Dahil mas gusto ko bumyahe ng gabe, at para sigurado akong wala sa boarding house si Kendra, nag-ayos na ako. Nung umalis ako ng bahay, sinigurado kong nasa akin yung susi.
Dumaan muna ako dun sa mga bilihan ng pasalubong. May free taste ng yema. Kumuha ako tapos kinain, syempre alangan titigan ko yun. Masarap. Pero kung anong tamis ng yema, napakaasim naman ng mukha ng tindera.
"Ano sayo?" medyo masungit na tanong nya. Nung humakbang sya sa ilaw, nakita at mas lalo kong na-distinguish ang mukha nya. Ang asim na nga ng timpla ng mukha, hugis mangga pa. Alamo yun, haha xD yung medyo mahaba baba. Deadly weapon ba.
"Eto," inabot ko sakanya limang supot ng yema. "Eto pa," abot ng anim na supot ng pastillas tapos dalawang garapon ng home-made cookies. "Tsaka eto," nakita ko kasi yung chocolate-soaked marshmallows.
Natagalan sa pagko-compute yung babae. Tuwang-tuwa naman ako. :D
"344 lahat." sabi nyang may irap pa. Hindi ako nagpatalo, dahil halatang mahina sa Math, binigyan ko sya ng 1000 bill. :D
Kitang-kita ko yung panggiggigil nya dahil halos malukot yung pera ko sa hawak nya. Saglit syang nawala. Nanghiram siguro ng calcu. >:D
Bumalik sya ng maasim padin ang muka, natural nya na yata yun. Pagkabigay nya ng sukli ko, nginitian ko sya ng matamis na matamis.
"Salamat. Next time, try mo nadin magtinda ng mangga para magcompliment sa muka mo. *bad-ass laugh*. Malay mo dun ka pa umasenso."
Umalis na ako dun. Pagdating ko sa may bus terminal, may nakita akong nagtitinda ng turon at banana cue. Bumili ako. Pagkaupo ko sa loob ng bus, napatingin ako sa kinakain ko. Damn. Paboritong meryenda namin ni Jem ito dati. Bigla ko tuloy naalala... nung unang beses kaming sabay kumain noon.
(Flashback) (Senior year, HS)
Nasa cafeteria ako, umoorder ng baked mac, ng may kumalabit saken. Pagtingin ko, si Jem pala. Nakilala ko sya habang naglalakad ako pauwe. Bigla ko lang kinausap, sagot din naman sya. Di ko naman akalain na maaalala pala nya muka ko.
"Jem.. hi," kinuha ko yung order ko. "Kakain ka din ba? Tara!! Order ka na, hanap lang ako ng uupuan natin." iniwan ko na sya dun. May nakita naman ako kagad na bakante.
Kumain narin ako. Di ko na hinintay si Jem. Hindi ko kasi ugalang maghintay eh. #Bad
Tahimik na umupo sa harap ko si Jem at sumabay saken ng kain. Feeling ko ang bastos ko dahil hindi ko sya hinintay, at first time ito nangyari na nakonsensya ako, binagalan ko kumaen. Napansin ko din tuloy na parehas kami ng order. Gaya-gaya. Pero nauna padin ako natapos kumain. Naglaro nalang ako sa cellphone ko habang inaantay ko sya. Damn. I can't believe I'm waiting for someone like Jem. Maski Kuya at si Kendra, ma-late lang ng 1 minute sa usapan, iniiwanan ko talaga. I swore that I will never let my life wait for other people.
But here I am. Waiting for Jem to have his fill.
"Uy.." sabi nya.
"Tapos ka na? Samahan mo ko, may bibilhin ako dun.." tumayo kaming dalawa at lumabas.
"May klase ka pa?" tanong nya.
"Tingin mo ba meron?" pilosopong sagot ko.
"Ahh. Mag-isa ka yata ngayon.."
"May nakikita ka bang iba na di ko nakikita ha?" boring..
"Ano palang bibilhin mo? Kakakaen lang natin diba?"
"La kang pake. Eh gusto ko pa eh." inirapan ko sya tapos bumili ako ng turon. Binilhan ko din sya, nagulat pa nga eh tapos nagpasalamat.
Itong canteen na binilhan ko ng turon, nasa may tapat ng court kaya habang ngumunguya kami.. nakatingin kami sa mag nagbabasketball.
"Ansarap noh?" sabi ko.
"Oo. Paborito mo ba toh? Hehe parehas tayo. :))"
"Yeah!! Alamo kase, yung saging may chemical component yan na nagpapasaya sayo." :)
"Talaga??" - Jem
"Gulat na gulat? Ngayon lang nalaman? Haha."
"Edi ang saya pala palagi ng mga unggoy no? xD saging everyday." HAHA gago amputek xD
(A/N: Haaay. Matatagalan yata bago ako makapag-update. Hehe. Busy eh. Dami gawain sa school. :D pa-plug lang.. pabasa naman din po yung isa kong story: Ang True Friend Ko. comment tsaka vote nyo po. salamat <3)
BINABASA MO ANG
Saskia
RandomSi Saskia ay maldita to the core. Bitch's blood is flowing in her veins. Maldita na nga, laitera pa. Paano kaya pag na-inlove sya? May magbabago kaya?