Chapter 18

19.3K 431 1
                                    

ANG PLANO ni Ella na umalis na at tumuloy sa San Fabian ay hindi nangyari. At hindi rin niya makuhang bumalik na lang sa Maynila. Mahigpit ang anyaya ni Doña Carmen na manatili na muna siya sa mansiyon habang hindi pa tiyak kung maaari nang tawiran ang tulay.

"May tatlong palapag ang mansiyon, hija, at marami ang silid na hindi nagagamit. Kung privacy lang ang kailangan mo'y walang aabala sa iyo sa bahay. Maaari kang mamili ng silid na gusto mo."

"Pagbigyan mo na si Lola Carmen, Ella," nakangiting sabi ni Crissa. "Bibihirang magyaya ng bisita sa bahay iyan." Nilingon nito si Duke na pababa ng hagdan. "Let's go, Duke. Baka nainip na si Madam Soller sa atin. Ngayon ang final fitting ng damit ko."

Kinuha ni Duke ang susi ng Expedition sa ibabaw ng coffee table at sinulyapan si Ella. But she refused to meet his eyes. "Nasa ibaba na ang kotse mo. Inihatid kanina ng latero," wika nito. Tumango siya at umusal ng pasasalamat pero hindi tumingin dito.

"Iniimbitahan ko siyang sa bahay na manatili, apo," ani Doña Carmen. "Habang hindi pa natin natitiyak kung walang pinsalang ginawa sa tulay ang nagdaang baha."

From the corner of her eyes, Ella saw him stiffen. Then, "Hindi natin dapat abalahin si Ella, Grandma. Baka may iba siyang plano. Pauwi siya sa San Fabian."

"Nariyan lang ang San Fabian, hijo," mabilis na sabi ng matanda. "And how could you have let her stay in this cottage alone, Duke?"

"Katunayan ay nagpapasalamat po akong nakatuloy ako rito, ma'am," she said quickly. "At kung nasa ibaba na ang kotse ko'y maaari na akong bumiyahe pabalik sa Maynila..."

"That's nonsense! Bakit kailangan mong putulin ang plano mong pagtungo sa San Fabian dahil lang sa inapawan ng tubig ang tulay na bukas-makalawa'y huhupa na? At sa loob lamang ng kalahating oras ay nasa San Fabian ka na."

At bago pa may makatutol ay agad nitong dinugtungan ang sinabi. "Lumakad na kayong dalawa at baka nainip na ang modista sa inyo. Maiwan na kami rito ng lolo mo, Duke. Isasama na namin itong si Ella pauwi sa mansiyon."

"Oh, please, I don't want to impose on—"

"It is not an imposition, Ella," giit ni Doña Carmen. "I am inviting you as my guest. Hindi araw-araw ay nakakadaupang-palad ko ang aking hinahangaang manunulat sa television. Hindi ba, Alfonso?"

"Don't break her heart," amused na sabi ni Don Alfonso, then winked at her. "She's a fan. Noon pa man ay pinupuri na niya ang magandang kasaysayang pinapanood niya sa television. At nang manalo ang kuwento mo bilang best story ay ganoon na lang ang tuwa niyang esposa ko."

Crissa laughed softly. "Not to mention that I am a fan, too, Ella. Gusto kong magkaroon pa tayo ng mahabang pagkakataong makapag-usap, kaya sana'y pumayag ka na sa imbitasyon ni Lola Carmen."

Napatingala siya kay Duke na nakatitig sa kanya. Pero walang emosyong ibinabadya ang mga mata nito. Muli niyang tinitigan si Doña Carmen na umaasam ang mga mata.

"Kung... kung hindi makakaabala sa inyo."

Almost A Fairy Tale  by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon