Nung una ko nakilala si Jem, ang tahi-tahimik. Napaka-iikli ng sagot. Yung susukuan mo kagad. Haha. It's mere curiosity that made me talk to him even more. First time ko noon magkainteres sa isang lalaki. Pero di ko sya crush.
Hindi kami madalas nagkikita noon kase magkaiba sched namin. Pero kapag nakikita ko sya, umaatikabong pag-uusap ang ganap namimg dalawa. We don't have one thing in common pero sa tingin ko, may nahanap kami sa isa't isa. He found someone who likes to talk with him. At ako, nakahanap ako sakanya ng makikinig saken bukod kay Kendra at Kuya.
Habang tumatagal, unti-unti kami noon naging komportable sa isa't-isa. Pero bago pa yun, di sya naniniwala na Saskia pangalan ko. Muntanga amputek. Ano akala nya, ako si Bettina? Duh!
Kapag nag-uusap kame, unti-unti narin syang dumadaldal. Nagkwento sya nun, yung 'nakakatakot' daw na trip nila sa Qc Circle. Sinusundan daw sila ng isang bakla. Puro sila lalaki. Baka may pogi sakanila. Alamo naman ang ibang bakla...
"Anong nakakatakot dun, Jem?" sabi ko pa noon sakanya. "Pero kunsabagay, creepy din yun ah. La ka naman dapat ipag-alala eh di ka naman pogi kaya di ikaw sinusundan nun :D"
"Sinabi ko bang ako?" sagot nya.
"Kakasabi mo nga lang eh. Tsaka baket naman kase gagala nalang kayo, sa Circle pa?"
"Baket ba?" ang taray ha. Haha
Natawa tuloy ako ng wala sa oras sa alaala na yun. At dahil mag-isa lang ako dito sa likod at nag-eenjoy naman ako, tinuloy-tuloy ko na ang pagpapa-flashback.
(flashback)
Kailangan kong magpalamig. Pumasok ako sa library. Aircon kasi dun. Nagsulat ako kagad sa logbook, pagkatapos tumingin ako dun sa pangalan na nasa itaas ng napakaganda kong pangalan.
Jeremy Sheldon
Saskia Salvatore
(a/n: yeah i know sa vampire diaries nga yang surname ni Saskia hehe wala na kasi akong maisip na iba.)
Nasa library din si Jem. Lumibot kagad ako at nakita ko sya sa may sulok, nagrereview. Kumuha muna ako ng History book(may pinapabasa samen) at tumabi kay Jem.
"Oh. Kamusta?" bati nya. Iyan palagi ang bungad nya.
"Okay naman. Nagrereview ka?" tanong ko habang nakatingin na sa libro.
"Lakas maka-tanga ng tanong no Saskia ha." bumalik sya sa pagsusulat. "Gumagawa ako ng reviewer." dugtong nya.
"Matalino ka na eh. Makinig ka muna saken, Jem. May problema ako at kailangan kita."
Saglit syang natigilan, pero agad tumingin saken. Binaba nya yung bolpen nya.
"Ano yun?"
"Yung klasmeyt ko kasing babae, parang tanga eh. Nagseselos saken. Pano kase, yung klasmeyt kong lalaki na may crush sa kanya, close saken. Eh ayun ansama makatingin saken palage. Punyemas na yan, ayoko pa naman yung nalilink kung kani-kanino kaya ano..." hindi ko matuloy-tuloy sasabihen ko. Nakakahiya kasi. >/////////<
"Ano?" simple at kalmadong tanong ni Jem. Tinignan ko sya. Teka lang, eh si Jem lang naman ito ah. Baket ako nahihiya sakanya? Huminga ako ng malalim.
"Kayasinabekosakanilanamayboyfriendakoatikawyun."
Silence.
Katahimikan.
Silence.
Tapos unti-unting namuo sa labi ni Jem ang ngiti sabay sabing
"Nice :)"
Nakahinga ako ng maluwag lalo at di ako nakaramdam ng awkwardness. It seems he's cool about it. Atleast hindi "Ayoko" o "Sige" ang sagot nya. Pwede na yung "Nice' nya. xD Tapos nagsalita ule sya.
"Kelan tayo magbe-break? :D"
"Break agad? Wala pa nga tayong isang oras. Grabe toh. Pero buti natanong mo yan, hm kelan ba? Hm. Kapag gusto ko."
"Eh pano pala yun? Di ako marunong umacting. Anobayan. Problema mo nalang, dinadamay mo pa ako," ._.
"Nagpadamay ka naman. Basta kapag pinakilala kita, ngumiti ka lang. Malamang ako lang naman aasarin nung mga yun. Just act natural."
"Okay. Hm seryoso ka ba talaga?" natatawa-tawa pa sya nyan.
"Oo. Eh kailangan ko lang naman kasi. Jusko para namang gusto ko din itong pinasok ko noh."
Tinignan nya ako ng Ang-Kapal-Mo-Buti-Nga-Pumayag-Ako look. Bumelat nalang ako.
"Oh. Ireview mo nga ako." binigay nya saken yung reviewer nya. "Kahet random lang."
"Nge. Saken ka pa nagpaganyan, di ako marunong nyan. Pag nagre-review kasi ako, ako lang mag-isa. Atsaka kapag nabasa ko na ng isang beses, yun na yun. Ayoko ng paulet-ulet eh. Nagugulo lalo isip ko."
"Wow. Haha! Naku, high-memory pala toh."
Natawa ako. Tinignan ko yung reviewer nya
"Tara. Hm. Ano yung pang-abay?" tanong ko.
"Adverb. :D"
"In-english mo lang eh. Ano nga?"
Sinabe nya kung ano yung pang-abay. Marami pa kong tinanong sakanya, tapos nung okay na..
"Okay. Tama na toh. Ang talino mo na, kahet wala sa muka xD mage-exam na ba kayo?" binalik ko sakanya yung reviewer nya.
"Oo. Tara. Ihahatid na kita dun." sabi ni Jem.
Tapos... what the hell? Yun lang sinabe nya tapos parang 2 seconds na tumigil mundo ko. He got me just by saying those words na first time ko narinig.. dang ._.
Tumayo kagad ako at pumunta sa counter para kunin ang library card ko.
Sabay kaming bumaba. Pero di ako nagpahatid.
Duh. Tigilan nga ako. Wag ako.
So. Not. Me.
(a/n: wow. i didn't expect to get 100 reads, srsly. akala ko walang papansin sa gawa ko hahaha i'm moved :))))))) comment naman po kayo oh tsaka vote narin. tanong ko lang baket ansarap ngumiti ngayon? di naman dahil sa sembreak na namin pero anong dahilan at di ko mapigilan itong goofy smile na nasa labi ko? hahahahaha :) well anyway, enjoy reading. :D stay tuned for updates.)
BINABASA MO ANG
Saskia
RandomSi Saskia ay maldita to the core. Bitch's blood is flowing in her veins. Maldita na nga, laitera pa. Paano kaya pag na-inlove sya? May magbabago kaya?