Chapter 14

19.7K 403 1
                                    

"I DON'T believe this is really happening to me, Brie. I'm trapped. Wala ang sasakyan ko, umaapaw ang tulay, so I can't go anywhere!"

"Nasaan ka 'kamo?"

"Sa isang cottage sa Rosario. The cottage actually is a vacationist's dream. Nakatanaw ito sa dagat na sa kasalukuyan ay nag-aalimpuyo ang malalaking alon at ang mga puno ng niyog ay tila mabubunot mula sa lupa ano mang sandali..."

"Why, that's wonderful! Habang hinihintay mo ang kotse mo at ang paghupa ng tubig sa tulay, you can start writing!"

She rolled her eyes. Expect her stepmother to come up a solution to any circumstances no matter how bad it would seem. Muli niyang sinilip ang harap ng cottage. Natatanaw niya ang pagsasayaw ng mga palapa ng niyog dahil sa lakas ng hangin.

"Sinubukan kong dugtungan ang natapos ko na, Brie," she said with a sigh. "Pero isang oras na ako sa harap ng computer ay hindi pa rin ako makapag-isip..."

"You should be thankful na kahit bumabagyo diyan ay may koryente. At pinapaalalahanan kita, mayroon ka na lamang sandaling panahon na natitira. Hindi mo gustong mademanda tayo. Tinanggap mo na ang kalahati ng bayad. Anyway, what about this man—I mean, this Duke?"

"What about him?"

"Is he cute?"

"Cute is for dogs and cats, and babies, Brie," matabang niyang sabi. Duke's image flashed her mind. She would hardly consider him cute.

"You're a writer, Ella. Madali para sa iyong mag-switch ng plot. Bakit hindi mo subukang bumuo ng ideya mula sa pagtatagpo ninyo ng lalaking iyan?" suhestiyon nito.

"You know I can't. Naka-fixed na ang role na ginagampanan ng mga tauhan."

"Use your imagination, for Pete's sake!" giit ni Brianna. "Kaya mong gawan ng paraan iyan."

"The man has an attitude, Brie."

"Yet he offered you shelter? Ano ka ba naman, Ella," Brianna said in a reprimanding tone. "After Aldrin, nawala na ang matinong pangmalas mo sa tao. Tell me, hero material ba ang Duke na ito?"

Ilang sandali ang pinalipas niya bago sumagot. "The total cliche. Tall, six footer maybe, dark and handsome. Hindi ko man gustong aminin, tama ka, he is a hero material." Then she sighed. "Pero hindi ba't ganoon din naman si Aldrin? Kung tutuusin ay nakalalamang si Aldrin kay Duke dahil sa una pa lang naming pagkikita ni Aldrin ay sweet at maalalahanin na sa akin—"

"Na isang patibong," pagtatapos nito sa sinasabi niya. "Who knows, this Duke might be a better person than Aldrin The Asshole."

Napasandal siya sa pasimano ng bintana. "I doubt it," she said, more to herself. "Anyway, sisikapin kong matapos sa susunod na tatlong araw ang script. I'll call you."

She hung up. Pagkatapos ay humakbang siya patungo sa bintana na nakatanaw sa delantera ng cottage dahil narinig niya ang pag-andar ng makina ng Expedition.

Sa covered garage, nakita niyang nakabukas ang hood ng sasakyan at nakatuon ang pansin ni Duke sa makina. He was naked from the waist up. Naka-denims shorts ito at nakahantad sa kanya ang katawang pagnanasaan ng kahit na sinong babae. Kasali na siya, she thought with a pang.

Pagkuwa'y nag-angat ito ng mukha at tumingala sa bintana. Binalak niyang umalis sa pagkakapanungaw pero huli na. He smiled at her, a smile that made her heart go bang. Wala itong sinabi at pagkatapos ay muling itinuon ang atensiyon sa makina ng sasakyan.

Umalis siya mula sa pagkakapanungaw at napabuntong-hininga. Naiinis siya kay Duke pero hindi niya maikakaila sa sarili ang nadaramang atraksiyon para dito. Hindi siya ang uri ng taong agad na nabibighani sa lalaki sa una pa lang pagkikita. Kahit kay Aldrin ay isang buwan muna ang lumipas bago tuluyang nahulog ang loob niya rito.

At kahapon lang ay natitiyak niyang patuloy pa siyang namimighati sa paghihiwalay nila ng kasintahan.

Muli siyang nagbuntong-hininga at nilapitan ang laptop. Sinikap na makapagsulat kahit na ilang parapo man lang.

Almost A Fairy Tale  by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon