(A/N: Hm nakakaloka. Haha okay eto na ang update.)
"Eh ayaw nga eh. Ikaw kaya kumausap? Bilib na ko sayo kapag napapayag mo sya." - Jem
"Sus. Ako pa talaga hinamon mong kumag ka. Sige bukas! Ako na kakausap. God bless me!" pilosopo kong sabi tapos tinignan ko si Jem na muka paring nalugi ng sampung milyon. "Ayos muka na Jem. Mungago eh. Pag-isipan mo nalang kung saan mo sya dadalhin. Isipin mo eto na ang panahon para ilabas mo na lahat ng kabaduyan na nalalaman mo. Pinapangako ko bukas, wala kang maririnig saken." binalik ko na tingin ko sa tv.
"Talaga-talaga?!" nakangisi pa si Jem. "Hehe! Salamat Saskia."
Di nako sumagot. Pero natuwa ako na kahet paano napa-improve ko ang mood ni Jem.
CHAPTER FIVE
Pumunta ako ng maaga kela Iris. Syempre si Jem lang nagturo saken. Ayaw pa nga ako papasukin ng gaga nung una, pero nung sinabi ko na tungkol sakanila ni Jem...
"Di mo agad sinabe. Ikaw talaga! Tara pasok. Anong gusto mo kainin?"
Napailing nalang ako. Pagpasok ko sa loob, pinaupo nya ako sa sofa tapos pupunta dapat sya ng kusina..
"Wag ka ng mag-abala. Wala akong balak magtagal. Amplastik mo. Magpakatotoo ka nga." sabi ko sabay irap.
Natawa si Iris. Yung pangkontrabida. "Walang takas sayo. Napansin mo pala. Eh ano bang sadya mo dito? Sirain ang umaga ko?"
"Maniwala ka man o hinde, yun talaga pinakapakay ko dito. Pero dahil nangako ako kay Jem kagabe, wala kayong maririnig saken." nag-pause ako saglit. "Umupo ka nga." sumunod naman sya. "Gusto ni Jem na mag-usap kayo ngayon. Tungkol sainyo. Itetext ni Jem sayo kung san kayo mamya."
"Di mo alam? Anobayan." umikot mata nya.
"Di ko na gugustuhin malaman pa dahil ayokong masuka sa kabaduyan nya. Pumayag kana lang para matapos na toh. Pektus de baon sa lupa ang aabutin mo saken kapag nag-inarte ka."
"Aruy. Grabe naman. Hard."
"Nah! That's my easy way. Yung hard, kakaladkarin kita hanggang dun sa meeting place nyo ni Jem. Lampake sayo kung ano itsura mo nun."
"Di naman kasi toh mangyayare kung di dahil sayo eh. Feelingera ka kase." bumelat pa sya.
"Ikaw naman boba. sugod ka kagad di mo naman alam totoo. Magkaibigan lang kami ni Jem, nung highschool pa, gaga!"
"Ganun. Eh baket iba sya makatingin sayo? May sparks." Ha? ._. eh gaga pala toh.
"Ano, pupunta ka ba?" tumayo na ako. "Kasi kung hindi, alamo na gagawin ko sayo."
"Oo na, pupuntahan na. Bwisit na toh. Umalis ka na nga. Nai-stress ako sayo. Pumapanget ako."
"Matagal ka ng panget! Mas maganda pa nga bahay nyo sayo eh." xD
Umuwi na ako ng bahay. Nandun si Jem sa sala, nagulat pa pagkadating ko.
"Ano daw?"
"'Oo na, pupuntahan na.'" ginaya ko yung boses ni Iris. Yung pakyut na malande.
"WAAAAH!! YESS!! Haha." niyakap nya ako. "Thankyou Saskia!" tapos bigla na lang nya akong k-in-iss sa cheeks. "Ang cool mo talaga!" kulang nalang nag-heart mata nya.
Pinunasan ko yung pisngi ko. ._.
Hapon.
Napansin kong di mapakali si Jem.
"Di ka mapirmi dyan. Para kang kiti-kiti."
"Eh ano eh, parang di ko kaya." sabi nya.
"Kinakabahan ka lang. Makakaraos ka din."
Bigla syang humarap saken. "Hindi ko na kaya makipagbalikan ke Iris kasi di ko naman talaga sya mahal!!" O.O
"Sabi mo mahal mo."
"Alamo mo yung feeling na narealize mong mahal mo din pala yung isang tao, ibang tao toh ah, pero huli na? Yun. Ganun. Anobatooooooooooooh!!" napayuko sya.
"Jem. Isa lang isipin mo, masasaktan si Iris kapag di ka bumalik sakanya. Sya ang gusto mo. Di yung kung sino man na yun na sinasabe mo. Wag ganun, Jeremy. Wag mo paglaruan si Iris. Kahet sukang suka ako sa muka nun,"
Tumingin si Jem saken. Parang may gusto syang sabihin pero..... ang sinabe nya hindi iyon....
"Late na nga. Haaay. Baket kasi di ko sinabi sakanya noon?" malungkot na sabi ni Jem.
"Ako ba yan, Jem?" nasabi ko nalang bigla. O.O
Tumingin sya saken. Sa mata pa lang nya, alam ko na ang sagot. Napailing nalang ako.
"Baket ngayon pa Jem? Kung kelan wala na. Hanggang ngayon, late ka padin. Wag mo ng dagdagan kasalanan mo, Jem. Ayusin mo yung sainyo ni Iris. Wag ka magpakasarap sa pagiging paasa. Kotang-kota ka na."
Matagal na katahimikan.
Awkward.
Tapos binasag ni Jem.
"Sige. Pupunta na ko kela Iris. Sunduin ko na sya." ngumiti ako sakanya na may halong awkwardness hehe tapos ngumiti din sya saken. Malungkot naman yung kanya. Kung di lang pasok sa sitwasyon, kanina ko pa sya tinawanan. XD basang-basa ko sa muka nya yung salitang 'sayang' eh.
"Sige. Ingat ka. Uuwi narin pala ako."
Umalis na sya. Sinara ko yung pinto. Hm ang ewan ah, magulo. Pero isa lang talaga ang sigurado ako. Wala na akong nararamdaman kay Jem! With conviction!
Okay! Balik Maynila na mamya. In fairness, namiss ko si Kendra'ng malande. Kumota kaya sya sa paglalande habang wala ako? Mukang enjoy na enjoy ang babae. Di nagtetext.
(A/N: Ang ewan. Salamat pala sa aking on-hold jowa (xD) sa pagtuturo ng kung ano anong anek anek sa keyboard. :D nag-enjoy ako sobra but I screwed up nung pauwi na kame ._____. putek mukang alam na nya kung gaano ako ka-bad. Haha. Stay tuned for updates. xD)
BINABASA MO ANG
Saskia
RandomSi Saskia ay maldita to the core. Bitch's blood is flowing in her veins. Maldita na nga, laitera pa. Paano kaya pag na-inlove sya? May magbabago kaya?