Chapter 7

19.6K 428 8
                                    

NANG mag-ring ang cell phone ni Duke na nasa dashboard ay agad niyang dinampot iyon at binagalan ang pagpapatakbo.

"Oh, hi, honey..." sagot niya nang marinig ang tinig sa kabilang linya. Sinipat niya ang dadaanan dahil masyadong malakas ang ulan. Minabuti niyang ihinto muna sa tabi ang sasakyan at makipag-usap sa kasintahan.

"Hi, sweetie," malambing na sabi ng nasa kabilang linya. "Nasa mansiyon ka ba o nasa cottage?"

"Patungo ako sa cottage, sweetie," aniya. "Iniwan ko roon kanina ang mga imbitasyon. Huwag kang mag-alala, I'll get home—" Hindi niya natapos ang sasabihin, tumilapon mula sa kamay niya ang cell phone niya kasabay ng pag-uga ng buong sasakyan niya at ang paglalapat ng bakal sa bakal.

May ilang sandaling pinakiramdaman niya ang sarili. At nang matiyak na bahagya lang siyang nauga ay dinampot niya ang cell phone at nagpaalam sa kasintahan matapos sabihin dito na walang masamang nangyari at na dumulas lang sa kamay niya ang cellphone.

Nagmadali siyang lumabas. He was too angry to notice the heavy rain. Huwag nang sabihing kanina pa rin naman siya basa. Wala pang apat na buwan ang Ford Expedition niya at ngayon ay biglang binangga ng kung sino man ang likuran niyon.

"Dammit, mapapatay ko ang—" Naputol ang sinasabi niya nang bumungad sa kanyang paningin ang dilaw na Toyota Echo na nakasuro sa likuran ng sasakyan niya.

Kumunot ang noo niya at sinipat na maigi ang sasakyan. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang kotse ng babaeng nakabungguan niya sa McDonald's. Walang maraming ganitong uri ng sasakyan sa Rosario at San Fabian dahil hindi praktikal ang ganoong sasasakyan sa kanilang lugar.

Agad na kumabog ang dibdib niya nang maalala ang driver. Agad siyang humakbang patungo sa unahan ng kotse. Ni hindi niya maaninag sa harapang salamin ang driver dahil sa lakas ng ulan. Binuksan niya ang pinto at lihim na nagpasalamat na hindi iyon naka-lock. Nakalugmok sa manibela ang driver. Hindi ito gumagalaw. His stomach contracted.

"Miss..." tawag niya kasabay ng paghawak sa balikat nito. When she didn't move his stomach tightened another notch.

Bigla ang pag-ahon ng takot sa kanya. Nakita niyang malalim ang yupi ng harapan ng Echo na sumuro sa likurang bumper ng Expedition. Hindi niya gaanong naramdaman ang impact ng pagkakabunggo dahil malaki ang sasakyan niya. But what about this small car's driver?

"Miss!"

Maingat na iniangat niya ang mukha ng babae. May pasa ito sa kaliwang bahagi ng noo—na malamang na tumama sa manibela. Sinuri ng mga mata niya ang loob ng kotse at pagkatapos ay ibinalik sa driver. Bukod sa pasa sa noo ay wala naman siyang nakitang iba pang pinsalang tinamo nito.

Napaungol si Duke nang makitang hindi ito naka-seat belt. Some drivers were really stupid. Tulad ng isang ito. Baka may internal damage ang babae at mapapasama kung gagalawin niya.

For Pete's sake! Don't assume the worst. Ang harapan lang ng kotse niya ang napinsala! kausap niya sa sarili. Besides, she couldn't have driven that fast in this rain.

"Miss..." Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at isinandal sa headrest.

Umungol ito subalit nanatiling walang malay. Pinilit niyang buksan ang mga talukap ng mga mata nito. Her eyelids were normal. Her breathing was normal, too. Bahagyang nabawasan ang takot at pag-aalala sa dibdib niya.

For a moment he stared into her face. Kahit sa pagiging walang malay ay nakakunot ang noo nito. Tulad din ng anyo nito kanina habang nakatitig sa kanya.

Hindi ito kagandahan pero maputi at makinis ang kutis nito. May katamtamang tangos ng ilong. Though her lips were something else. The lower lip just a little fuller than the upper, the kind of mouth that made a man want to taste that faint of a pout.

The first that he noticed about her at the food chain was her mouth. The way she pouted sexily. But he had been a jerk. Dahil iniisip niyang sinadya nitong sagihin siya. Hindi ito ang unang gumawa niyon para lang makilala siya.

In fact, nang malingunan niya ito sa parking lot ay inaasahan na niyang babatiin siya nito, ngingiti, hihingi ng paumanhin. The usual ploy. Pero hanggang sa makaalis siya ay nanatili itong nakatayo roon, sa gitna ng ulanan. Kung nakamamatay ang titig nito sa kanya ay tumumba na siya sa tabi ng sasakyan niya.

Nang nakasakay na siya ay gusto niyang pagsisihang hindi siya nakipagkilala. Perhaps he had been wrong. Marahil ay talagang hindi sinasadya ang pagkakabunggo nito sa kanya.

And now he was given the chance to meet this tigress of a woman. Pero hindi niya gustong makilala ito sa ganitong paraan. What if she was truly hurt?

He sighed. Binuhat niya ito palabas sa kotse nito. Again, she moaned. Ikinagagalak ni Duke na hindi ito tuluyang nawalan ng malay.

"Sshh. It's all right. You're gonna be all right, princess. I promise."

Almost A Fairy Tale  by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon