Saskia

63 3 0
                                    

Prologue (August 2005)

Ginising ako ni Kuya Damon. Pagkakita ko sa muka nya, alam kong may mali. Umiiyak sya habang nakatingin saken.

"Saskia.." garalgal ang boses.

Bumangon ako at kinusot kusot ang mata. Pagtingin ko sa bintana, madilim pa.

"Baket Kuya? Anlaki laki mo na, binabangungot ka pa?" pang aasar ko sakanya. Pero di sya naasar, tumingin lang sya saken habang tuloy-tuloy ang agos ng luha sa mata. "Ano ba Kuya Damon! Ginis-"

"IIWAN NA TAYO NI MAMA!!"

Napatigil ako, pero natawa. Nagalit sya at niyugyog ako.

"Hindi mo ba ko naintindihan?!" tinignan ko sya ng masama.

"Imposible, Kuya. Kahit kelan hindi tayo iiwan ni Mama. Mahal nya tayo!! Hindi katulad ni Pa-" naputol ang sasabihin ko dahil narinig ko sa baba ang malakas ng pagsara ng pintuan at ilang sandali lang, sumunod ang tunog ng sasakyan.

Napatalon ako sa kama at madapa-dapang tumakbo pababa, Habang sumisigaw ng,

"Mama!! Wag mo kame iiwan!! MAMA!!" pagdating ko sa labas, usok ang sumalubong saken at rinig na rinig ko habang papalayo saken si Mama.

Hinabol ko si Mama kahet alam kong di ko sya maaabutan. Pero nadapa ako. Wala na si Mama, iniwan na nya kame. Tuluyan akong napaiyak. Narinig kong may palapit saken at tumingala ako, umaasang si Mama yun. Pero si Kuya Damon pala, tinignan nya ako. Umiiyak din sya pero binuhat nya ako pauwe sa bahay. At habang papalapit kame sa pinto, alam kong pag pumasok kami sa loob, tuluyan ng magbabago lahat.

CHAPTER ONE (Present day, June 2014)

Fifth day of school. Meaning, Friday na pero wala parin akong napapala sa first week. Second year college na ako. Magte-twelve fifteen na nung nagmamadaling pumasok ang prof sa room namen. Nakuha nya ang atensyon ng karamihan lalo ang mga lalake dahil maganda sya at bata.

"Pasensya na late ako. Ako nga pala ang prof nyo sa Biology. At dahil first meeting naten, gusto ko munang magpakilala kayo dito sa harapan." nakangiti nyang sabe.

Napataas ang kilay ko. Aba. Magaling toh ah. Pero simula na nung Monday pa namen ginagawa yun kaya nagsalita ako.

"Kilala na namen ang isa't isa kaya hindi na yun kailangan. Ang gusto namen magturo ka para may mapala kami ngayong linggo na toh." lahat ay napalingon saken. Pati yung prof. Pero magaling sya, hindi nagpadala.

"Pero hindi ko pa kayo kilala eh. Tutal ikaw ang may lakas ng loob magsalita, mauna ka na dito sa harap at ipakilala ang sarili mo." utos nya.

"Ayoko." simpleng sabe ko. Pereo nainis sya.

"Ipapakilala mo sarili mo o ida-drop kita? Major mo ako"

"Aba. Nagmamatapang. Di mo nako kailangan i-drop dahil ako mismo magda-drop ng sarili ko ngayon din. Walang kwenta!" kinuha ko ang bag ko pero bago ako umalis ng room.. tinignan ko sya. "At Prof, sa susunod, pantayin mo ang eyeliner mo." inirapan ko sya tapos umalis nako.

Hay. I'm such a bad girl. Haha! It's what I do best. Wala akong pinipili pagdating sa tarayan. Ako ang pinanganak para sirain ang araw at gabi mo. Wahahah! Pagliko ko sa hallway, nakita ko si Julia, yung feeling maganda na SG President, na kausap si Kathryn, ang resident weirdo dito sa college namin. Halatang kanina pa sila nag-uusap dahil panay ang tingin ni Kathryn sa relo nya.

"Atsaka gusto ko yung gaganapin na party blah blah blah tapos yung music paki-asikaso mo narin. Si Emmy na yung sa blah blah blah.." mabilis na sabi ni Julia. Nabwiset ako kase ang ingay nila kaya pumagitna ako sakanila. "Saskia! Bastos ka talaga! Kita mong nag-uusap kame ni-"

"Wait. Sino kaya saten dalawa ang mukang mas bastos kapag pinakalat ko dito sa school yung mga pictures at vid--"

"NO! Don't you dare!" sigaw nya.

"Haha! Try me?" paghahamon ko sakanya. Pag sinabe ko, gagawin ko talaga. Alam nya yun kaya takot na takot syang tumingin saken.

"Please. Please, I'll do anything. Just leave me alone. Please." nagmamakaawang sabe nya.

"Anything? Hm. Let's see. Wag kang feeling maganda. Ang pagandahin mo itong college. Ito may pag-asa pa, ikaw wala na." inirapan ko sya. Tumakbo syang umiiyak.

Weak. Natawa ako tapos masayang naglakad palayo. May bumangga saken. Dalawang babaeng naghaharutan. Tinignan ko sila ng masama. Pero palaban yung isa.

"Paharang-harang ka kasi eh." sabi nya.

"Oo nga eh. Tanga-tanga ko, akala ko kasi dingding kayong dalawa eh sasandal sana ako."

"Aba! Gaga toh ah!" nagets nya agad yung 'dingding' haha parehas kasi walang boobs.

"Tinuruan ba kayo ng parents nyo ng right manners? Na kapag may kausap, wag nakatalikod. Ay! Oops. Sorry. Nakaharap pala kayo. Akala ko kase likod nyo eh. Parang parehas lang kasi. XD Totoo ba na kapag flat-chested ka, kapag yumuko ka ang makikita mong umbok yung tuhod mo?" tumingin ako sa chest nya. "Looks like it." tinabig ko sila at dumaan ako sa gitna.

Di ako takot sakanila. Wala namang binatbat mga iyan. At firstyear siguro yun dahil hindi nila ako kilala, peymus ako eh. Bad-girl eh, pero siguro ngayon alam na nila kung sino ako. Naglalakad ako sa quadrangle ng may tumigil sa harap ko.

"Ate, anong oras na po?" Freshie din toh

"Di mo ko kapatid. At hindi ako pinanganak para pagtanungan mo lang ng oras. Nakikita mo yun?" tinuro ko yung wall clock sa corridor. "Yun ang tignan mo. Matuto ka tumingin ng orasan. Gradeschool palang tinuturo na yan." iniwan ko na sya. Pero di pa ko nakakalayo, may kumalabit saken. Paglingon ko, si Kathryn pala.

"Salamat, Saskia." sabi nya.

"Eh?" weird talaga. "Para saan?"

"Wala wala! Nakita mo ba si Prof Movida?" tumingin tingin pa sya sa paligid.

"Tingin mo saken, GPS?" inirapan ko sya at umalis na ako para umuwi sa boarding house.

SaskiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon