinig niya ang sigaw nito na sandaling ikinatigil niya.

"I owe you a wish, Ella! Say it now! Anything you wish for and it will be granted. Kahit ang inaakala mong imposible kong gawin!"

There was a desperation in his voice, and a solitary tear made its way down to Ella's cheek. Pumasok na siya sa loob ng kotse bago pa siya ipagkanulo ng damdamin niya.

Almost A Fairy Tale  by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon