(A/N: Sorry ngayon lang nakapag-update.)
CHAPTER TWO
"Aga ah. Wala kang napala noh. Sabi ko kase sayo dapat 2nd week ka na papasok. Shunga shunga eh." bungad saken ni Kendra. Ang bestfriend kong flirt. Seryoso. Mahihiya ka sa sobrang landi nya pramis. Wala pa syang sineseryosong lalaki. Inaantay ko nga kung kelan sya makakarma eh. Haha >:D
"Nakatikim ka na ba ng kinseng sapak, Kendra?" binaba ko yung bag ko, umupo at binuksan agad yung laptop para mag-Skype.
"Napakasama mo talaga Saskia! Ikaw na talaga. Hindi talaga ako mananalo sayo pagdating sa kasamaan ng ugali." nagpout pa. Pero tumabi sya saken. Kunwari lang yan na nasaktan. Sanay na kami sa isa't isa.
"Gaga. Alamo namang 17 years ko yun pinag-aralan eh." ang bagal ng Wi-Fi namen. Mukang madami nakikigamit. Ang ganda kasi ng password na nilagay ni Kendra: 'WiFinamaypassword' diba? Tsk. Pinatay ko nga.
"Bat ako di ko natutunan yan?"
"Nasasapawan kasi ng kalandian mo. Dun ako saludo sayo." :D
"Pero gusto ko din maging bad-ass kagaya mo!"
"Wag na." pinalitan ko yung password ng Wi-Fi tapos nag-internet ule ako.
Ka-Skype ko si Kuya Damon. Nasa Bahrain kasi sya. Nagtatrabaho. Spoiled ako sakanya. Sobra. Kulang nalang buong solar system bilhin nya para saken. Pero di kami mayaman. Sapat lang. At lahat ng binibigay nya saken, matataas na grdes ang kapalit nun. Pinaghirapan ko lahat ng gadgets ko ngayon.
Wala kaming magulang, kami lang dalawa. Iniwan kami eh. Nag-anak anak pa, di naman pala kaya ang responsibilidad. Leche.
Sinabe ko lang ke Kuya na lilipat ako ng school. Pumayag sya agad. Binilinan lang ako na magpakabait minsan. Kung meron mang tao na pinapakinggan ko, yung Kuya Damon ko lang yun. Nagkamustahan sila saglit ni Kendra tapos nagpaalam na sya. Naglaro ako sa laptop.
"Kendra, uuwi pala ako mamya sa Bulacan. Dun ko i-spend ang weekend ko. Babalik ako Monday ng hapon." sabi ko.
"Aba. Kelan ka pa natuto magpaalam saken? Naku. Mamamatay ka na ata, bait mo eh."
"Gaga! Kanina ka pa Kendra ha."
"Haha! Baket ka uuwi? Para makita mo si Jem? Ayieee. Kikilitiin nya sana ko pero tinignan ko sya ng masama. "Okay. White flag."
"Kaya ako uuwe para mapahinga tenga ko sayo Kendra! At uuwe ako kasi alam ko namang gigimik ka buong wekend at iiwan ako dito mag-isa. True friend talaga eh." bumelat ako sakanya.
"Baket kasi di ka sumama? Gaga!"
"Nakakahiya ka kasi kasama, loka-loka."
(Kendra's POV)
Tumahimik na ako. Di talaga ako mananalo kay Saskia. No bad feelings. Sanay nako sakanya at kilala ko ang tunay na Saskia. Other side of her. Yung weak. Yung tanga kapag nagmahal. xD so stupid. poreber stupid XD may first love kasi yan dati. Si Jem. At last narin ata dahil parang wala ng balak magmahal ulet si Saskia pagkataos ng ginawa ni Jem sakanya. Ewan ko kung anong nagustuhan nya dun. Hindi naman kagwapuhan, pero feeling pogi oo. Lampa pa.
Nung 4thyear kami, naging sila. Pero jinowa lang pala sya ni Jem kasi gusto pagselosin nung lalaki na yun yung crush nya na kaklase din namen. Ibang klase angtrip si Jem, masakit. Pero iba si Saskia. Di umiiyak habang kinekwento noon yung ginawa ni Jem sakanya. Ang sabi lang nya pagkatapos:
"I know what heartbreak feels like. And this one is nothing compare to it." tinutukoy nya yung pag-iwan ng Mama nya sakanila. Parang akala mo di nasasaktan. Pero nasa loob nya yun. Sinosolo lang nya o baka wala lang yata talaga syang pake na. Hindi ko din naman sya mapagsalita tungkol dun dahil kaming dalawa, di kami nag-uusap ng mushy stuffs. O yung heart-to-heart. Di yun uso samen. Kasi parang di bagay ke Saskia magdrama.
Nagsalita bigla si Saskia sa tabi ko.
"Oh. Natahimik ka dyan. Gusto mo pasalubong? Ge. Bibilhan kita basta uubusin mo lahat." sabi nya. Nakangisi pa sya. ._.
BINABASA MO ANG
Saskia
RandomSi Saskia ay maldita to the core. Bitch's blood is flowing in her veins. Maldita na nga, laitera pa. Paano kaya pag na-inlove sya? May magbabago kaya?