Walang magawa. Uwian nanamen pero andito padin ako sa school. Ayoko pa umuwi ng bahay eh. Late uuwi si Kuya kaya dito muna ako. Umakyat ako ng library. Pagtingin ko sa logbook, andun si Jem. Di muna ako lumapit sakanya. Pero sa pinakadulo ako umupo at kitang-kita ko sya mula doon.
Di ko na napagtuunan ng pansin yung Reader's Digest na hawak ko. Kay Jem na lang ako nakatingin.
Ngayon ko lang napansin, ang cute pala nya ngumiti. May sparks. Ngayon ko lang din napagmasdan ng maayos ang mukha nya. Panget. Ang simple. Di naman pogi. Ang payat pa. Nakwento nya pa saken nun, nagka-TB daw sya at 6 months sya nagpagamot. Boring nya kasama. Mukang computer. Di pa nanlilibre.
Ang maganda na masasabe ko kay Jem: cute sya ngumiti. Good listener.
Nagdecide akong lumapit sakanya. Inunahan ko sya sa pagsabi ng...
"Oh. Musta?" umupo ako sa tabi nya.
Natawa si Jem. "Saskia. Sasama ka ba sa Prom?"
"Hindi eh. Sumama na ako last year. Wala namang napala. Kaya this coming prom, I'd rather watch horror films than to go dancing under the stars." I rolled my eyes. "Tss. I hate mushy stuffs like that. It's next to kaartehan." sabi ko habang nagbabasa.
"Sa sinabe mo parang ayoko na yata sumama." mahinang sabi nya.
At mejo naguilty naman ako. Mejo lang. "Hala. Magdadrama pa ba? Sumama ka na. Tinanong mo pa kasi ako eh alam mo namang hard ako magsalita. Kunwari wala ka na lang narinig kanina."
"Okay. Nakita ko pala toh. Nalaglag sa notebook mo." pinakita nya saken ang isang picture.
Ang itsura ko
O.O
Tapos naging ganto
.______.
Picture ko yung hawak nya. Nung prom namen last year. Wala akong make-up nun. Di ako nag-ayos. Natural beauty ang pinanlaban ko. :D
"Ganda ko dyan noh. Ha! La akong make-up dyan. Di ako marunong." hinablot ko sakanya yung picture at tinago ko sa bulsa ko.
Ngumisi sya. "Buti di mo sinubukan maglagay." Tapos sumeryoso sya. "Ano, di ka nga sasama? Sayang, ikaw pa naman sana yayain ko sa prom."
Bigla akong nanigas sa sinabe nya. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kaya tumalikod ako sakanya at kunwari eh may kinakalikot ako sa bag.
"Ano?" pangungulit pa nya. Kinakalabit pa ako.
I sighed in frustration. Pero napalakas pala kaya napalabas kaming dalawa ng wala sa oras nung librarian'g dragon.
Paglabas namen, di na nya pinursue pa yung about sa prom. Nagbasa sya ng mga random facts. Muka syang gago tignan kasi habang nagbabasa, puro "Ahhh.." "Uhmm.." "Hmm.." "Grabe.." ang naririnig ko. Sa bwisit ko, inagaw ko yung cellphone nya at ako ang nagbasa. Tuloy pati ako napapa "Ahhh.." "Uhmm.." "Hmm.." "Grabe.." narin. Tumabi pa sya saken, as in yung tabing-tabi talaga, halos masulasok ako sa amoy ng Clay-Doh sa buhok nya.
Binabasa namin yung facts about Harry Potter: Emma Watson auditioned just for fun. Ah, talaga? Well. Nilipat ko na agad sa next fact nung,
"Huy grabe naman! Bilis mo magbasa. 'Emma Watson' palang yung nakikita ko, nilipat mo na kagad." - Jem
"Ah. Haha. Sisihan mo yang mata mo. Kung san san ka siguro nakatingin." binigay ko na sakanya yung cellphone nya. Tumingin-tingin muna ako sa paligid at may apat na lalaki at dalawang babae ang titig na titig samen ni Jem.
Napansin ako ni Jem tapos ngumiti sya,
"Ah. Mga classmates ko yan. Kasama ko sila kanina sa library eh. Di mo ba napansin?"
"Hindi. Eh baket di ka pa pumunta sakanila? May kasama ka pala."
"Eh syempre andyan ka eh."
"Sus. Bakit kung makatitig naman yung mga yun, parang ngayon lang nakakita ng tao at dyosa?" titignan ko sana ng masama pero humarang si Jem.
"Ikaw lang kasi yung lumalapit saken. I mean, nakakalapit at nakakausap ako na parang close na close tayo. Maybe, nahihiwagaan sila kung pano mo ginagawa yun. Ewan ko ba, pare-parehas naman tayong tao pero kapag di na kilala, di kinakausap."
"Oh. Boy Hugot na sya. xD ano pinaglalaban mo? Ang drama mo eh." :D
"Wala! Ang galing mo talaga manira ng moment. .____."
"Pero seryoso talaga Jem, ako lang lumalapit sayo ng ganito? Yung kinukulit ka. Sinisira araw mo. :D ako lang? Ako lang?" grabe naman kasi, wala namang diperensya si Jem, well muka lang meron xD, para di lapitan.
Tumingin sya saken. "Oo. Ikaw lang, Saskia." seryoso sya. Tss. Parang doble yung meaning. Leche. :D
"Ah. Tara libre kita turon. Kain tayo! :D" naglakad ako, sumunod naman sya. Ansaya ko bigla. Di ko alam kung baket.
"Kaya nga ikaw tinatanong ko about sa prom eh. Kasi sayo ako komportable. Ano, sasamahan mo na ba ako?" yaya nya.
"Hmm.. oo na nga. Para lang di ka magmukhang kawawa. Pwede naman kasing di na lang sya magpunta."
"Papayag ka na nga lang, dami mo pang sinasabe. Pero ikaw na date ko ha."
"Ay. Paulit ulit tayo?"
"Baket, isang beses mo pa lang naman sinasabe ah. :P"
"Gusto mo sapak, Jem?"
"Ayaw."
"Good. Manahimik ka. Di kita ilibre dyan eh."
Nagpout sya. O em. Si Jem, nagpout? XD *o* tapos narinig ko syang bumulong ng 'Sino ba nagsabe ilibre mo ko?'. Di ko nalang pinansin. Tapos nag-canteen na kami.
BINABASA MO ANG
Saskia
RandomSi Saskia ay maldita to the core. Bitch's blood is flowing in her veins. Maldita na nga, laitera pa. Paano kaya pag na-inlove sya? May magbabago kaya?