Tumingin ako sa bintana. Gabi na pala. Kaya pala kanina pa sigaw ng sigaw yung kuya ko sa baba na kakain na. Pagbaba ko, may dalawang kausap si Kuya. Actually, yung isa lang pala. Yung mas matangkad. Magkapatid yata. Yung mas bata(kasi mejo maliet), nakatanga lang sakanilang dalawa.
"Napanood mo na ba yung episode 371? Wala kasi akong mahanap na cd." sabi ni Boy Mejo Matangkad.
"Meron. Advance na nga ako eh. Pahiram ko sayo. Dito na kayo kumain ng kapatid mo." sabi ni Kuya. "Asan na ba kasi yung kapatid ko? Teka lang ha. Tatawagin ko lang ulet kapatid ko. SASKI---"
"--AAAA!" tuloy ko sa sigaw ni Kuya :D "Hi Kuya." nginisian ko sya. Tapos dumiretso ako sa lamesa. Narinig ko na pinakilala ako ni Kuya.
"Oh. Ang kapatid ko. Haay. Ang bait nya no. Jusko. Kumakain na yan. Di yan marunong maghintay eh."
Kumakain na nga ako. Masamang pinag-aantay ang pagkain diba? Umupo nalang sila at kumaen. Di ko tinitignan yung mga bisita ni Kuya. Pero normally, pag kami lang ni Kuya nag-uusap kami about sa nangyari sa araw namin.
Wala din kasi ako sa mood makipag usap sa strangers. Ginugulo kasi ni Jem ang utak ko.
Pero dahil di naman ako bingi, naririnig ko ang usapan nila. Tungkol sa anime at manga. Tapos sa DOTA. Tapos sa movies. Tapos sa babae. Ka-lalaking tao, andadaldal.
As I'm clearing my plate,
"Saskia. Would you mind saying hello to Jeremy? He self-proclaims na kaibigan mo daw sya. Di ko alam na may iba ka pa palang kaibigan bukod kay Kendra." sabi ni Kuya Damon. Nainis ako.
"Sinong Jeremy! Wala akong kilalang---"
"Anobayan. Magkasama lang tayo kanina sa library."
Napalingon ako sa nagsalitang yun. Si Jem??! Anong ginagawa nya sa tabi ko??
"Oh. Hello Jem. Hello din, Kuya ni Jem." nagcurtsy pa ako. Yung bow ng princess. Basta yung hahawak sa gown. "Okay na ba Kuya? Pwede na ba ako umakyat?"
"Pinaalam ka pala saken ni Jem para sa prom nyo. Kung di pa nya sinabe na magka-date kayo, di ko malalaman na pupunta ka pala." titig na titig silang tatlo saken.
"Woah. Stop looking at me like I did a mortal sin. Wala naman talaga ako balak pumunta, Kuya. Pero nagmakaawa si Jem eh. Ang pagkakamali ko lang, naawa ako." I grinned.
Napailing ang kuya ko at humarap sa mga bisita nya. "Pagpasensyahan nyo na ang kapatid ko. Ganyan na talaga yan nung bata pa. Di na yata magbabago." sabi nya. Parang akala mo wala ako sa harap nya kung makapagSaskia-talk sya dyan.
"Wala na pong pag-asa Kuya. :D" sagot ni Jem. Nagtawanan pa sila.
Humarap si Kuya saken. "Saskia. Di mo ba alam magkapitbahay lang tayo nila Jeremy. Pero ngayon lang natin sila nakausap."
"Kuya, nakalimutan mo na bang di tayo kinakausap ng mga kapitbahay natin? :D alien lang talaga yan sila Jem." I rolled my eyes. "Well anyway, I'm glad you've found friends. And if you don't mind, pupunta na ako sa kwarto ko. Good night."
Bago ako tuluyan makaalis sa room na yun.. narinig ko ulet si Kuya.
"Well there goes my lovely sister. Pasensya na, napakahospitable nya. Di ko alam kung masama ba talaga ugali nya o ang tapang lang talaga nya."
"Baka ini-spoiled mo kasi." sagot nung Kuya ni Jem.
"Di ah. Sadya lang yata inborn na yang ugali nya. Ewan ko ba kung saan sya nagmana. Pero minsan nakakatulong iyang pagiging demonya nya haha :D"
Narinig ko nalang yung tawanan nila. I rolled my eyes. Really, they are enjoying this Saskia-talk.
BINABASA MO ANG
Saskia
RandomSi Saskia ay maldita to the core. Bitch's blood is flowing in her veins. Maldita na nga, laitera pa. Paano kaya pag na-inlove sya? May magbabago kaya?