Ilang araw na nakalipas. Nasa laboratory kame, hinahanap yung transport system ng halaman sa microscope. Kakatapos ko lang tulungan magset-up yung isa kong kaklase. Shunga-shunga kase.
Pagkaupo ko, nakita ko si Kendra, may kalandian nanaman. Di ko sya sinaway, ginusto nya yan. Tsaka wala akong pake. True friend ako eh. :D narinig ko yung teacher namen, pinagteten-minute break kame. Pagtayo ko at pagtingin ko sa bintana, nakita kong may nakatayo at nakatalikod saken.
Pamilyar yung likod. Tumakbo kagad ako, bigla kasi akong na-excite at kitang-kita ni Kendra kung pano ako tumama sa pintuan sa pagmamadali.
"Aray.." sabi ko lang tapos lumapit ako agad kay Jem. "Jem.."
"Oh musta?" nakapamulsa pa. Pa-cool. "Wala kang klase?"
"Break. Ayun nga yung mga kaklase ko oh." tinuro ko yung kumpol-kumpol na mga tao sa canteen. Nandun sila sa may stall ng kwek kwek. "Kabwiset yung Biology namin ngayon. Sa halaman. Dun pa naman ako mahina. Tss. Botany."
"Wow. Parang maganda yun ah."
"Anong maganda?" inirapan ko sya. "Bat ka nga pala nandito? Wala ng klase?"
"Oo. Actually, pauwi narin ako eh. Hinihintay ko lang yung mga classmates ko." tinuro nya yung nagba-volleyball sa gilid namin. Sa tingin ko, sarap na sarap pa sa paglalaro yung mga yun kaya matatagalan pa bago makauwi si Jem.
Pabalik na ng room yung mga kaklase ko at likas yatang mga malisyosa sila, ngiting-ngiti sila samen ni Jem. Si Jem naman, nakayuko lang. Pakiramdam ko mamya uulanin ako ng tanong ng mga kaklase kong chismosa.
"Tapos na yata break nyo. Bumalik ka na," sabi nya.
"Di pa. Hangga't di pumapasok si Maam, di ako papasok."
Hinayaan nya ako. Parehas na kaming nakatingin lang sa court, dun sa mga naglalaro ng table tennis.
"Madali lang maglaro ng table tennis no? Parang. Tignan mo."
"Di rin noh. Laruin mo para malaman mo." bored kong sabe.
"Parang nga eh. Kasi tignan mo, di mo kailangan ng strength. Dapat may kontrol ka lang dun sa bola."
Di nako sumagot. Eto na siguro pinakawalang kwentang usapan namen. Bigla kasing nagbago yung mood nya. Parang... nailang? O.O baket? Paano? At kanino?
Saken?
---
Sinabe ko kay Kendra na boypren ko nga si Jem. Yun lang. Hindi ko na dinetalye. Di nya din alam na fake kame. Binigyan pa ako ng tips na hindi ko naman pinakinggan. Ano bang pake? Haha.
Lumipas ang ilang linggo. Busy. Di ko nga alam kung anong date ngayon eh, basta alam ko may pasok ako. Pero pagkaapak na pagkaapak ko sa quadrangle, may nag-gm na walang klase sa English ngayon. Nag-Zumba daw kasi yung teacher namin kahapon, masakit ang katawan. Pabor saken hehe makakapagreview pa ko sa long quiz namin sa Economics, yung next subject ko. I hate it, sobra.
Pumunta ako sa may study area sa may tabi ng court. And look who's here. Ang 'boyfriend' ko.
"Oh. Musta?" sabi nya kagad pag-angat nya ng tingin.
Nginitian ko lang sya tapos nagbasa na ako ng notes ko sa Eco. Law of Demand: pag mataas ang presyo, mababa ang demand. Law of Supply: pag mataas ang presyo, mataas ang supply.
Napatingin ako ke Jem. Nakatitig pala sya saken. Akala ko kase nag-aaral din sya kaya di ko sya kinakausap.
"Baka perfect-in mo na yung quiz nyo ha. Seryoso mo eh." sabi nya. Kinuha nya yung notes ko. "Tara. I-review kita." ibubuka na nya sana yung bibig nya pero pinigilan ko sya.
"No. Don't. Maguguluhan ako lalo. Sorry." huminga ako ng malalim. "Oh. Kamusta?"
"Okay naman. Gusto mo?" may hawak pala syang turon.
"Hindi. Wag na. Grabe itong quiz namen. Andame. Pinapa-review kame ng chapters 26-32. Kota. Buti nalang isang chapter nalang ako." hinampas hampas ko pa yung libro at notes ko.
"Baka 500 items yang quiz nyo. xD"
"Haha. Mahiya naman sya sa balat nya. Sapak sapakin ko pa sya. Eh ikaw? Kamusta yung exam mo sa Filipino?"
"Okay lang. May logic. Pero sakto lang."
"Sakto sa kakayahan ng utak mo." binalik ko sa bag ko yung notes ko. Hindi na ako makakareview, for sure.
"Pinaghihiwalay-hiwalay kame pag may quiz eh." sabi ko ulet.
"Kami din."
"Weh? Wala namang lumalapit sayo eh. Ambisyosong toh. Pano may ihihiwalay si Maam mo." tinignan nya ko ng masama. Pero dahil ako si Saskia Salvatore, di ko sya pinansin. "Alamoba kahapon, nagreport kami sa English. Pero bago yun, nawala yung copy namen sa flash drive. Naka-Powerpoint kasi, ang arte ng teacher. Eh ayun nawala nga, wala pa kaming back-up. Hinayaan ko silang gumawa ulet, kanilang katangahan naman yun."
"Grabe. Ang hard mo talaga. Gaga ka ._."
"I know. Thank you. :D"
"Anyare sa report nyo?"
"Sinabe ko na kanina diba. Gumawa ulet sila. Masaya nga eh, kasi rush. Tapos nag-graded recitation kami sa Filipino. Pag di mo nasagot, nakatayo ka buong period. Syempre kapag tama, upo agad. Eh may sumagot kahapon, kalahati tama kalahati mali, pano daw yun. Hehe sabi ko, edi kalahati lang ng pwet mo nakaupo." dinemo ko pa kay Jem. Haha!
"Hahaha! Nakakatuwa ka." sabi ni Jem.
"Hehe." #mema
Ang ewan namin dalawa.
Nag-aya ako kumaen.
BINABASA MO ANG
Saskia
RandomSi Saskia ay maldita to the core. Bitch's blood is flowing in her veins. Maldita na nga, laitera pa. Paano kaya pag na-inlove sya? May magbabago kaya?