CHAPTER THREE
(Saskia's POV)
Nag-aayos ako ng gamit habang nakatingin si Kendra.
"Saskia. Ilan ang puso ng suso?" tanong nya.
"Ewan ko. Itanong mo sakanya! Ano bang klaseng tanong yan?!" sinukbit ko na yung bag ko. "Alis nako!" walang lingon-lingon na lumabas ako.
Buong byahe, dalawang oras yun, nakatingin lang ako sa view. Nag-bus ako at walang nakatabi saken dahil sinasamaan ko sila agad ng tingin. Ayoko ng panira ng moment.
Pagdating ko ng bahay, nakabukas yung pintuan. Tumakbo ako agad sa loob para hanapin yung pangahas! Pero wala O.O maayos ang mga gamit. Pero imposible parin yun. Ano, tanga ba ko para iwanang bukas ang bahay namen. Sinara ko nalang yung pinto. Ang weird talaga.
Umakyat ako sa taas. At nagulat ako sa bumungad saken. As in nanlaki ang mata ko. O.O
"Hello Saskia." si Jem. Ang lalaking habang buhay ako eh ituturing kong kahihiyan sa aken xD
"Naligaw ka ata. Di ito ang bahay mo. Yung katabi nito. At ibigay mo saken ang yung susi mo dito sa bahay namen, wala kang kwentang tagabantay, iniiwanan mong bukas ang front door." in-extend ko yung kamay ko sakanya.
Yung kuya kasi namen, magkaibigan. Kaya kapag nasa Manila ako, sila Jem ang nagbabantay ng bahay namen.
"Ayaw mo nun, winewelcome ka." ngumisi sya saken. Napailing nalang ako tapos kinotongan ko sya. "Aray!! Ikaw talagang babae ka, bwiset ka!" hinawak-hawakan nya yung ulo nya. "Hindi ka naman ganyan dati. Ang--"
"Wag mo ng ilitanya saken yung mga kabaduyan na ginawa ko sayo dati. Kinikilabutan ako eh. Nako! Past is past," tinabig ko sya tapos pumasok ak ng kwarto ko. Sumunod sya saken. No worries. Walang gagawin masama saken iyang kumag na yan, subukan nya, susunugin ko lahat ng manga nya.
"Ganun. So, bitter ka? xD" umupo sya sa kama ko.
"Bitter? Bakit, naging tayo ba?"
"Saskia. You should learn from your past in order for you to move on." mayabang na sabi nya.
Humarap ako sakanya na nakataas ang kilay.
"Oh. Look who's talking. Nakakahiya naman sayo. Nagbigay ka pa talaga ng advice. Learn from your past mo muka mo hinayupak ka!"
"Woah." sabi nya. Then he mouthed 'Bitter'.
"Ah. Sinisimulan mo ako ha. Teka nga, asan naba yung mga manga mo dito?" yumuko ako sa ilalim ng kama para hanapin yung mga mang--
"Hinde na! Wag! Wag! Para mo nang awa!" nakakatawa yung itsura nya. Panic kung panic. xD
"I like you begging. :D" dumapa ako sa kama para maglaro sa laptop. Alam na ni Jem na di ko na susunugi yung mga manga nya kaya nag-Indian seat sya sa tabi ko.
"Grabe. Iba ka, Saskia. Ang sama ng ugali mo. Tsk."
"Yeah i know right. Thanks," sabi kong di nakatingin.
"Wala kang konsensya."
"Matagal na . Ngayon mo lang nalaman? Oh my gosh! Teka, celebrate muna ako dahil gumana na utak mo!!" :D
"Tss. Ewan ko sayo. White flag." silence. Pero pinaglihi ata sa pwet ng manok si Jem kaya nagsalita nanaman. "Kaen tayo, Saskia. Nagutom ako sa pakikipagbangayan sayo." yaya nya.
Bangayan pala yun. Akala ko nag-uusap lang kame. :D
"Libre mo?" katahimikan. "Silence means yes. Yehey! Manlilibre si Jeremy! Wooh!!"
Bumaba na kaming dalawa at lumabas ng bahay. Pero di pa kami nakakalayo, may tumawag kay Jem. Lumingon sya, at tumigil ako. Sino ba yun para lingunin ko? ._.
"WALANGYA KA! TWO-TIMER! NAG-AWAY LANG TAYO, NAKAHANAP KA NA AGAD NG IBA!"
Woah. Na-curious ako at tinignan ko yung loud na babae. Napansin tuloy ako. May mga kasama pala syang iba pa. At masakit sa mata ko yung mga suot nila. Pink. Eeew. So girly. Mapapaaga pa yata ang pagkabulag ko.
"AT IKAW NAMAN, MALANDI KA!" tinuro nya pa ko. Napataas ang kilay ko. Pero hinayaan ko muna sya. "Feeling mo maganda ka na kase pinatulan ka ng boyfriend ko? FYI babae, ako ang girlfriend nya at gusto ko magbreak kayo. Now na!" nagcrossed-arms pa.
Ngahikab ako. "Tapos ka na ba pumutak? Kasi kung oo, aalis na kame at kakaen. Nakakagutom tignan labi mo eh, parang tocino sa sobrang kintab. Oh wait, sabihin mo naman saken kung anong brand ng floorwax ang gamit mo at ng magamit ko sa sahig namen." hinatak ko na si Jem pero hinatak din sya ni Babaeng Labi.
"Akin na ang boyfriend ko!! Malandi ka. Bitch! Mang-aagaw!!" sabi nya.
Binitawan ko si Jem at tinulak sakanila. Nagtawanan silang magkakaibigan.
"Wala pala toh eh! Haha! Boo!" - Pink no. 1
"Ang weak! WAHAHAHA" - Pink no. 2
Nakitawa din ako. Napatigil sila bigla.
"Oh ano? Tigil kayo noh. Haha. Para kayong mga tanga. Sugod kayo agad di nyo naman alam ang totoo. Hiyang-hiya naman ako sa mga pinagsasasabe nyo kanina. Walang tumama. Nakakaawa kayo sa sobrang katangahan nyo. Puro lang ata kayoi mag paganda eh."
"Aba! Ang kapal ng muka mo!!" sigaw nung katabi nung girlfriend ni Jem.
"Mas makapal ang make-up mo." inirapan ko sya.
"Ansama mo!" tapos bigla nalang umiyak. Nilapitan sya nung dalawa pa nilang kasama at inalo-alo.
"Aba! Tumama din. Congrats, nagamit mo na ang utak mo. Tao ka na." sabi ko. "Hindi ko boypren yan si Jem. Utot nya. Para ko nading sinanla kaluluwa ko sa impyerno pag nangyari yun noh. At ikaw," tinuro ko si Babaeng Labi. "Sa susunod wag bibig paganahin, utak utak din pag may time para di lang naka-display dyan. Maganda ka sana, bungangera ka lang. Alamo di nako magtataka kung may magtahi ng tocino mong labi balang araw."
Sinugod nya ako pero pinalo ko yung noo nya kaya napaatras sya. Halos masubsob sya sa kalsada, buti nasalo sya nung Pink Squad nya. Mangiyak-ngiyak tuloy.
"Wag marahas, ano po? Lalo ka nagmumukang lame eh. Nanunugod bigla. So squammy." nginisian ko sya. Konting konti nalang ngangawa na toh. "Yan lang ba kaya nyo gawin? Sus di man lang ako nag-enjoy. May baon pa ba kayong pasabog dyan?"
Bigla nalang sumalampak sa kalsada si Babaeng Labi at umiyak. Nakakatawa xD kanina mga mukang matatapang pero ngayon, mga nagngangawaan. Aw so sad. ._. HAHAHA >:) wala pala itong mga ito. Mga weak. Umalis nako. Nang mag-isa. Bahala si Jem patahanin yang mga yan dahil ako nagugutom na ako.
(A/N: hehe comment naman kayo oh :D plith? XD tsaka vote nadin :* salamaaaaaaaaaat. :))
BINABASA MO ANG
Saskia
RandomSi Saskia ay maldita to the core. Bitch's blood is flowing in her veins. Maldita na nga, laitera pa. Paano kaya pag na-inlove sya? May magbabago kaya?